self reflection on a sunday morning/ reminder to myself:
ramdam mo na talaga ang hirap ng buhay now..kaya need ng magsipag, magtipid (from san mig light,to ginebra na muna, 1 shot lang, pampatulog lang..hahaha) at magpakatino.. magastos sa gasolina at toll, if walang direksyon ang buhay mo at kung saan saan ka napunta..bahay-work oks na muna yun..
tsaka na muna yang mga materyal na bagay..tyaga na muna sa kotseng luma, ok pa naman is ela, konting ayos at hilamos lang, sexyng sexy na ulit si ela..maayos pa naman ang makina..at bihira ka na makakita ng 130hp na sedan now..
Ang impt is yung health mo at health ng family mo, so higit sa lahat, alagaan ang physical at mental health.. magpalakas, magexercise..at umiwas sa stress at toxic na relasyon..
pag hindi ka na pinapahalagahan, or hindi ka naman napapaligaya at hindi naman naibibigay sa yo mga needs mo, at wala namang naiitutulong or naibibigay sa yo at inaabuso ka lang, iwan mo na, at humanap ng iba..dapat give & take lahat ng relasyon para happy.. pandemic now, maraming naghahanap ng makakapitan.. ikaw nga naghahanap din ng makakapitan di ba?
Makakahanap karin ng makakapitang sexying partner na magtatyaga sa itsura mo..at magpapaligaya sa yo.. tutal medyo pogi karin naman pag bagong ligo..hehehe. makakapitan hindi sa pera, kasi madami ka naman non (law of attraction, wag mo sabihing wala kang pera, sabihin mo lagi madami kang pera, pra yung pera lumapit sa yo,,law of attraction daw yan sabi ni google,,hehehe),
yung makakapitan mo emotionally, yung magchecheer up sa yo, yung ibibigay din needs mo, yung lagi ka lalambingin pag pagod ka na.. yung walang atubiling tutulungan ka linisin ang bahay mo, or ipagrocery ka (syempre ikaw magbigay ng budget, sya lang maggrocery kasi wala ka ng time dun, laking help narin non), yung aalagaan ka..yung makakapitan mo pag down ka..kasi surely, aalagaan mo rin sya, at ibibigay morin lahat ng needs nya,, so yung makakapitan nyo ang isa't isa..
maraming nalulungkot now, surely, me makakaappreciate ng value mo.. yung sirang baterya nga ng kotse me trade-in value, ikaw pa kaya? kakapalit ko lang kasi ng car battery kaya naisip ko lahat me value kahit sirang battery, need mo lang hanapin yung makakaapreciate ng value mo..hehehe
also, wag masyado mainit ang ulo, at matutong magpasencia.. lalo na sa mga taong alam mo naman na nakakatulong sa yo..pag me nakatampuhan ka rin noon, or me naooffend ka , or nang-offend sayo, kalimutan mo na yan at mauna ka ng magsabi ng sorry, sabi nga ni King Ecbert- "the Greatest Christian Virtue Alfred, is Humility “ ..
Also, dapat talaga me sense of urgency na now sa work at sa mga bagay na need asikasuhin lalong lalo na sa mga bahay.. iready mo na lahat dapat, para pag nalift ang ECQ, ready ka na..
ang impt now is magpalakas, magpalakas at magpalakas, hindi mo alam kung hanggang saan tong pandemya nato.. puno ang hospital now.. bawal magkasakit..
almost 3 weeks ka nagkasakit ng matindi this March, halos 2weeks ka hindi makabangon, feeling mo matetepok ka na talaga, kaya nga ininform mo na mga pinsang buo mo na hindi mo na kaya..at least maisugod ka man lang sa ospital kung sakali..kasi wala naman halos nag-alaga sa yo kundi anak mo lang na 14yo, kasi nga wala kang partner sa buhay, kung ano ano na naiisip mo nung nagdedeliryo ka ng 1week at di na talaga makabangon, halos 23hrs a day ka ng tulog, paulit ulit na panaginip mo,hahaha.
then actually ikaw pa nagulat ng isang araw, nawala nalang lagnat mo, then mga ilang araw pa, umayos narin ng kusa paghinga mo.. BUHAY KA PA! Cheers! hahaha. in your heart, ang sumagip sa buhay mo ay Neozep, Biogesic, sangkatutak na vitamins, Gatorade at Pocari Sweat, at saging at lugaw, dahil wala ka talaga ganang kumain kahit pa hindi naman nawala ang panlasa mo..i lost 10lbs in 2 weeks, so deep in your heart, yung lugaw is essential talaga, lifesaver pa nga eh.. so alam mo na bawal na bawal ka ulit magkasakit..ok? lalo na wala kang jowa mag-aalaga sa yo..
Mahina talaga sobra ang lahat ng business now.. so need mo talaga alagaan ang mga valued clients mo na natitira, habang wait mo rin magstart ulit ng operations yung iba mong clients..at wag tumigil humanap ng new clients...need mo ideliver ng mabilis yang mga purchase orders nayan..at policy namin, kung ano gusto ng clients, Go yan!
alagaan din ng husto ang mga resellers, oks lang din na magbigay ng malaking discount sa mga resellers, at ibigay din mga request nila, basta kumita ng kahit konti lang, oks na yun, tutal sila naman nagpakahirap maghanap ng client, para lahat kumita..share the blessings dapat..
basta wala ng hiya hiya, impt makabenta ng mga soldering stations na yan, soldering iron, solder wires, solder bars, at iba pang need ng clients..mga good quality naman ang mga items at low cost pa, so hindi nakakahiyang ibenta, win-win pa kasi nakatipid pa clients sa items mo.. hindi mo mabebenta yang mga stocks na yan, if kayo kayo lang nakakaalam na nagbebenta kayo nyan, so impt na need mo ipagsigawan sa buong mundo na distributor kayo nyan..
pag wala ka naman control , like sa politika at sa mga gyera gyera , wag ka na makialam at magcomment.. pag me nabasa kang hindi mo gusto regarding sa politika, yaan mo na yun..kesa makipagdebate online..mastress ka lang..
at itapon mo na sa basura, yung mga hindi mo need, pra wala masyado excess baggage at iniintiding kalat, like mga kung anong anik anik dyan na nakatambak lang sa bahay, tatambayan lang yan ng ipis at lamok..
also, pag sinabing basura, including yung emotional garbage, like hatred, jealousy at self-pity.. ,madami kang nagawang mali at pagkukulang sa buhay mo... pero dapat move-on! at gawin mo na dapat asikasuhin, now na!
kasama sa excess baggage is yung iniisip mo parin mga failed relationships mo sa mga babae mo na kasesexy at ang gaganda, at ang titino, na nanghihinayang ka now.. na sising sisi ka dahil alam mong ikaw ang me kasalanan bakit kayo nagkahiwalay.. now, nganga ka, hehehe, move on kana dyan!
pati sa mga babaeng obviously is ginamit ka lang, patawarin mo na sarili mo sa katangahan mo.. kung napatawad mo yung ibang tao, dapat napatawad mo narin sarili mo..pra wala kang excess baggage, para sa mental health mo yan..
sabi nga ni Ragnar Lothbrok- “Don't waste your time looking back. You're not going that way."
uulitin ko, ang impt now is magpalakas, magpalakas at magpalakas..health ang pinaka impt now.. at magpakatino at magtipid, at kumayod ng mas matindi..pahalagahan ng husto ang mga tao na pinapahalagahan ka rin..
so need mo talaga magpasalamat ng paulit ulit sa mga suppliers/principals/financiers mo na nagtitiwala sa yo thru the years ,like yung mga boss mo sa Hanstar, Boschstatic control, Anyi, Cheerman, Edysn USA, BSD-Kilews taiwan, Vessel Japan, at Chemtronics USA, dahil if wala sila or if nasira tiwala nila sa yo, yari ka, wala kang items na ibebenta at wala ka pambayad ng kuryente.. hahaha
Higit sa lahat, kahit hindi tayo masyado religious na tao, naniniwala tayo sa 1 Supreme Being/ Creator natin.. magpasalamat tayo sa KANYA na up to now is buhay pa tayo..at healthy again, gaya nga ng sabi ni El Pres Mike Ilagan- "Ang importante buhay ka pa! ".. hahaha