7.19.2025 #onlinediary
MALING MALI ka preng ralph.. yung majority , i could say 99% ng me 5 yrs time deposit (TD) ay mga hindi rich, kundi struggling middle class. It is thru hard work & hindi galing sa kurakot. Then ang pinaka incentive nalang dito is tax free siya kahit papano dati..
Hindi naman ako apektado dun sa ginawa mo, dahil broke nga ako now at wala nga ni pera pambili ng mumurahing laptop, pero i post it para sa mga hardworking working class, OFW at mga nagiipon pra sa future..
kasi yung 1-3 yrs time deposit is usually magkano lang ang interest rate? nasa 1-2% PA lang. Ang annual inflation rate ng Pinas now is nasa 1.4-1.8 per annum, so lugi yung pera mo dito.
so if nagtitipid ka at nag iipon sa future, ang gagawin mo is ilalagay mo sa 5yrs TD kasi tax free siya. sa BPI family bank before, if 5yrs TD, ang interest rate is 5% PA tax free, creditable to your SA every quarter. so kahit papano, oks siya
Now if itatax nyo parin yan ng 20% WH yung mga long term deposit, magyayari , yung 5% interest rate, magiging 4% nalang.. parang pinepenalty mo yung mga taong prudent, kasi yun na nga lang yung incentive mo pra magipon mga tao , ang maging tax free yung 5yr TD nila..
ANG HIRAP SA YO PRENG RALPH, ang dami mong alam! ang dami mong alam, kung pano magdadagdag ng tax! hahaha. Last time 20 yrs ago, ginawa mong 12% ang VAT from 10% lang, Kaya nga Pinas ang isa sa pinakamataas ang VAT sa buong mundo..
Ang suggestion ko nalang sa mga kasoldering ko na me extra money, punta nalang kayo sa BDO, CHINABANK or sa mga favorite nyong bangko at bumili ng treasury bonds or corporate bonds. Pero pinakasuggested ko is sa BDO kasi open sila ng sunday. Hindi mo need umabsent sa work.
Yung treasury bonds guaranteed ng gobyerno so sure na sure 101% na makukuha nyo interest at yung capital nyo maibabalik after 5yrs
Then ganon din yung corporate bonds. very very safe investment, Last time nag-offer yung Petron ng corporate bond. Lend Php50K to Petron Corp. For 6-7 Years and Earn 7.8% to 8.0% p.a. So after 20% tax, nasa 6.24 % parin interest or like yung 7 years NLEX bond na nasa 6.6% pa ang interest rate ( so magiging around 5.3% after tax)
sa treasury & corporate bonds, yung interest nya, makecredit sa savings account nyo every quarter (3months), then yung capital is guaranteed matic makecredit din sa savings account after maglapse yung 5-7 yrs tenor.
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!