8.2.2024 #onlinediary long post to kaya walang magbabasa nito, for sure..
hi cici,
paying my bills online now.. medyo broke na broke parin.. pro still surviving,,
sobrang broke parin gawa nga ng naubos na savings ko last pandemic , then nadale pa ng BIR... hindi ko nga alam if makakaahon pako sa kahirapan...
pero still surviving.. salamat sa mga valued clients at sa mga principals na supportive parin..
buti naingatan ko ng husto yung name ko, yung reputation ko.. in the end tama si chinkee tan..if mapagkakatiwalaan ka sa pera, yung reputation mo ang magsasagip sa yo.. basta high quality rin yung items mo.
in case bumagsak ang small business mo, pero yung reputation mo is good, me chance ka pa makabawi, kasi yung mga suppliers at clients mo mismo ang mag-aahon sayo..
im reflecting now.. nagmumuni muni...dahil high quality at mura yung Hanstar soldering tools, sobrang paangat na nung 2016-2019.. then biglang sumabog yung taal volcano nung jan 2020, then pandemic, yun dinale pa ng BIR habang pandemic.. yun na, downhill na.. dahil wala ka ng pera, naubos na nung pandemic.. iniwan ka narin ng jowa mo... huhuhu...
hindi naman bumagsak ang small business ko dahil bad quality mga items, or mahina ang sales, or nagbisyo ako or nagdrugs ako.. or nalulon sa sugal.. or lasenggo.. i hate drugs, i dont like sugal..
bumagsak ako dahil sa last pandemic , at kakulangan ko ng knowledge sa mga BIR rules ( kasi sobrang tiwala sa bookkeeper) at katamaran narin siguro or overconfident sa mga tao mo na naghahandle ng mga yan.. kasi focus ko nasa sales..
ang pinaka natutunan ko sa small business.. is dapat alam morin mga rules ng BIR.. hindi yung puro asa ka lang sa bookkeeper... kasi mga bookkeeper naman is wala naman yan pakialam if bumagsak business mo.. or mamatay ka sa kahirapan.. kaya dapat alam morin..
tapos na ang pandemic.. at 2 yrs narin ako sobrang depressed sa nangyari sa BIR.. it is really time to move on & move forward.. so now panay nood ko na sa youtube regarding sa rules sa BIR.. naghahanap din ako ng new bookkeeeper na me malasakit..
broke na broke parin.. pro surviving.. at very optimistic now.. last mema ko na talaga to... hindi naman pede na buong buhay mo iyak kalang.. need mo narin kumilos...
sa totoo lang, ang laki na ng mga binibayad namin kung ano anong tax at lagi pabago bago mga rules ng BIR so lagi nalang penalty penatly..
BIR yung talagang pahirap sa mga negosyante.. Kahit anong honest mo, never kami nag under declare ng sales dahil nga prinsipyo yun.. honesty, pero kahit panay sunod ka sa rules, hahanap at hahanap ng butas yung BIR para ipenalty ka.. kaya rin siguro hindi umunlad ang Pinas at konti nag iinvest sa atin.. Tingnan mo ang yayaman ng mga nagwowork sa BIR.. alam na.. hahaha
pero now , me Ease of Doing Business na at me Ease of Paying Taxes Act (the EOPT Act or Republic Act No. 11976) ... i feel it in my gut.. 2025 will be a better year.. need mo lang talaga mapag aralan yung mga pasikot sikot ng BIR rules..
so for now, tiis tiis muna sa kahirapan.. ang importante maserve mo ng maayos ang mga clients mo.. at makapagbayad ka ng mga utang sa mga boss mo..
kasi tama yung sinabi ni Francis M ke Gloc 9- " you can earn money, You can't earn friends".. so feichang xiexie to my boss & friend, mr. yong bo chen of Shenzhen Hanstar Electronics.. ke boss brian windsor , lot of thanx boss!
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!