The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Sunday, May 10, 2026

Dalawang linggong pagibig

 Re: Dalawang linggong pagibig

Kala ko mahal din ako.. kala ko nakatsamba na.. kala ko me magmamahal na sa akin na babae at me partner nako na magbibigay ilaw at ligaya sa buhay ko...
 
Ginawa ko talaga lahat ng pwede gawin pra mahalin nya ko.. Ginalingan ko talaga... Kaya nga rin ako nagpalit ng profile pic ba tawag dto sa FB kasi yun ang gusto nya, pogi daw ako dto sa pic nato.. sinusunod ko gusto nya.. At pag nag nagmahal talaga ako, very supportive lover talaga ako.. 
 
pro after 2 weeks na happy maligaya, at anytime madaling makontak sa text, number at messenger, at lagi mong kasama..pumayat nga ako ng konti kasi lagi ko siya kasama..naeexcercise ako..hehehe
 
So pinaplano ko na yung monthsary boracay or palawan summer staycation
 
Kaso Sa 3rd week, biglang bigla, wala kasi kaming pinag awayan nung last magkasama, in fact happy pa nga.. then yun nga sa 3rd week, hindi mo na siya mkasama, ni hindi mo nga rin matwagan sa number, lagi isang ring lang..or busy tone..sa messenger nappaaring mo nga pero ayaw ng sagutin ang Vc.. 
 
Nakakabaliw.. halos 8 days mo na tinatry kausapin sa vc pro ayaw parin.. pro chat nya is mahal nya daw ako at wala siyang iba? Pwede ba yun? 
 
Mukhang needs na magmoveon at me irerestart pakong small business ..Wala nako time maghabol ng maghabol sa babae .. then me sinesetup kasi ako 2 new extra raket na small time lang pro extra income..syempre gusto morin makaahon sa kahirapan..pano ka makakaahon sa kahirapan if ubos oras mo kakahabol ng habol sa babae?
 
Kakalungkot hindi man lang umabot sa monthsary..pro at least lumampas ng 1 week.. kaya nag title ng entry nato is - Dalawang linggong pagibig..hehehe
 
Sayang na sayang, mahal ko talgaa siya at sure na sure ako..hindi siya lugi pag ginawa nya ko partner..
Sana magbago isip nya at tawagan na nya ko.... 
 
feeling ko kasi, siya yung Gift ni Lord...kasi sinagot nya ko after ko magsimba sa Landayan church. Nung nagsimba kasi ako sa Landayan church, my prayers said- Lord maawa ka na po sa akin, please give me 1 sexy na magbibigay happiness at liwanag sa buhay ko..
 
Pro malay mo baka nga ibang babae yung gift ni Lord sa akin, yung isang babaeng mabait, yung deserve ko..
i will wait for the signs..but i know, God is great, ask & you will receive (matthew 7:7) 🙏🙏🙏
5.10.2026 #onlinediary 4pm Nuvali
See less


No comments:

Post a Comment

hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope