The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Wednesday, May 31, 2023

mema lang

 

5.31.2023 10pm still depressed at still disengage mode ( mode na ayaw magopen ng messegers etc, kasi depressed pa- DND sa millenials..) so surf surf muna
GUSTO MO NG REALTALK?
dear diary,
realtalk lang, mas malaswa pa tong mga influencers kuno sa tiktok kesa sa mga napapanood mo sa mga bar at clubs..
parang nagmumukha tuloy mga madre yung mga nasa club at bars kesa dun sa mga tiktokers at fb reels.. hahaha, hays...parang pag pumunta ka now sa mga club is para kang umattend ng bible study kesa if magsurf ka ng videos sa fb, ig, tiktoks na puro hays..
ako na nahihiya sa mga nakikta ko sa reels sa fb,ig at tiktoks,, hays... content ba tong mga to???? daig pa ST movies ng seiko films nong 90s, hahaha, noong time nina gretchen barreto, cristina gonzales, rita avila, at rossana roses.. heheheh
Wala bang makakapigil sa mga ganitong bagay?? like mtrcb ng tiktok or fb reels? dapat talaga ihiwalay na FB ng mga bata..
dito lang siguro sumablay si Duterte ng nagpressure pra mawala franchise ng abs-cbn, wala tuloy mapanood na relevant, i mean bukod sa Voltez V, me iba pa bang magandang palabas ang channel 7? namayagpag tuloy tong mga content creators daw na wala namang content!
solder solder soldering.. work work work..

5.31.2023 3:40pm,

 

5.31.2023 3:40pm,
dear diary,  sobrang pressured sa work, sobrang gulo ng utak ko now, so nagkape munako at nagbasa ng Bandera//
"Alden Richards mas gustong kasal muna bago baby: ‘Ang hirap maging single parent’
whats on my mind: Korek ka Alden, kahit ako yan na nasa isip ko now.. napakahirap maging single father.. Dapat talaga Kasal muna bago baby... pra buo yung family.. so ang number 1 criterion ng liligawan pra pakasalan is fertile ba to???me fallopian tube ba to? syempre papakasalan mo so dapat kaya ka bigyan ng baby boy..
True, kahit ako napagdududahan narin beki dahil up to now wala pa ko asawa.. up now wala man lang ako maipost na official GF! nachichismis narin tayo na beki ( with due respect sa LGBT community).. pero hayaan mo lang idol! kilala natin ang sarili natin..
lahat ng sinabi mo sa interview nato, talagang kinapulutan ko ng aral now na magulo talaga isip ko dahil sa mga babae..
ok back to work, pressure pressure sa mga shipments ng Soldering at Dispensing Tools..

walang kwenta

 

syempre ako dapat yung masama ang loob, ang laki ng nainvest ko eh, almost 5 yrs yun.. icompute mo yung nagastos kong gasolina, toll, load, gcash, foods, allowance, support, etc sa loob ng 5yrs na yan.. imagine mo hirap ko in 5 yrs na yan... hindi lang siguro 1M yung nagastos ko sa 5 yrs na yan... yung 1M maibabalik, eh yung 5 yrs maibabalik ba yun?????
buti sana kung malapit lang eh,. next time bago ko ibigay talaga ang puso ko.. dapat insured na muna.. pra in case madisgracia, insured yung investments..

Monday, May 29, 2023

KUWAIT

5.29.2023 930am #rants
WARNING = this is rant post
Dear diary,
i really want don't to rant about so many things, because i have my own personal battles as I'm poor & lonely boy now.. I should choose my battles. because i need more time to focus in my own battles.
But i really cant shut my mouth (or let us say my fingers..) about this Kuwait banning our entry of OFW because the Embassy of the Philippines has a Shelter for the protection of our OFW there. I could say - Well thank you!
DUTERTE for all his dirty mouth, banned sending women (& men?) in Kuwait in some time since because he thought that there is no ample protection for our women there.
I could say Fuck you Kuwait! you are the worst kind of people to be honest! Many Filipina died in the hands of your your abusive citizens! LET US NOT FORGET THAT! I mean the Philippines should stop sending Filipino women in your country to be honest. Kung makakita lang ako like blogger na Kuwaiti dito sa Pinas, sarap siguro ng pakiramdam if makasapak ka ng Kuwaiti..joke lang, hehehee.
Filipinas are revered & honored in the whole World!! Even Filipina domestic workers should be revered & should have high salary, where can you get a house helper that can speak English better than you? you got a free English tutor in your own household & yet they are hurting our women.
In Mainland China, they are honored because Pinay are usually the English tutor of the Children of the elites there. They are also the best singers in most of the best clubs there
Hopefully , our country should industrialized, so we can stop totally sending our women in abusive countries like this Kuwait. We can send our Men, no problem about that. but for women, We should build more economic zones & BPO zones to give our women more job opportunities.
WOMEN i could estimate comprises of maybe 60-70% of the employees inside economic & BPO companies. Almost all of the users of our soldering stations are women! they are expert in soldering.
more PEZA & BPO economic zones please!
Kudos to our goverment for their strong stand against these camels in Kuwait.. Hindi to pera pera lang, need natin proteksyonan ang mga kakababaihan natin, Good job po!
Dito nga sa pinas, mga babae ang naghahari at nasusunod.. mga babae yung mga manloloko at abusado, mga babae yung mga mapanakit.. at nagpapaasa.. pero ni hindi mo mapitik man lang.. dahil babae yan.. pwede mo lang magawa is ipaTuflo.. hehehe

 

Thursday, May 25, 2023

Wednesday, May 24, 2023

Dreams Dreams

 

5.24.2023 4am
dear diary,
yung ekonomiya at work nasa Binan, Santa Rosa, Cabuyao, Calamba , Laguna all the way to Sto Tomas, Tanauan, Malvar at Lipa, Batangas ..then from Binan to Carmona, GMA, Silang, Dasmarinas, Gen Trias, Rosario at Tanza, Cavite..
pero i know it long before, nasa Nagcarlan talaga ang future.. talagang need na bumangon sa pagkalugmok gawa ng BIR san pablo, at simulan na ulet magipon pra makabili ng farm dto.
yung Nagcarlan kasi maganda siyang lugar malapit lang, then mataas siya, 140m asl , malamig, relaxed rural settings siya prang santa rosa dati, walang traffic, walang baha, walang problema sa parking, madaming pwede pasyalan, pero 1 hour lang nasa calamba ka na, lapit sa mga soldering clients.
sarap din mag inom dun like sa The Yard Diner
sarap mangarap na hopefully someday, makahanap ng asawa dito, then bili ng small farm. asawa muna hanapin, bago bili ng bahay kubo.. yoko na ulitin yung mistake ko na bili ng small house, then wala ka naman ititirang babae.. mababaon ka lang sa loan, at mabubulok yung bahay..
so ang 1st step is maghanap muna ng liligawan.. hahaha
syempre pangarap lang to.. mema lang to, pero malay mo me law of attraction..hehehe, sa ito yung nasa isip ko now, sawa ka na sa mga party party, pass ka na sa mga gulo, hindi ka na interasado sa hindi mo business, hindi ka na interesado sa mga chicks chicks kahit pretty at sexy kasi alam mo namang hindi seryoso at sakit lang sa ulo.. Naaala ko parin now yung legal wives ni Dennis Trillo sa netflix, hahaha, sakit sa ulo ng 1 babae, tapos gawin mo pang 3 or 4.. hehehe
Korek yung mema sa tiktok, ganito lang siguro pag natanda ka na, ang gusto mo nalang ay magkaron ka ng 1 sexyng babae na partner mo sa buhay, 10M at makabili ng small farm...

Dear diary, Bakit di ako nag oopen ng messemger?

 5.24.2023 240am
Dear diary,

Bakit di ako nag oopen ng messemger?

Bcoz Tinamad nako.. kasi wala naman nangyayari.. wala man lambing ba?.. kung magreply napakatagal...ayaw sagutin pa vc mo..or ni hindi ka matawagan.. ni hindi mo malaman kung seryoso sa yo or hindi.. lahat naman ng effort at lahat ng gusto binibigay mo pag magkasama kayo. Ganon kasi ako magmahal.

Syempre me needs din ako bilang lalake. Dapat give and take sa relasyon.. hindi lang naman sex sex to..give and take din dapat sa effort at sa lambing.. also bilang single father, pag ako me niligawan, it means for long term serious relationshop partnership or kasal ang main goal or ang live in man lang.. if flirt flirt lang, sa mga bata lang yun..matanda nako.

Syempre mapapaisip ka me iba tong lalake?.. or hindi talaga ako gusto nito
.kasi tagal tagal mo na dinadate..ganon parin.

Kakawalang gana yung babae na maisip mo na me ibang lalake..yoko ng me 3rd party..natrauma nako maghabol sa babae.

wala nako time maghabol ng maghabol.. mas mabuti pang maginom nalang.. then focus sa work.. ang babae naman kung talagang bet ka, pag di ka nagparamdam, kung talagang gusto ka..magbabakasakali yan pumunta sa bahay pra icheck ka..pupuntahan ka nyan sa bahay lalo na alam nya magisa ka lang..

So Intayin ko nalang me pumunta sa bahay na babae na me dala ng mga damit at sabihin-" love dito nako titira"...at dun ibibigay ko lahat ng pagmamahal...

kakasawa ng maghabol at sumugal realtalk lang.. so dun ako sa sure na ipapanalo ko. Eh alam ko naman na hindi ako pogi..so malamanh walang humabol sa akin..

Hindi ko alam, now nawalan nako ng interest talaga sa babae...kaya bihira narin ako magopen ng messenger.. prang me trauma na yata ako now sa chicks..hahaha

Kung walang pumunta..oks lang at least nakapagfocus ako sa work..nakatipid pako., hahaha.. at sanay narin naman ako magisa..sa tagal kong single, alam ko alak lang oks narin ako..

Pero alam ko sa sarili ko..if gusto ko umunlad ang buhay ko..if gusto ko maayos ang buhay ko, if gusto ko gumaan ang mga dinadala ko, if gusto ko na me natingin din ang mga anak ko, if gusto ko maging happy, need ko talaga ng 1 babae sa buhay.

Also pag me gf ako, nakakaipon ako..kasi bahay at work lang ang peg. 

Gusto ko talaga makaipon ng 5M, pra me budget ako pambili ng small farm sa Nagcarlan

Hay buhay.. sa mga ofw at malulungkot na tao dyan na nagbabasa ng online diary nato..kaya natin yan..

#mentalhealth #brokenhearted #diary

Friday, May 19, 2023

CITIBANK ESSENTIAL MASTERCARD

friends,
magbenta po ng soldering wire ang work ko, hindi po ang mag agent sa credit card. pero 6 po credit cards ko dati, Ng magshift po ako dito, ito nalang po ang tinira ko, pinacut ko po yung iba dahil sa annual fee kahit hindi naman po nagagamit. Yung ANNUAL FEE PO nakakastress, kasi kahit di mo gamitin credit card mo, sisingilin ka ng annual fee, then pag di mo nabayaran, me interest pa.. wala ka kamalay malay, laki na ng utang mo sa credit card.
ito pong credit card Citibank SIMPLICITY, highly recommended ko po ito personal, dahil NO ANNUAL FEE. tipid ka po ng 2,500 pesos or tipid ka po sa stress kakarequest na iwaive ang annual fee. dito po matic na zero annual fee for life
Disclaimer- pag po naka 3 akong successful referral, me gift po sa akin ang citibank, araw araw po ako ginigising sa umaga 8am-9am ng citibank pra alukin magrefer, hindi ko naman po masigawan yung sa telepono kahit asar na asar ako at aga aga.. kaya parang awa nyo nyo napo, sa mga me credit card po dyan, mag citibank nalang po tayo. wala pang annual fee. highly recommended po.
Icut nyo na po yang credit card nyong me annual fee!
ako na po nagsasabi, oks ang citibank, lagi pang me promotion discount sa mga shops pag ito ginamit at mga 12 months to pay zero interest
siguro ganon talaga ang buhay, yung credit card parang babae yan sa buhay mo. Yan ang magpapagaan or magpapabigat sa buhay mo. kumbaga eh parang nang-aagaw yung citibank ng me jowa ng me jowa, so syempre need na mas magaling ka at mas low maintenance.. pra ikaw ang piliin..at iwan yung dating jowa hahaha..
Parang Awa nyo na mga friends, pra makatulog nako ng direcho sa umaga..hahaha. at hindi naman kayo magsisisi, pakiclick lang po yung link sa ibaba para sa application form. if me credit card na po kayo sa ibang bank, for sure approved po kayo dito

Saturday, May 6, 2023

4 sa 10 Pinoy overweight, obese: DOST

 

4 sa 10 Pinoy overweight, obese: DOST- abs-cbn..


whats on your mind?
after reading this,

5.6.2023 1:25 am current weight= 195lbs OBESE
Pulikhat is reel..plantar fasciitis is real.. high blood is real...ito ang hirap pag single ka.. zero sex life..walang exercise...nagiging obese ka.. madadiabetes ka or prostate cancer hays.. pagkakain , nafufood coma ka.. nanghihina ka..

wala kang chicks so depressed ka, kain ka ng kain...

lahat na halos ng sakit makukuha mo pag obese ka.. i am currently 195 lbs obese.. huhuhu

Lagi ka nasasabihan na babaero ka..pero ni hindi ka nga makadale kahit isang official jowa.. ni wala nga kahit isang babaeng magmine man lang sayo sa FB or ipost ka man lang eh.,. langyang buhay to.. napakamalas sa babae.. hehehe.. makapag inom na nga lang after ko matapos tong sales report..

Di bale, pag malas daw sa babae, swerte sa business ( basta wag lang madadale ulet ng BIR, hehehe).. at me tinatawag na tsamba... malay mo, makatsamba na this year ng official jowa na tatawag sa yo ng love.. hehehe

need ko na talaga makahanap ng serious relationship.. pra mamayat ng konti.. hahaha
10 yrs nako single..huhuhu

#obese #hindipalasing

 

5M

 

5.6.2023
dear diary,
working hard now at 1am.
Napakagandang ng bahay na binebenta ni idol mate darwin dela cruz.. at higit sa lahat ganda ng location, halos katabi ang enchanted, near nuvali near SM, near hospital, near sa lahat.. sulet ang 5M realtalk lang..sa mahal ng materyales at labor now. at higit sa lahat yung appreciation ng property if malapit sa EK, malapit sa SM sta rosa, malapit sa nuvali, malapit sa lahat.. yung 5M na value nito, malamang 10M na value nito in 5-7 years..
kung me 5M lang ako binili ko na to..
kinompute ko, if need ko ng 5M, if 2K php per pc benta namin ng high quality solderindo lead-free solder wires.. so need ko pala makabenta ng 2500 pcs Gross to earn 5M gross kaso gross yun... so if ang markup or profit margin is 20%, need ko makabenta ng 2500pcs x 5 =12,500 pcs or 12,500 rolls ng 500g lead-free solder wires namin..
so ang usual consumption ng lead-free solder wires 500g ng client is like 10 rolls per month. if ang target ko na makaipon ng 5M is like 5 years. High quality, at mura lang tong LEAD-FREE solderindo solder wires at complete pa ng mga ROHS docs so madali to ibenta sa clients real talk lang.. ( WANTED RESELLERS!- madami po kaming stocks lagi! -pls call 0933-5996622 marge)
so ilang clients/ resellers dapat makuha namin na oorder ng 10 rolls lead-free solder wires- 500g per month pra makaipon ng 5M in 5 years?
X= no. of clients
X*(10rolls/month)*(12months/yr)*5yrs= 12,500rolls
X= 21 clients...
yun pala ang magic number... 21 clients.. now saan kaya ako makakakuha ng 21 clients ng soldering wires? hahaha
anyway madali na yun.. sa totoo lang, mas madali pa makakuha ng client ng solder wires, kesa makahanap ng babaeng magmamahal talaga sa yo... hays..

Friday, May 5, 2023

"At ang hirap

 

5.5.2023 6pm
Dear diary,
Just woke up gabi na pala.. i dont know pagkagising ko na Lss lang ako bigla.
Na LSS parin ako dun sa kinanta ni idol rose anne ramos dun sa kaysan santa rosa (at robinsons sta rosa parking area) last april 30, 2023..what a performance.. napagoogle tuloy ako..angeline quinto...
"At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay
Talagang wala ka na"
"At kung bukas
Pagmulat ng aking mata
May mahal ka ng iba
Wala na akong magagawa
'Di ba"
"Saan ba ako nagkamali (saan ba ako nagkamali)
'Di ko maintindihan (di ko maintindihan)
Kung sino pa'ng nagmamahal
Siya pang naiiwan
Siya pang naiiwan"
Repeat 10x.. at damahin ang sakit..ok back to sleep..

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope