online diary sept 8,2021
palala na ng papala baha dito sa atin sa sta rosa.. now lang ako nakakita na inaanod na ng baha yung kotse na parang sa maynila na.. una kong nakita sa video na send ni pareng Rhesty cameros sa GC ng bible study..
note- Video is not mine, nakita ko lang na forward ni preng rhesty sa GC ng bible study/prayer meeting, hindi ko makita sa FB kung kanino original post to, so CTTO
note- photo taken from the FB of City Government of Santa Rosa, Laguna
so need na gumawa ng sta rosa, laguna ng prang water impounding system prang sa BGC sa taguig. so pag me bagyo, yung tubig galing Cavite. dun muna dadaloy..then slowly irerelease siya sa ilog sa sta rosa direcho laguna lake..calibrated release pra di bumaha. kasi ang baha sa atin is flash flood or biglaang dating..biglaan din nawawala..
me engineering model na pwede nating gayahin..gayahin lang natin yung water impounding system ng BGC..underground pa nga yung sa BGC..
wala na tayo magagawa kasi catch basin ang sta rosa at binan, laguna ng tubig galing sa gma,carmona,silang, at tagaytay cavite .
massive infrastructure to .pero worth it naman yung investment..
hindi naman kasi natin pwede tanggapin na lagi nalang tayo taga salo ng tubig baha ng cavite. simula pagkabata ko, binabaha na tong sta rosa..at flashflood..ang baha is after tumila ang ulan kasi nga manggagaling pa sa cavite
eh panay pacute lang naman sa FB at mag announce ng walang pasok pag me bagyo yung governor ng Cavite at Laguna now..ala ka makitang plano laban sa baha..
syempre si gov ng cavite wala yan paki sa baha dto sa sta rosa at binan..di naman nya to area..
si gov naman ng laguna is oks naman..magaling naman si gov, kaso city ang sta rosa, so maybe, im not sure, is dapat yung city gov"t ang me jurisdiction dto..so wala siguro siya paki din dto if bahain tayo every year kasi sabihin siguro nya si city mayor nyo bahala dyan..
kaya dapat mismong mga taga santa rosa n gumawa ng action..nandyan napo ang engineering model, kokopyahin lang po natin yung sa BGC..
maybe after covid, mahelp tayo ng susunod na presidente because this project needs the national government's support..
so ang piliin nating sunod presidente , yung me political will din at me utak din dapat na kaya tayo tulungan sa perennial flash flooding dto sa atin sa santa rosa..at congressman na magrerepresent sa atin sa congress is yung me malasakit talaga at me utak na kaya maglobby sa kongreso pra ipush tong mga anti-flood projects nato.. hindi yung puro FB live lang ang alam gawin kada me bagyo..
kasi ultimately, ang long-term solution sa flooding dito sa Laguna at NCR is yung matagal ng plano na Paranaque spillway na panahon pa ni Marcos dapat sinimulan kaso kinancel ni Cory at ang massive dredging ng Laguna Lake to increase its holding capacity na dapat sisimulan na kaso kinancel naman ni PNoy at nagbayad pa tayo ng P800 Million penalty..
ref:
1. https://sovereignph.com/2020/11/14/cory-and-noynoys-criminal-incompetence-made-laguna-lake-a-basin-with-23-faucets-without-a-drain/?fbclid=IwAR3nLVbwBlK7Cij5NJL1qj6F0zTJoyAFkirmHeLtAkYH_eANAYabnjT_2k0
2. https://openjicareport.jica.go.jp/pdf/12308284_01.pdf