The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Friday, August 2, 2024

watching now over & over again in youtube about BIR ease of payment of taxes.

 

8.2.2024
watching now over & over again in youtube about BIR ease of payment of taxes.. while working online
naisip ko lang, talagang binaon ako ng husto ng BIR san pablo nakaraan.. kumbaga eh nilibing ako ng buhay, at pati kaluluwa ko nilibing.. nawalan ako ng lovelife at medyo nasira talaga buhay ko dahil tatanga tanga ako sa mga bir rules..Pati mga anak ko dati dahil depressed ako, lagi ko nasisigawan. Naging bad father ako..sorry mga anak.. pati nanay ko inutangan ko pa.. kakahiya ako pero walang magawa..
hirap maging small business sa pinas, yari ka sa BIR kasi syempre wala ka naman accounting department.. tatanga tanga ka pa sa mga BIR compliance.. maghihirap ka talaga at masisira buhay mo..
ibabaon ka talaga ng buhay ng BIR if tatatanga ka kahit honest ka...Kahit anong honest mo at never ka nag uunderdeclare ng sales, hahanap at hahanap talaga sila ng butas pra mapenalty ka.. So need mo tlaga pagaralan mga rules at magcomply... kasi wala naman pakialam mga yan kung masira buhay mo or mabaon ka sa hukay pag di ka nakapagcomply.. kahit anong honest mo.
at ang mahirap pa dito, kumbaga is prang patay ka na nga inside & out..BAGSAK syempre ang small business mo, is ni hindi ka makapasimula ulet, hindi mo maclose ang business mo pra makapag fresh start kumbaga.. wala ka na nga pera.. kasi freeze na nila bank account mo..padagdag pa ng padagdag penalty mo.. kawawa ka talaga..
KAYA talagang need mo siya pag-aralan, kasi if aasa ka lang sa bookkeeper yari karin.. magugulat ka nalang din, sira na buhay mo.. if ipagtitiwala mo lang sa iba yang BIR compliance na yan...
pero pilit man tayo binabaon ng BIR at mahirap talaga magbusiness sa pinas sa dami ng mga government comliance ( BIR, LGU, Customs, etc etc etc...YUNG mga clients naman at suppliers abroad, inaahon tayo sa kahirapan unti unti.. wala ako masabi kundi magthank yoou ssa kanila.. salamat sa tiwala sa mga bosses sa shenzhen..
iniisip ko magmasteral or MBA, pero sa tingin ko, ang priority now is mamaster tong mga bookkeeping at mga BIR compliance... ito ang susi sa pag-ahon sa kahirapan.
kasi yung sales, talagang kusa ng nadating..basta high quality yung products mo.. at technically knowledgeable ka.. kaso yun nga balewala lahat ng kinita mo if sa isang iglap is mayayari ka ng BIR dahil sa penalty penalty... ubos kayamanan mo.. pati kaluluwa mo ubos...
kaya tingnan mo si BBM at pacquiao.. sa laki ng sinisingil dati ng BIR sa kanila, kumandidato nalang presidente.. now na presidente na si BBM ( at isa siyang magaling na presidente), masisingil pa ba siya ng BIR? hehehe so wais din si BBM di ba?

No comments:

Post a Comment

hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope