The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Showing posts with label 2. Mema lang/ Online Diary. Show all posts
Showing posts with label 2. Mema lang/ Online Diary. Show all posts

Saturday, January 11, 2025

#BLACKPINK

 

1.11.2025 #onlinediary
hi cici,
nakucurious nako dyan sa Blankpink na yan.. tapusin ko lang tong laban ng Rain or shine elastopainter vs phoenix , google ko na yan.. at kung sino sino ba mga members nyan.. at mga songs nyan..
its about time to do some digging sa google & check kung sino ba yan.. napanood ko sa youtube kabagi yung mga live performance at music video nila.. their songs looks good, prang taylor swift na rock & roll plus high visual effects performance.. prang ang sarap panoorin mga concert nila ng live.. then nakita ko sa reels yung solo act ni rosie , kinanta nya yung APT without bruno mars.. i think she is good..ang cute ng boses.. hindi lipsync.. so i am curious now..
prang last year, nagdikit ng poster yung anak ko sa bahay. then i asked her kung ano ba yan, at bat ampapanget naman ng mga idol mo? kasi ang magaganda yung mga pinoy artists.. hindi ko kilala yan...hahaha..
she said, its Blackpink dad, sikat po yan..

hi cici, finally justice is moving for FEU footballer Keith Absalon,

 

1.11.2025 #onlinediary
hi cici,
finally justice is moving for FEU footballer Keith Absalon,
congrats sa PNP at sa The National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Good job po!
nagbabike lang yung tao kasama mga bata.. tapos pasasabugin mo ng landmine? anong klaseng mga tao tong mga NPA terrorist nato? then makikita mo ni walang outrage or reactions yung mga senador, congressman , artista?
pero pag me napatay na pusa or aso.. mga galit na galit? or antindi ng reaction sa social media.. hehehe.,.
ang masakit pa nito bilang taxpayer, yung tax mo na sana pambili mo ng kamatis at san mig light, ayun napupunta sa mga hype na mga boss at recruiter ng mga terrorista dun sa kongreso.. hays.. now mga kakandidato pang senador.. tindi..

1.10.2024 #onlinediary Submitting the final documents needed..

 1.10.2024 #onlinediary

Submitting the final documents needed..
hi cici,
Talagang broke na broke na po.. hahaha,..so submitting the final requirements sa request ng compromise.. sana naman po maaapprove, . huhuhu.. talagang prayers nalang ang sasandalan mo sa mga oras nato..
 
Lord pls help! kayo na po bahala sa akin.. gusto ko lang po makapagsimula na ulet..  
wala akong sinisising iba kundi ang sarili ko at yung lecheng bookkeeper na nagfile ng ITR namin for 2019.. kaya nagkaleche leche ang buhay ko now..
sa sobrang broke ko, for the 1st time in 20 yrs, gusto ko bumili ng basic mumurahing laptop ( pra paltan nanakaw kong laptop , need ko for work) is hindi ko na siya afford..kahit nga new celfon na android hindi ko afford bumili now.. awang awa ako sa sarili ko now to be honest.. Kahit nga san mig light now, prang di ko na afford, kaya ininom ko now gin at alfonso! hahaha..
so talagang need mo nalang baguhin ang mindset mo at if gusto mo magsurvive, need mo talaga iaccept na dito sa Pinas, ang mga opisina ng gobyerno, ay ginawa pra pahirapan ka...
sabi nga ni preng jap, yan ang trabaho nila.. at wala kang laban sa gobyerno, so magcomply ka nalang..
wala pa yata akong opisina ng gobyerno na talagang ginawa pra makatulong sa mga micro-negosyate.. lahat sila pahirap.. hahhaha..
kahit nga yung OMB, optical media board.. pahirap pa.. obsolete ng tong opisina nato, at pabigat lang sa mga taxpayers.. meron pa bang nagbebenta ng fake dvd sa kalye now? pero pag napaship ka ng mga magnifiers , magnifying lamp pra gamitin ng mga clients sa pag-inspect nga electronics .. need ka pa pahirapan ng OMB, at hold shipment sa customs, kasi me word na "optical glass" sa description ng mga magnifiers na iiimport mo. hahaah
 
eh kada mahohold small items mo na pinaship from abroad , so delayed delivery mo..so nagagalit at nababawasan ka ng valued clients, yung iba magcacancel pa.. then kada 1 day na hold shipment mo sa warehouse ng shipper mo due to customs clearance, me penalty yun! so ubos na naman profit margin mo.. lugi ka na naman.. hahaha
siguro ang nakikita ko lang na medyo pwede makatulong sa mga naghihirap na small negosyante is yung Anti-Red Tape Authority na tinayo sa time ni Digong.. kasi Anti- Red tape.. good job tlaga si Dudirty.. kaya naiisip ko talga, si Dudirty , magaling talagang presidente.. dirty nga lang...hehehe.
pero si BBM magaling din naman.. both are good president for me.. yung panliligaw ni president BBM sa mga foreign investors, at pagtravel nya abroad nakakapagod yun,, pero in the end, laking help non sa ekonomiya.. kada 1 foreign investor factory lang na magtayo dito, libong libong local Pinoy employees, suppliers, consessionaire non ang nakikinabang.
so for me, Lord prang awa mo na po..
magpapakasipag napo specially sa pagchecheck ng mga documents ( at hindi iaasa sa ibang tao) at pagcomply sa mga dapat icomply at gawin mga dapat gawin at hindi na po masyado manood ng netflix (habang nakain ng junk food) at magiinom hanggang umaga..
magbabagong buhay napo..
to serve our clients better..

Sunday, January 5, 2025

Saan aabot ang P20 ngayon? Isang pirasong kamatis!

 

1.5.2024
hi cici,
tagal ko na hindi nakakabili ng kamatis... kaya yung tinapa ko sa ref hindi ko parin maluto luto ...hays.. comfort food ko kasi tinapa with kamatis sibuyas.. pati yung itlog na pula with kamatis! kaya recently tyaga tyaga sa tinapa at itlog na pula pero prang hindi completo..kasi me kulang...
miss ko na kamatis!!
if makakain ka ng kamatis now, rich kid ka na..
sa sobrang mahal nga ng kamatis, nabubulok nalang sa mga supermarkets...walang nabili! hahahah...naiisip ko yan lagi.. bat di nalang ibenta ng supermarkets ng rreasonable price kesa mabulok???
hindi nmaan kasi lahat afford makapunta sa palengke..
naisip ko narin nagtanim ng kamatis.. pro hindi siya madaling buhayin sa garden at paso..
 
 

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope