The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Thursday, July 8, 2021

July 8 , 2021- Self-criticism

 


 
july8 reflection, to myself- 
 
wala akong pinagkaiba ke PNoy..pareho kaming binata..at parehong lagimg sablay sa lovelife..hehe..parehong disente..,magalang,pinong kumilos..preho kaming me prinsipyo na hindi corrupt..at pareho kaming hanggang drawing lang ang kaya!!! kaya pinagtatawanan lang ng mga subordinates..nirerespeto pero hindi kinakatakutan..kaya mga tao puro late! walang accomplishments.. in short, we are both weak leaders!
pareho kaming hanggang plano lang ang kaya!!pero disente naman! hahaha
hindi ko na kaya tanggalin ang pagiging PNoy ko..talagamg disente at magalang ako..at refined ako kumilos kasi yan ang kinalakihan ko..pro like PNoy, laidback din ako..at sa tanda kong to..still nagaaksaya parin ng oras sa computer games..Pnoy na PNoy nga! hahaha
panahon na siguro pra magpaka Duterte ng konti..Bastos! walang preno bunganga..hindi refined..pero nirerespeto at kinakatakutan! Gets the job done! at lahat ay friends. mapa USA, china, russia, japan.. Yung mga matagal ng plano, nagagawa! yung mga madudumi, nalilinis! pandemic pa..
Style duterte is Mabunganga, laging me halong pananakot..papatayin kita! hahaha..carrot & stick..prang style Tatay talaga..if sinabi ba ng Tatay mo papakain kita sa pating pag di mo nilinis yang bahay..gagawin ba nya nyun talaga? di ba hindi..pero kahit anong tamad mo..pag sinabihan ka na non..nagagawa yung bagay n need gawin..so isip isip sa mga nagtetake literally ng mga pinagsasabi ni Duterte..specially sa sinabi n magjetski sa WPS..
kung gaano kadumi ng bunganga ni Duterte, siyang linis naman now ng Boracay.. kung gaano non-stop pagmumura ni Duterte, ganon din ka non-stop yung mga Daan at Tulay na natapos na dati ay drawing lang..
yun ngang C6, panahon pa yata ng amerikano yan na plano..panahon ni Cory, Fvr, Erap, Gloria, Pnoy..ni hindi naayos..pinabayaan nalng..puro putik..pra kang nadaan sa buwan..dyan nasira kotse ko ng dumaan ako dyan ng time na nililigawan ko si Alyssa (aka jessy mendiola ng taytay) sa panahon ni Pnoy..
pagkaupong pagkaupo ni Duterte..aba naayos! nasementuhan..naging legit na freeway.. bilis ng byahe from Laguna to Rizal..di mo na need dumaan sa sobrang traffic na C5 papuntang taytay at antipolo..how can you not like a president like that?
yung plano at drawing maganda yan..kung maisasagawa at matatapos! sabi nga ni Genghis Khan- " There is no good in anything until it is finished."
So to myself: Panahon na.. IPACK UP MO NA YANG NOYNOY AQUINO MO, ILABAS MO NA DIYAN SI RODRIGO DUTERTE! ako na bahala sa san mig light mo pagkatapos..
 
-
1. photo of Genghis Khan from : https://www.britannica.com/biography/Genghis-Khan
2. Photo of President Duterte taken from:  https://www.scmp.com/week-asia/opinion/article/2188183/duterte-putin-asia-maria-ressa-proof
 
 

No comments:

Post a Comment

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope