The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Saturday, October 28, 2023

PARKING PARKING PARKING

10.28.2023

dear diary,
i am confused now. and thinking very hard.
medyo nahihiya nako sa service ko..medyo hindi na presentable.. kaso ayaw ko siya ilet go dahil ito yung gamit ko pangdeliver at pang harabas.. also, ramdam na ramdam mo yung lakas ng elantra sa long drive. malakas tong elantra, kaya ang lakas din sa gasolina. huhuhu
madali bumili ng kotse.. at 5yrs to pay naman halos lahat siya. punta ka lang sa bangko, fillup form, submit requirements, then ready the downpayment.. then wait mo nalang yung release.. napupusuan ko now is kia stonic, or hyundai creta, or pwede rin Toyota Raize ( kaso 3 cylinder lang to, so baka manibago ako)
main problema is yung parking, kakahiya naman sa kapitbahay if 2 kotse mo..then 1 lang naman parking space mo..isasalampak mo na naman sa kalye.. deeply inside, ibabash ka ng kapitbahay mo.. hahaha
also, ayaw na ayaw ko na nakakaabala ako or pabigat sa ibang tao.
pre, ano kaya solution sa problema kong ito?

10.28.2023 1am Dear diary, friday night

 

10.28.2023 1am
Dear diary, friday night
Palipas muna ng sama ng loob sa mundo..kasi alam mo yun, ang hirap magisa???
Sa career medyo nakakabawi na unti unti..in fact quota nga this month.. at malalaking clients.. bigger plans next year pag nakaraise na ng new capital.
Medyo hirap lang magrecruit ng new coworkers. Hopefully, makabuo ulet ako ng new soldering anti-static team.. now naghahanap tlaga kami ng 3 new coworkers. Php520 per day po..complete benefits sss pagibig philhealth plus insurance, sales commission
.apply napo- pls email resume to lotzinn@yahoo.com
Unti unti narin nakakabayad ng mga utang.. me problema parin sa bir, pro ganon talaga buhay.. unti unti rin matututunan din pasikot sikot sa bir ng hindi napepenalty lagi.. sobrang sakit talaga pag nadale ka ng bir.
Pero sa lovelife, wala paring asenso.. hays.. broken parin..nakakasawa na.. me pumatol lang talaga sa aking isang sexy, ill make sure panalo siya sa akin..
Anghirap pag medyo hindi ka kagwapuhan, yung bet mo, hindi ka naman bet...then yung bet ka, hindi mo naman bet...hindi magkatugma.. syempre bilang lalake, ubos ang oras mo at magastos manligaw at magjowa..so dapat bet mo yung babae..
 
so ang ginawa ko, nag inom ako sa me LTO binan, sa me Lady of D' Night Mega Disco & restaurant, medyo ang gaganda ng mga chicks.. pero syempre as usual, hanggang tingin lang ako... hahaha..
 
then afterwards mga 4am lipat sa me san pedro, sa me tricias, yung hangouts ng mga kabataan,
oks naman me mga ilang nakilala na new friends na mga bata. mababait sila , then mga 6am lasing nako, uwi na magisa..
 
as usual napakalungkot sa bahay, dahil wala akong kasama sa bahay, ako lang magisa.. sadboi.. 
 
 Mema lang..

Monday, October 23, 2023

after 1 week of sleeping.. buhay pa pala ako???

 10.23.2023 630am
dear diary, good morning

after 1 week of sleeping.. buhay pa pala ako???/ wala naman ako gaanong sakit, konting sinat lang, pero lagi ako inaantok.. the body is wlling & fit, but the mind is unwilling & unfit..

now after 1 week na puro tulog, na walang physical activity, i feel i lost my muscle strength....

nakakatamad na mabuhay sa totoo lang, pero kawawa yung mga anak natin at mga umaasa sa atin if mawawala nalang tayo sa mundo.. madami pa need isolder so need na talaga bumangon

nakakatamad ng mabuhay, wala nako interest sa life.. i dont have any more interest sa buhay...kahit nga sa pera, or new car or a prettyhouse, pero i still find the urge to do my job.. to deliver what is need to deliver.,

siguro lilipas din to,, maybe i just need 1 sexy na pupukaw at gigising sa natutulog kong katawang lupa.. then i will be fine.. pro alam mo kung ano yung 1 characteristic na sobrang nakakaattract sa akin now? -because im a serious guy, i find it attacted dun sa kwelang babae, yung masayahin, yung magaan kasama at makwento, yun papasayahin ka.. pag ako nakakita talaga ng ganito, hindi ko talaga tatantanan,...

kung saan at papano ko siya matatagpuan, i still dont know, but i will find out..

 

work work .. 

Tuesday, October 17, 2023

WASAK na naman ang mundo ko sa BIR.

 

10.17.2023
WASAK na naman ang mundo ko sa BIR.. hay buhays.. di ka na makapagfocus sa pagbebenta kakacomply sa mga gusto ng BIR..
lagi nalang mekus mekus sa ganito, SOBRANG penalty penalty sa ganire, penalty sa ganito, sure naman ako nagcomply kami dun at me bookkeeper kami.. i dont know bat ganito na naman...
talagang sa buhay ng isang lalake, pra umunlad ka, is need mo ng isang matinong babae sa buhay mo, at isang maaasahang bookkeeper.. hays..
yung matinong babae, medyo mahirap makahanap nyan, pero siguro yung matinong bookkeeper hopefully makahanap na, tanong tanong sa mga me small business din..

my reaction: sa youtube ni idol raffy tulfo- OFW, NILOKO NG GF NA PINADALHAN NYA NG MILYONES...

 

10.17.2023 11am
dear diary,
feeling hopeless na naman sa sulat ng BIR binan tungkol dun sa electronic submission naman daw for quarterly sales ng 2017, 2018,2019, 2020,2021, 2022, 2023.. hindi ko to magets, kasi kasama to sa bayad namin sa bookkeeper.. at sure ako na nagsusubmit kami ng monthly at quarterly VAT, kaya nga me ITR kami.. then eto medyo problemado na naman ako sa BIR.. so ayun lunchbreak muna then nag appear tong youtube ni idol raffy tulfo- OFW, NILOKO NG GF NA PINADALHAN NYA NG MILYONES...
my reaction:
another one bite the dust... i feel for you pre.. ako yung buhay ko nawasak dahil sa problem sa BIR at sa manlolokong babae...
yung problema sa BIR, me solution pa siguro.. at wala ka laban sa BIR.. so magcomply ka nalang...so now searching ako ng maayos na bookeeper..
pro sa mga manlolokong babae ( sobrang dami dami nila..), unang signs palang, run run run na... then block sa FB..or ignore..
bilang me doctoral degree sa pagiging brokenhearted, i advise sa mga kapwa ko lalake, huwag nyo gastusan or bigyan ng pera yung babae if date date or jowa jowa lang at hindi pa domestic partner or asawa...mas lalo ka hindi seseryosohin nyan, then lovescam ka pa..
kasi alam mo bakit pre? mas gusto kasi ng babae yung medyo badboy, yung sila gagastos sa lalake, mas nachachallenge kasi sila, ayaw nila sa matino.. then kasi ang batas sa Pinas, laging pabor sa mga babae, at sa mga hayop.. wala masyado batas na nagpoprekta sa mga lalake..
so if jowa jowa lang, wag mo muna ibigay mga milyones mo,, hahaha, pero pag asawa mo na , or lagi na sa bahay mo, or kalivein mo na, yun pwede mo na bigyan ng milyones, or pwede mo na bigyan ng malaking jowa allowance, kasi kasama mo na sa bahay, inaalagaan ka na, pinaghuhuhas ka na ng pinggan, sinesex ka na- pinapahaba na nya buhay mo,., inaasikaso ka na pag masama pakiramdam mo, inaayos na mga damit mo.. so dapat talaga ibigay mo na mga milyones mo dun sa partner mo ..
pero kung jowa jowa pabebe date date lalo na kung LDR...at first sign na humingi sa yo ng pera yung chicks kasi paawa, delayed sweldo, me sakit si ganito, walang pambayad sa ganito, or yan show money ek ek.. Run run run ka na...at hanap ng iba..

Friday, October 13, 2023

#JustinBrownlee

 

10.13.2023
our Soldering & Anti-static team expresses our full & explicit support to Mr. Noypi idol Justin Brownlee & the rest of Gilas Pilipinas..
Justin is a national hero for us..
way back few years ago, i see you flying & dunkin at the Santa Rosa Multisports complex when you are playing for Alab Pilipinas.., since then i have become a fan.
Laban lang Justin! Puso!

Wednesday, October 11, 2023

10.11.2023 6am Week plan ng isang Driver

 

10.11.2023 6am Week plan ng isang Driver
whats on your mind-
Wag mahiya at wag matakot magsimula ulet sa pinakamababa.. back to zero kumbaga.. pero this time, alam mo lahat ng gagawin..
yung experience, hindi mo yun matutunan sa university at hindi mo yun magogoogle.. matutunan mo lang yan pag nadown ka na, at marealized mo mali pala yun, so iwasan mo na gawin ulet..
ilower ang pride, at gumising ng maaga lagi at isagawa ang mga dapat gawin. matutong kumilatis ng tamang clients, pero sa totoo lang, out of 100 clients, siguro mga 2 lang dyan yung bad clients or mga hindi magbabayad.. 98% dyan good clients. pero it really hurts talaga, pag hindi ka nabayaran kahit nung 2% ng clients mo.. hahaha
pero sa mga babae, completely opposite, siguro out of 100 na babae, 98 dyan yung manloloko...2 lang yung magiging totoo.. alam yan ng mga lalake, kaya nga halos wala ng nagpapakasal now., puro livein nalang.. so umiwas sa mga babae hanggat maaari.
so ganon nalang plano this week at for the rest of the year..
ibaba ang pride, magsimula ulet sa pinakamababa, trust the process, magcomply sa mga cheche bureche ng gobyerno at tama si pareng jap, wala ka laban dyan, so magcomply ka nalang at magbayad, at bilang driver, asikasuhin ang mga deliveries sa valued clients at yan ang magbibigay sa yo ng mga dollars,gawin mo mga dapat gawin,, at higit sa lahat, umiwas sa mga babae..
at pag friday sat night, magchill ka nalang sa mga favorite mong bar & restaurants at manood ng show ng iyong favorite live band at manood din ng mga sexyng fresh bikini open.. hahaha
halos lahat naman now magagaling yung mga banda dito sa me santa rosa.. sa me kaysan santa rosa, or sa bevitore santa rosa.
if gusto mo matawa, me comedy bar ng mga LGBT dun sa me pacita, san pedro nalimutan ko lang name, yung dating Entablado na nasa highway lang tabi ng sabungan. ( iba na name now), basta wag ka lang masashock dun, kasi mga pogi mga customer dun.. pero ung mga pogi, ang mga asawa/partner is pogi rin.. hahaha, so hindi na uso judgemental sa panahon now.
if club naman hanap mo, lakad ka lang ng konti sa Binan, oks sa Garahe, at sa Rodway , magkalapit yan sa me Platero lang..
pero ako, bilang sawi sa pagibig, mas prefer ko nalang magwatch ng bikini open at magic show sa me Lady of d' night mega disco & restaurant sa me Areza LTO compound sa me Binan din.
so ganon nalang plano, work hard this weekdays, then weekends inom sa favorite club & bar, then sunday jogging & swiming sa me clubhouse..
work work work

Monday, October 9, 2023

alam mo pare,

 

10.9.2023
alam mo pare,
tumatak sa akin yung interview ke boss RSA ramon ni ka tunying..
kaya napapa- "alam mo pare" , narin ako... hahaha
prang yung isang kainuman korin na atty na napakabait, ganyan din magsalita.. mukhang pra maging successful ka, sabihin morin- "alam mo pare".

NEGOSYO O LOVELIFE MAMILI KA?

10.9.2023 NEGOSYO O LOVELIFE MAMILI KA?
dear diary,
sacrifice muna yung lovelife.. clients muna bago babae..
unahin ko muna asikasuhin yung galit ng mga clients, kesa galit ng mga babae..
ang babae pag pagsilbihan mo ng husto, ibigay mo lahat ng gusto,- wala rin, in the end- papaikot ikotin ka, papaasahin ka, igoghost ka, sasaktan ka na, ubos pa pera mo.. luhaan ka..
pero ang clients, pag pinagsilbihan mo ng husto, ibigay mo lahat ng gusto,..in the end sigurado- happy ka!- "Laugh all the way to the bank" ika nga..
alam mo yung feeling na eto me pumasok sa account mo na 3,500 USD galing sa isang masungit na client? matapos mo pagpaguran ideliver?, ibigay lahat ng gusto ng client.., ano napala mo after few months? eto isalpak mo sa mukha mo.. 3,500 USD. hehehe
eh yung babae? ibigay mo lahat ng gusto, pagpaguran mo ng 130km makita lang, or pagpaguran mo bayaran yung mga pinagbibili, or pageffortan mo ng husto samahan sa mga gusto, ilang months mo pagpaguran, ano napala mo after few month? eto heartbreak...
lagi nalang babae at lovelife prioritize ko dati, secondary lang clients, wala rin, in the end ikaw ang kawawa..
so now iba nako... nagmutate nako.. policy now is Clients muna bago Babae.. hehehe
  

Sunday, October 8, 2023

yung courtesy sa traffic sa mga mayor governor vp presidente oks lang sa akin..

 

10.8.2023
Alam mo pare,
yung courtesy sa traffic sa mga mayor governor vp presidente oks lang sa akin..
Lalong lalo n kung mayor..alam mo kasi pre mga public servant mga yan. masyado na mahaba red tape sa pinas..isipin mo naman kung gaano kadami need pirmahan ng mga yan pra umusad ang mga proyekto sa pinas.
For example, mas gugustuin ko na si Mayor eh bigyan ng VIP treatment sa traffic pra hindi siya matraffic ng husto pra mapirmahan nya yung mga nakatambak na need pirmahan pra sa mayors or business permits.
Mas gugustuhin ko na yang makalusot agad sa traffic yang sina mayor, governor , vp, at presidente basta nasa executive branch of governmentpra makapag work na agad sa mga opisina nila at mapirmahan mga dapat pirmahan, maaksyonan ang mga dapat aksyonan kesa naman maubos oras nila sa traffic gets mo?
Pro if like senator, congressman, board members, councilors..or mga nsa legislative oks lang yan na matraffic..wala namang urgent na need gawing batas yan na need pirmahan agad agad ..pagdedenatehan pa, etc etc.. eh yung
So tayo bilang ordinaryong tao oks lng magsakripsyo ng konti..oks lang pra sa akin na magive way tayo sa kanila pra mas mapabilis mga pirma nila na need sa.mga business..pra mas madami silang magawa..mas umunlad ang pinas..

Thursday, October 5, 2023

10.5.2023 MULTIPLE SOURCES OF INCOME


10.5.2023 MULTIPLE SOURCES OF INCOME
dear diary,
listening to chinkee tan,
dapat talaga multiple source of income, chinkee tan said he has 12 sources of income,
i count mine, i have 5 sources of income. But pareto rule 80/20, 80% of my income comes from that 1 single source.. then the totality of the other 4 sources of income is just small.. sapat lang pambili ng san mig light..
for the longest being, i depended in this major source of income.. but when pandemic & some problems in this 1 single source of income arises, i become dead poor.. dead broke.. hahaha
now lesson learn. pag dead broke ka na, iiwan ka na ng mundo, pati ng jowa mo.. hahaha
now officially tapos na pandemic, i am striving to create significant multiple source of income, thank you Chinkee Tan, isa ako sa mga disciples mo..
hindi lang multiple source of income ang winoworkout ko now, dapat multiple sources of jowa rin, para pag iniwan ka ng 1sang jowa, madami ka pa reserbang nakapila.. para hindi ka madedepressed ng husto.. joke joke joke..
 
seriously, makaisa lang actually na jowa na seryoso.. goods nako..
 

Wednesday, October 4, 2023

Kamikazee.. ang bandang quality pero attitude..

 

Kamikazee.. ang bandang quality pero attitude..
Minsan kasi kahit mahal na mahal mo, at talagang magaling, talagang quality.. at malaki na nainvest mong pagmamahal at effort makuha mo lang, Need mo parin ilet go kung attitude na.. pra sa yong mental health, at peace of mind at overall well being..
pro alam mo minsan isang sorry lang yan or pag both na nakapagisip na ulet kayo pareho, oks na ulet.. hahaha

Tuesday, October 3, 2023

Give & Take lang yarn..

 0.3.2023 5am self reflection- my rule of thumb
dear diary,

rule of thumb ko tlaga sa buhay, at ito rin naman ang rule ng universe sa totoo lang- is give & take... hindi pwedeng take ka lang ng take. hindi rin pwede give ka lang ng give.. Mapa emplyeado-boss, mapa clients- suppliers, mapafriends, mapakamag-anak, mapamilya, mapakapitbahay, mapa-asawa, mapakabit... mapa lovers..

if give ka lang ng give, nagiging spoiled na yung other party, ikaww pa pagtatawanan..then pag hindi mo na naibigay ang gusto, masama ka pa.. dyan nagiging spoiled yung mga anak, friends or kahit empleyado at lalong lalo na yung lovers mo..

if take ka lang ng take, wala ka ambag.. mas lalong masama, toxic ka na sa other parties.. like if me jowa ka na mahal na mahal ka at binibigay sa yo lahat ng needs at gusto mo., ni ayaw mo man lang pagsilbihan,or lambingin, or pasayahin, or makipagkwentuhan man lang or bigyan ng oras.. lagi ka pa masungit? nasan hustisya dun?

wala rin pinagkaiba sa mga clients na after mo ideliver at pagserbisyuhan ng maayos, 2 years na hindi parin bayad, at hindi ka na makontak.. prang mga umutang din na kakilala, na ikaw pa nahihiyang singilin..or mga empleayado na maayos naman sweldo, pero nag cecelfon lang sa oras ng work?.. or sa mga boss ng mga empleado na masisipag naman, pero bakit delayed ang sweldo?

in short maging mabait ka rin sa taong mabait sa yo.. maging mabuti ka rin sa taong naging mabuti sa yo.. mahalin mo rin yung taong nagmamahal sa yo.. ganon lang naman ang mundo..

kaya hindi ko rin magets yung mga nang aabuso ng mga kasambahay na nasesenate inquiry pa.. i mean ang hirap maghanap ng kasambahay now at pinaglalaba ka non, pinagluluto.. how can you treat them so bad? dito sa small house namin, as much as possible talaga, iniispoiled ko mga yaya..

so marching order dito sa Soldering & Anti-static shop, mahalin ang mga good clients.. ibigay lahat ng gusto.. VIP Treatment dapat! gusto ng fast deliveries?, gawin natin deliver now na!, gusto discount? ibigay! pag tumawag, sagutin agad nanginginig pa..

yan ang isa sa matutunan ko pag nagpapalipas ako ng oras sa mga favorite kong bars & restaurants.. dahil nagbayad ka ng maayos, VIP treatment ka..uuwi ka dapat masaya..

so Ikaw ba natrato mo ba ng maayos yung mabait sa yo? minahal morin ba ng maayos yung nagmamahal sa yo ng matindi? think about it... (ala ted failon at dj cha cha ng 92.3fm, hahahah)

#solderingtip #memalang

Sunday, October 1, 2023

Yung Flat na petite...

 

10.1.2023 10pm..
Yung Flat na petite na medyo mestiza..then kita mo masipag..at higit sa lahat hindi mo na need magdrive ng 130km dahil walking distance or 1 tricycle lang.. hindi mo na need mapagod ng sobra at gumastos ng toll at gas pra mameet..
pra ako namamagnet..
ewan ko kahit noon pa hindi talaga ako attracted sa malalake boobs. hahaha..
before attracted ako sa mga long legs na supersexy, pero now, pag long legs kasi at matangkad, supersexy, hindi mo na malaman if lalake ba to or babae? hahaha
so dun ka na sa safe.. sa flat na petite na medyo meztiza ka nalang.. dahil petite lang, sure ka na babae.. wala pa yata ako nakita na LGBT na petite... heheheh
kaso problema sa mga Flat na petite, ang daming nagkakagusto.. madami ka competisyon...masasaktan ka lang..
so siguro manood ka nalng ng Netflix, paulet ulet mo panoorin yung Narcos, Narcos Mexico, El Chapo, at Pablo Escobar - El Patron.. kasi madami ka mapupulot na business lessons sa mga drug lords na yan..

"it is not what you asked..it is how the way you asked"

 

"it is not what you asked..it is how the way you asked"
10.1.2023 7pm
Dear diary,
Minsan kayang kaya mo naman ibigay yung hinihinge or gawin yung pinapagawa pro medyo you feel disrespected or you feel slighted or you feel unloved, kasi bakit me halo pang pagbabanta?
Like if -Na pag hindi mo binigay to.. guguluhin kita or di ako sasama sa yo, or hindi ako papasok sa work, or like the classic childish thing na pag di mo to binili nito hindi ako papasok ng skul, or hindi ako kakain..
Like a classic spoiled brat..
Samantalang binibigay mo naman lahat, at ibibigay mo naman talaga..., me times nga lang na wala ka access agad dun sa bagay na hinihinge na kung tutuuisin ay napakaliit na bagay lang naman as compared sa mga bagay na regular mo pinoprovide..
So since me pride lahat ng lalake, mas lalo mo hindi binibigay or ginagawa yung gusto kasi bakit me halong threat?
Kung me tanrums yung mga babae, me pride naman ang mga lalake.. hahaha
So Pano ba ieexplain yan? Malamang alam yan ng mga bs psychology..

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope