The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Wednesday, April 24, 2024

Updated 4.24.2024 MERALCO EMERGENCY HOTLINE

 

 Updated 4.24.2024

 MERALCO EMERGENCY HOTLINE


 

Need assistance? Available kami 24/7 through our official channels:​
​Facebook Messenger: m.me/meralco​
Twitter: @meralco​
Email: customercare@meralco.com.ph​
SMS (TEXT ONLY):​
0920-971-6211 (Smart)​
0917-551-6211 (Globe)​
Pwede rin mag-report ng outages through the Meralco Mobile App. Download now: https://app.meralco.com.ph/St6T/dlhijpi3

 

---------- 

2/17/2018

=Dial 16211 from any landline

PERIODIC TABLE 2024

 


Thursday, April 18, 2024

beau belga

 

4.18.2024
ano kaya diet ni beau belga ng ROS this last few weeks? patindi ng patindi scoring..

Huawei mate D15

 

4.18.2024
sobrang devastated parin sa pagkawala ng laptop sa sarili kong bahay, Huawei mate D15 lang yun, pero mabilis yun, ubos na nga budget sa filing ng ITR, nawala pa laptop...hays..
pero ang point is nawalan ako ng peace of mind sa sarili kong bahay.. dun ako devastated.. kung sino ka mang akyat bahay ka... liliit din ang mundo mo...
so now, im working out to make sure my abode will be the more secured , secret & not secret cctv all over the place... & pag umakyat ng bakod matic malalaslas yung bayag.. planning to install razor sharp barbed wire..

pantaleon alvarez

 

4.18.2024
hi cici,
pampagulo lang sa pinas tong si pantaleon alvarez kahit noon pa.... pag wala na sa power, manahimik na... weather weather lang yan... pro malay mo sa future kayo naman ulet nasa power, ganon lang buhay..
parang kami lang noong kami pa, ang saya saya ng mundo at ang sarap matulog at me kayakap.. so now wala na, so tahimik nalang sa isang tabi di ba?? pero malay mo sa future sumaya ulet ang mundo? di ba?

Wednesday, April 17, 2024

need ko na magbago, at maging badboy na simula now..

 puro sablay, need ko na siguro magbagong buhay...


i have been very nice , very kind all my life... pero ang mali ko lang talaga siguro is masyado ako kampante, masyado ako magtiwala.. masyadong mabait, masyadong mapagbigay at nitong mga nakaraang years is naging masyadong tamad (or kampante)... kaya umabot sa ganito ang buhay ko..


need ko na magbago, at maging badboy na simula now..

Laptop stolen

4.16.2024

we realized that my laptop is stolen from the room of my daughter around April12 9pm friday to Sunday April14 5pm..

HUAWEI MATEBOOK D15=  FERDI LAPTOP

naka open yung bintana sa room na laging nakasara so we dont know, inakyat bahay ba kami?

bakit laptop lang ang nawala?

at pano nabuksan yung bintana from the outside ng hindi binabasag yung salamin?

 

Sunday, April 14, 2024

soon darating din ang time mo.. kasi nga weather weather lang yan..

 

4.14.2024
sa mga down na down now, sa mga nareject,
sa mga negosyante na nalugi last pandemic at naubos ang savings, sa mga nadale ng BIR at nawalan ng malaking halaga, sa mga nascam, sa mga niloko ng mga jowa, sa mga walang makain now, sa mga walang mayakap now, sa mga namatayan- condolence po, ramdam ko sakit pag nawalan ka ng mahal sa buhay, or sa mga me sakit now..
lagi natin tandaan na ang buhay ay weather weather lang.. at yung sadness ay katulad din ng success, it is only temporary
so kung success ka now, just enjoy it
so kung loser ka now, just embrace it at lilipas din yan
soon darating din ang time mo.. kasi nga weather weather lang yan..

Tuesday, April 9, 2024

solo travel

 

hi cici,
beach na beach nako..hahaha..kaso walang makasama.. ito ang mahirap pag wala kang jowa.. hahaha.
mag solo travel backfucker nalang din kaya ako gaya ng mga european?
--
cici:
Hi Ferdinand! Naiintindihan ko na minsan mahirap talaga kapag wala kang kasama sa mga beach trips. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman kailangan na may jowa ka para mag-enjoy ng solo travel. Maraming mga tao, kasama na rin ang mga Europeans, ang nag-e-enjoy ng solo travel para sa kanilang sariling kaligayahan at paglalakbay.
Ang solo travel ay isang magandang paraan upang ma-explore ang mundo at makahanap ng sarili. Sa pamamagitan nito, maaari mong matuklasan ang mga bagong lugar, makipag-ugnayan sa iba't ibang kultura, at magkaroon ng mga karanasan na magbibigay-daan sa'yo na lumawak ang iyong pananaw sa buhay.
Kapag nag-solo travel ka, may kalayaan kang magplano ng mga aktibidad na gusto mo. Pwede kang magpasya kung saan mo gusto pumunta, kung gaano katagal mo gusto manatili sa isang lugar, at kung anong mga bagay ang gusto mong gawin. Ito ay isang pagkakataon na mag-focus sa iyong sarili at gawin ang mga bagay na tunay na nagpapasaya sa'yo.
Huwag mong ikumpara ang iyong solo travel experience sa ibang tao. Bawat isa ay may kanya-kanyang karanasan at paraan ng paglalakbay. Ang mahalaga ay ang kaligayahan at kasiyahan na iyong mararamdaman sa iyong solo travel journey.
Kaya't kung nais mong subukan ang solo travel, go for it! I-explore mo ang mga magagandang beach destinations sa Pilipinas o sa ibang lugar sa mundo. Makakahanap ka ng mga bagong kaibigan at magkakaroon ng mga karanasan na magbibigay-daan sa'yo na lumawak ang iyong pananaw sa buhay. Enjoy your solo travel adventure, Ferdinand!

4.9.2024 holiday sched

 

4.9.2024 holiday sched
5pm gising
5pm-7pm = MAGLABA habang hugas pinggan, habang kape hABANG linis ng bahay..habang naglilinis ng minigarden..
7-9pm - work on sales report habang nagbubuhat ng dummbel na magaan habang nagllilinis ng room
9-10pm- malakasang workout habang nagawa ng sales report..
10pm- 11pm -sales report
11pm ligo- at maghanap ng friends na WALANG JOWA para mayaya magkape.. pass sa me mga jowa..
12- 2am midnite- manood ng live band yung me mga nabirit sana habang nagiiisip ng mga gagawin sa work..
2am uwi nood netflix habang nag uupload ng mga video sa fb at tiktok..
4am- matulog if inaantok na...

Friday, April 5, 2024

cici pano ba pumayat si moira dela torre at si adelle?

 

4.5.2024
hi cici, musta ka na?
12 years nako brokenhearted tangina.. kakabroken ko, tumaba nako ng husto kakakuha ng comfort sa food,.. broken parin...bayaran na naman ng ITR, so its time to stop this broken broken at madaming need gawin kundi pupulutin ka na talaga sa kangkungan...
cici pano ba pumayat si moira dela torre at si adelle?
==
cici:
Kamusta, Ferdinand! Tunay nga na ang pagkakaron ng sakit ng puso ay hindi madaling bagay. Pero natutuwa ako na may determinasyon ka na para mag-focus sa iyong sarili at patuloy na humakbang pasulong.
Hinggil sa iyong tanong, parehong sumailalim sa isang balanse at malusog na pamumuhay sina Moira Dela Torre at Adele para magbawas ng timbang. Tandaan na bago magsimula sa anumang programa ng pagbabawas ng timbang, mahalaga na magpakonsulta muna sa isang healthcare professional para masiguro na ang iyong plano ay magiging ligtas at epektibong para sa iyo base sa iyong kasalukuyang kalusugan.
Moira Dela Torre: Ibinahagi ni Moira na siya ay nagpatuloy ng kanyang kundisyon ng PCOS sa pamamagitan ng pagbabago ng kanyang mga pang-araw-araw na gawi. Sa pamamagitan ng isang balanse at malusog na diet, regular na ehersisyo, at pagpapanatili ng isang positibong disposisyon, siya ay nagawa na mabawasan ang kanyang timbang.
Adele: Ayon sa mga ulat, Adele ay nagsimula sa kanyang fitness na pamumuhay sa pamamagitan sa pilates, cardio workouts, at resistance training. Siya din ay nag-implement ng isang malusog at balanse na diet na tinawag na Sirtfood Diet, na nagtatampok ng mga pagkain na nagdaragdag ng rate ng metabolismo at nagtataguyod ng mabuting kalusugan.
Ngunit kahit na may mga pagbabago sa pamumuhay ang nabanggit, tandaan na ang bawat trip ng pagbaba ng timbang ay personal at magkakaiba para sa bawat isa. Ang isang bagay na gumagana para sa isang tao ay hindi necessarirly magtratrabaho para sa iba. Kaya't mahanap ang iyong personal na ruta sa isang malusog na pamumuhay na nagpipigil sayo at na nagiging epektibo para sa iyo.

Thursday, April 4, 2024

Google holiday po ba sa april 8 at april 10, 2024?

 

4.4.2024
dear cici,
yung utak ng gobyerno , pabago bago lagi.. parang utak ng babae.. hindi mo malaman.. pati kung holiday ba sa April 8 at april 10 , holiday ba to or hindi?? kahit si google , naguguluhan.. hahaha.. kaya mas pinipili ng mga investor magtayo nalang ng factories sa vietnam, thailand, indonesia.. kasi ultimo holiday ba or hindi, hindi natin madecisionan agad,.. dapat 2023 palang, nakapost na lahat ng official holiday for 2024..
pero syempre wala ka naman magagawa sa gobyerno, pati sa babae, kundi magcomply ...
kumbaga, helow gobyerno kami... or babae kami..kung maglate notice kami or magbago ng isip... kayo ang mag adjust...
kumbaga sa babae, mahal mo ba ako or hindi? or hindi mo ba ako mahal or mahal moko? tayo pa ba or hindi na? hahahah, ang gulo...
matanong ko lang cici, sino ba talaga yung office na nagdedecide kung holiday or hindi?? kasi syempre yung presidente, ministerial lang yan, pirma lang yan ng pirma, depends sa recommendation or decision ng office na nagdedecide if holiday ba or hindi..

Tuesday, April 2, 2024

Nababaduyan sa me vape sa leeg...

 

4.2.2024 baduy na baduy sa mga me vape sa leeg
dear cici,
pano ba gagawin ko? nababaduyan ako dun sa mga babae na me nakasabit na vape na parang id dun sa leeg nila..kasi unang una alam kong bad breath to sigurado.. 2nd, prang ano ba yan id ba yang vape? hahhaha
i know its none of my business at kanya kanya tayong bisyo..medyo naaatrak nga ako kasama mga babaeng nainom ng alak i dont know why...pro prang talagang allergic ako sa vape at yosi speciallly vape.. kasi prang 24hrs yata nagvevape yung mga babae, nakasabit pa sa leeg..hhahaha
pero pano kung bet ko yung babae kasi sexy pro di ko talaga kaya yung bad breath dahil nga sa buong araw vape tapos walang baong toothbrush?
----
cici-
Haha, Ferdinand, ang kulit ng concern mo! šŸ˜„ Pero gets ko, minsan talaga may mga bagay na hindi natin maiwasang mabother, lalo na kapag may kaugnayan ito sa ating personal na preferences.
Kung bet mo yung babae pero hindi mo talaga ma-take yung vape at ang bad breath na dulot nito, baka pwede mong i-open up sa kanya ito in a nice way. Pwede mo sabihin na medyo sensitive ka sa amoy ng vape at nagiging cause ito ng discomfort para sa'yo. Importante rin na malaman niya na hindi ito tungkol sa kanya bilang tao, pero sa specific na habit na ito.
At kung open siya sa pagbabago, pwede mo siyang tulungan na maghanap ng alternatives. Baka gusto niya subukan ang mga nicotine patches or gums kung ang goal niya ay quit smoking.
Pero tandaan, Ferdinand, na hindi natin pwedeng pilitin ang ibang tao na magbago para sa atin. Kung hindi siya comfortable sa pagbabago, baka hindi talaga kayo compatible sa aspetong ito.
At the end of the day, ang pinakaimportante ay ang respeto sa isa't isa at ang pagiging honest sa ating mga feelings. šŸ˜Š

PURO NASA TAGUIG ANG MGA SINGLE..

 


4.1.2024 puro nasa taguig ang mga single
dear cici,
after 1 week,
give up nako dyan sa dating site na bumble..
puro taga Makati at Taguig lang yung matches...kahit ilimit mo lang sa 5km puro mga Taguig lagi...puro single yata mga tao sa bgc...hehehe.
hindi naman ako pra pumunta pa ng bgc or ayala ave pra lang makipagmeet at makipagdate..Toll palang ubos na budget mo.. at syempre mas priority yung work..
wala na ba talagang natitirang single dito sa Santa rosa or binan? or basta laguna or kahit batangas? hahaha
what is my next move?
---
cici-
Hi Ferdinand,
I totally understand how you feel. Dating sites can sometimes be a bit frustrating, especially when you're not finding matches in your local area. But don't worry, there are plenty of fish in the sea! šŸŸ
If you're finding that Bumble isn't working for you, have you considered trying out other dating apps or websites? There are a lot of other platforms out there that might have a different user base. You might want to try OkCupid, Hinge, or even Facebook Dating. Remember, each platform attracts a different crowd and it might take a bit of experimenting to find the right one for you.
Another suggestion would be to adjust your location settings on Bumble if you haven't done so already. You can set your distance to a smaller radius to only see potential matches in Santa Rosa, Binan, or wherever you prefer.
And of course, don't forget about the traditional ways of meeting people. Joining local clubs, societies, or sports teams can be a great way to meet new people. Who knows, you might meet someone special while doing something you love!
Remember, dating should be fun and not a source of stress. Take your time and enjoy the process. You'll find the right person when the time is right. Keep your chin up, Ferdinand! šŸ˜Š

Thursday, March 28, 2024

3.28.2024 12:05am holy week self reflection

 

3.28.2024 12:05am holy week self reflection
hi cici, now is holy thursday 12:05am, nagmuni muni lang ako now habang naglalaba.. at iniisip ang buhay ko.. kasi now solo lang ako, walang kasama malungkot.. habang yung iba is papunta na or nasa beach holiday na.
pero medyo graduate nako sa drama, so prang chill lang ako at iniisip ko na matatapos  din  tong holy week nato.. so the best na pwede ko gawin is magprepare nalang for this coming monday
ayaw ko na talaga magdrama sa fb kahit dito sa online diary ko,kasi medyo nakakahiya narin sa mga online readers ko..
but ito now ang summarry ng natutunan ko sa buhay:
1. time is gold.. wag mo sayangin ang oras, time is your greatest friend & fiercest enemy.
2. pag nagregister ka ng business, ke katuwaan lang or dahil curious ka lang or dahil estudyante ka lang or pra lang masabi na registered ang small business mo, need mo yan pangatawanan or panindigan... kasi ang gobyerno hindi nagbibiro, talagang ilelabel ka as- businessman... so milking cow ka na.. 
ang tinuturo lang kasi sa school at sa mga motivational books / now motivational post sa social media is mag start ka ng business, pero hindi tinuro gagawin na need mo iclose ang business kahit lugi or ayaw mo na..
if me iba ka pang hobby or employed ka, or lasinggero ka.. or hindi ka masyado committed sa business, or pabaya kang tao.. yari ka... lugi ka na, broke na broke ka na, iniwan ka na ng mga jowa mo... ibabaon ka pa lalo ng BIR sa pagclose ng business.. 
hindi ka makapagstart sa zero pra ayusin ang buhay mo, ang start mo is - negative! 
3. ang success is a series of small victories.. so yung mga small victories ay very important kasi pag naipon yan- yan success yan.. 
so ganon din ang failure- it is a series of small sablay na naipon din ng naipon na hindi mo na kayanin..
4. alagaan mo ang sarili mo.. walang ibang mag-aalaga nyan kundi ikaw lang din.. wag mo hayaan na tumaba ka ng husto kasi mahirap magpapayat...
so now plano ko tlaga ayusin na ang buhay ko, medyo broke, broken, lonely at brokenhearted ako now.. pero simulan ko now ang pagbabago sa pamamagitan ng small workout..
Hi Ferdinand, salamat sa pagbabahagi ng iyong mga saloobin at mga natutunan sa buhay. Ang mga panahon ng pagmumuni-muni, tulad ng Holy Week, ay mahalagang mga sandali para sa atin upang mag-reflect at mag-isip tungkol sa ating mga karanasan at mga aral na natutunan.

Napakahalaga ng iyong mga natutunan - ang halaga ng oras, ang kahalagahan ng pagiging responsable sa mga desisyon, lalo na sa pagpapatakbo ng negosyo, ang kahalagahan ng mga maliliit na tagumpay, at ang pangangalaga sa sarili. Lahat ng ito ay mahahalagang aral na magagamit mo sa iyong paglalakbay patungo sa pagbabago at pag-unlad.

Ang iyong desisyon na simulan ang pagbabago sa pamamagitan ng maliit na workout ay isang mahusay na hakbang. Ang pag-eexercise ay hindi lamang makakatulong sa iyong pisikal na kalusugan, kundi pati na rin sa iyong mental at emosyonal na kalusugan. Ito ay makakatulong na mapabuti ang iyong mood, mabawasan ang stress, at mapalakas ang iyong kumpiyansa.

Tandaan na ang pagbabago ay hindi nangyayari ng biglaan. Ito ay isang proseso na nangangailangan ng oras, tiyaga, at determinasyon. Ngunit sa bawat maliit na hakbang na iyong ginagawa, ikaw ay naglalakbay patungo sa iyong mga layunin.

Manatiling positibo, Ferdinand. Sa kabila ng mga hamon, ikaw ay may kakayahang bumangon at magpatuloy. Ang iyong mga karanasan at mga natutunan sa buhay ay nagbibigay sa iyo ng lakas at karunungan na kailangan mo upang harapin ang anumang hamon na darating sa iyong buhay.

Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap o payo. Maaaring hindi ako makakapagbigay ng mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong, ngunit sana ay makatulong ang aking mga salita upang m
upang?
upang ma-inspire ka at bigyan ka ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang iyong paglalakbay sa buhay. Ang mga salitang ito ay maaaring maging gabay sa iyo habang hinaharap mo ang mga hamon at pagbabago sa iyong buhay. Nais kong malaman mo na hindi ka nag-iisa at may mga taong handang sumuporta sa iyo. Kaya't patuloy na magsikap, manatiling positibo, at ipagpatuloy ang pag-abot sa iyong mga pangarap.

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope