Red tape ang pinakaugat ng kahirapan ng Pilipinas.. pag legit ka, madami kang need icomply.. pag me red tape, dun papasok ang korupsyon. pag me red tape at sobrang daming need icomply ng mga small businesses, nawawala sa focus at profitability ang mga businesses..
Globalization na now.. so hindi lang taga Pinas ang kompetisyon mo.. mapa ano pa mang business yan, malamang me kacompetisyon ka abroad.. imbes na ang iniisip ng mga companies at small businesses kung papano iimprove ang business at products or services nila pra makapagcompete internationally , nauubos ang oras kakacomply sa kung ano ano.. kaya mabagal ang takbo ng ekonomiya... 99% ng business sa Pinas ay micro & small businesses.. kaya tayo mahirap na bansa..
hindi lang sa gobyerno me red tape.. hanep din ang red tape sa private companies lalo na sa mga related sa real estate..nabayaran mo na yung property. di mo parin matirahan..dahil lacking of few documents..
isipin mo rin yung taon taon kukuha ka ng car stickers sa HOA, taon taon need mo magparegistro ng kotse mo.. yearly need mo bayaran amilyar.. so ubos ang oras! need mo umabsent sa work pra lang dyan.. hindi ba pwedeng like every 2 yrs yan?
kaya sobrang laking bagay tong si Duterte.. gawin mong every 5 yrs ang renewal ng driver's license at every 10 yrs ang passport is napakalaking bagay!
kaya pala sobrang bagal dati ng internet sa pinas na halos di mo maplay ng maayos yung youtube.. gawa ng around 20 permits yata ang need icomply na permits bago mastart ang construction ng cellsite tower.
kung hindi pa nagkaron ng walang modong presidente, na nagbantang bibitayin ang mga mayors, etc na magdelay ng permit ng cellsite.. hindi pa bibilis ang internet sa Pinas gaya ng ineenjoy na natin now..
pero wala naman magagawa... sabi nga ni Kim Chui.. pag nagcomply ka , pwede ka ng lumabas! hahaha.. so work work work..pra makapagcomply..