1.10.2024 #onlinediary
Submitting the final documents needed..
hi cici,
Talagang broke na broke na po.. hahaha,..so submitting the final requirements sa request ng compromise.. sana naman po maaapprove, . huhuhu.. talagang prayers nalang ang sasandalan mo sa mga oras nato..
Lord pls help! kayo na po bahala sa akin.. gusto ko lang po makapagsimula na ulet..
wala akong sinisising iba kundi ang sarili ko at yung lecheng bookkeeper na nagfile ng ITR namin for 2019.. kaya nagkaleche leche ang buhay ko now..
sa sobrang broke ko, for the 1st time in 20 yrs, gusto ko bumili ng basic mumurahing laptop ( pra paltan nanakaw kong laptop , need ko for work) is hindi ko na siya afford..kahit nga new celfon na android hindi ko afford bumili now.. awang awa ako sa sarili ko now to be honest.. Kahit nga san mig light now, prang di ko na afford, kaya ininom ko now gin at alfonso! hahaha..
so talagang need mo nalang baguhin ang mindset mo at if gusto mo magsurvive, need mo talaga iaccept na dito sa Pinas, ang mga opisina ng gobyerno, ay ginawa pra pahirapan ka...
sabi nga ni preng jap, yan ang trabaho nila.. at wala kang laban sa gobyerno, so magcomply ka nalang..
wala pa yata akong opisina ng gobyerno na talagang ginawa pra makatulong sa mga micro-negosyate.. lahat sila pahirap.. hahhaha..
kahit nga yung OMB, optical media board.. pahirap pa.. obsolete ng tong opisina nato, at pabigat lang sa mga taxpayers.. meron pa bang nagbebenta ng fake dvd sa kalye now? pero pag napaship ka ng mga magnifiers , magnifying lamp pra gamitin ng mga clients sa pag-inspect nga electronics .. need ka pa pahirapan ng OMB, at hold shipment sa customs, kasi me word na "optical glass" sa description ng mga magnifiers na iiimport mo. hahaah
eh kada mahohold small items mo na pinaship from abroad , so delayed delivery mo..so nagagalit at nababawasan ka ng valued clients, yung iba magcacancel pa.. then kada 1 day na hold shipment mo sa warehouse ng shipper mo due to customs clearance, me penalty yun! so ubos na naman profit margin mo.. lugi ka na naman.. hahaha
siguro ang nakikita ko lang na medyo pwede makatulong sa mga naghihirap na small negosyante is yung Anti-Red Tape Authority na tinayo sa time ni Digong.. kasi Anti- Red tape.. good job tlaga si Dudirty.. kaya naiisip ko talga, si Dudirty , magaling talagang presidente.. dirty nga lang...hehehe.
pero si BBM magaling din naman.. both are good president for me.. yung panliligaw ni president BBM sa mga foreign investors, at pagtravel nya abroad nakakapagod yun,, pero in the end, laking help non sa ekonomiya.. kada 1 foreign investor factory lang na magtayo dito, libong libong local Pinoy employees, suppliers, consessionaire non ang nakikinabang.
so for me, Lord prang awa mo na po..
magpapakasipag napo specially sa pagchecheck ng mga documents ( at hindi iaasa sa ibang tao) at pagcomply sa mga dapat icomply at gawin mga dapat gawin at hindi na po masyado manood ng netflix (habang nakain ng junk food) at magiinom hanggang umaga..
magbabagong buhay napo..
to serve our clients better..