4.25.2025 #onlinediary
hi cic,
naging production engineer/ supervisor ako sa 1 very large machine shop sa me LISP1 cabuyao, puro CNC machines halos yung gamit.
then sales engineer sa 1 startup machine shop company ( na sister company ng 1 established machine shop) way back 20 yrs ago sa me san pedro.. yung nauna sa akin na mga sales, 3 months na hindi pa makabenta or kuha ng clients.. puro mga subcon lang ng sister company, walang sariling client..
then ako, pagkahire as sales engineer, 1 day palang nabigyan ko na ng order yung boss ko na owner ng company, so tuwang tuwa sa akin, from 8K na agreed upon salary, on the 1st day, tinaas bigla sa 9K ang salary ko. hehehe
also , during that time, that electro polishing is not yet popular.. so nakita ko sa production dun na after the stainless welding, madumi yung pagkawelding.. So inintroduced ko dun yung natutunan ko dun sa machines shop sa lisp1 na pinagwoworkan ko na tinatawag na Aswang or electropolising ng stainless pra mawala yung dumi ng stainless welding..
yung Electropolishing, nakaka amaze sa totoo lang, kahit chemical engineering ang background ko, naisip ko bat hindi yan naturo sa UP? hahaha. so iba rin talaga experience..
So mas lalo natuwa yung boss ko, hehehe, medyo naging favorite ako.. so pag ganon pala na bago ka ,then medyo favorite ka, then friendly lang ako, pro at my back pala, madami naiingit na mga medyo matatagal na sa company.. me tinatawag din palang company politics.. hindi ko yun alam. hahaha
and the rest is history, pero yan ang main reason bat pinili ko rin maging distributor ng mga digital calipers, micrometers, etc na mga gamit sa machine shops.. Yung Anyi Instrument calipers is the best among those hundreds of brands of calipers in china, but we also sell Mitutoyo items..
kasi yung soldering & machining, though separate fields yan, both are related to production.. specially sa mga electronics manufacturing..
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!