The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Wednesday, May 24, 2023

Dear diary, Bakit di ako nag oopen ng messemger?

 5.24.2023 240am
Dear diary,

Bakit di ako nag oopen ng messemger?

Bcoz Tinamad nako.. kasi wala naman nangyayari.. wala man lambing ba?.. kung magreply napakatagal...ayaw sagutin pa vc mo..or ni hindi ka matawagan.. ni hindi mo malaman kung seryoso sa yo or hindi.. lahat naman ng effort at lahat ng gusto binibigay mo pag magkasama kayo. Ganon kasi ako magmahal.

Syempre me needs din ako bilang lalake. Dapat give and take sa relasyon.. hindi lang naman sex sex to..give and take din dapat sa effort at sa lambing.. also bilang single father, pag ako me niligawan, it means for long term serious relationshop partnership or kasal ang main goal or ang live in man lang.. if flirt flirt lang, sa mga bata lang yun..matanda nako.

Syempre mapapaisip ka me iba tong lalake?.. or hindi talaga ako gusto nito
.kasi tagal tagal mo na dinadate..ganon parin.

Kakawalang gana yung babae na maisip mo na me ibang lalake..yoko ng me 3rd party..natrauma nako maghabol sa babae.

wala nako time maghabol ng maghabol.. mas mabuti pang maginom nalang.. then focus sa work.. ang babae naman kung talagang bet ka, pag di ka nagparamdam, kung talagang gusto ka..magbabakasakali yan pumunta sa bahay pra icheck ka..pupuntahan ka nyan sa bahay lalo na alam nya magisa ka lang..

So Intayin ko nalang me pumunta sa bahay na babae na me dala ng mga damit at sabihin-" love dito nako titira"...at dun ibibigay ko lahat ng pagmamahal...

kakasawa ng maghabol at sumugal realtalk lang.. so dun ako sa sure na ipapanalo ko. Eh alam ko naman na hindi ako pogi..so malamanh walang humabol sa akin..

Hindi ko alam, now nawalan nako ng interest talaga sa babae...kaya bihira narin ako magopen ng messenger.. prang me trauma na yata ako now sa chicks..hahaha

Kung walang pumunta..oks lang at least nakapagfocus ako sa work..nakatipid pako., hahaha.. at sanay narin naman ako magisa..sa tagal kong single, alam ko alak lang oks narin ako..

Pero alam ko sa sarili ko..if gusto ko umunlad ang buhay ko..if gusto ko maayos ang buhay ko, if gusto ko gumaan ang mga dinadala ko, if gusto ko na me natingin din ang mga anak ko, if gusto ko maging happy, need ko talaga ng 1 babae sa buhay.

Also pag me gf ako, nakakaipon ako..kasi bahay at work lang ang peg. 

Gusto ko talaga makaipon ng 5M, pra me budget ako pambili ng small farm sa Nagcarlan

Hay buhay.. sa mga ofw at malulungkot na tao dyan na nagbabasa ng online diary nato..kaya natin yan..

#mentalhealth #brokenhearted #diary

No comments:

Post a Comment

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope