The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Friday, July 4, 2025

7.4.2025 Choose your clients wisely

 7.4.2025 Choose your clients wisely #onlinediary

Pag nabroke ka at need mo magraise ng funds, you just realized na madaming me utang sa yo.. na ilang years na hindi ka parin nababayaran.. So aside from BIR penalties (due to bookkeeping errors) yung mahina ka magkolek, ang isa sa reason why you are broke..
 
so dapat pag nagbusiness ka, ang kukunin mong admin is yung mahusay magrecords at magaling magcollect sa clients..Dapat me dedicated Collection department ka. Dahil nakafocus ka sa sales & marketing & operations, then ubos pa oras mo sa pagassikaso ng mga Govt permit etc,  hindi mo napagtutuunan yung collection mo.
 
Yung Collection mo ng sales kahit mga small amount lang, walang pinagkaiba sa freethrow sa basketball, na pag hindi mo nashoot akala mo oks lang, pero pag crucial yung game, dun mo marirealized na kung nashoot mo yun panalo kayo..
 
Like for example, this Spanish owned electronics company, nasa 2,000 USD yung utang sa akin for the solder bars na dineliver ko.. wala parin payment ilang years na.
 
we are selling various industrial tools & supplies since 2006 B2B, so almost 19yrs na pala.. Pero nasa records parin yung mga collectibles. Nakakadismaya din.. 
 
Yung isang solar company sa batangas na owned ng isang prominent politician sa batangas din, nasa 15K lang yung kinokolek naming payment for some electronic items we delivered, ilang years narin, laging wala daw budget yung accounting.. pero lagi nasa showbiz news yung owner na politician.. 15K lang ayaw pa bayaran.. 
 
then upon checking of records now, madami ding maliliit na amount 5K-20K na nadeliver sa mga mining companies sa makati na hindi rin mabayaran. Upon checking these mining companies are owned by politicians too..
 
Small amount lang yung mga 5K-20K pero pag pinagsama sama mo lahat ng small collectibles na bad accounts, malaki rin yun! laking sayang. Parang freethrows sa basketball, maiisip mo lang pag natalo ka na sayang, dapat nashoot mo yun.
 
So isa sa nakita kong "trend" is if ang company is owned by Filipino politicians. medyo ang hirap ikolek ang payment so umiwas nalang sa future sa mga ganyang clients. hahaha
 
Pero if ang company is owned by Filipino Tycoons, matagal sila magbayad, usually 3 months to 11 months, but sure na mababayaran ka. kaya oks lang din.
 
Ang pinakasasarap na clients is yung mga American owned, Australian/ British/ Japanese owned factories & companies , Mabilis sila magbayad at hindi ka mahihirapan, kusa na nila babayaran sa takdang due date kahit hindi ka magfollow up, Kusa siya darating sa bank accounts mo..
 
Special mention if ang clients mo ay nasa aviation or airlines.. Mabilis sila magbayad but they are very particular sa mga calibration/ products documents na kung ano ano.. Be sure na complete siya at accepted siya. 
 
Nagdeliver kami sa isang large aviation company but up to now, hindi parin kami nababayaran, nasa 150K din yun.. Brand new, very very good quality electronic measuring tool yung dineliver namin, yung mga quality manufacturers' document nya ay from the manufacturer at nasa box naman, but kulang daw so up now hindi parin kami mabayaran dun sa 150K.. hays

No comments:

Post a Comment

hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope