open mema lang, long post :
sa totoo lng no. realtalk lang..nakakapagod ng magwork, dumaan sa mga checkpoints, magexplain sa mga police at militar , pumunta s bangko na open pra makapagsend ng payment s suppliers, at dumaan s mayat mayang thermal scanning ng mga guards (buti sana kung accurate gamit nila.. yung binebenta kasi namin is accurate hahaha..)
mas masarap nalang matulog at manood ng putlockers.. at panoorin mga movies ni elena kosha.. or ichat yung mga gusto mong jowain.. or pumunta ka nalng s jowa mo at dun magspend ng lockdown..
pro me commitment tayo sa mga client at sa bayan natin. na kahit sa simpleng paraan lang na madeliver tong mga thermal scanner sa mga cliente at hopefully makapagprovide sa kanila ng facemask is masasabi ko na tumulong ako at ang mga kasama ko sa shop sa paglaban sa virus nato.
sa totoo lang halos wala ngang kita dito kasi nag quadruple talaga ang price ng infrared thermometers sa china at halos nag x10 yata presyo ng facemask sa china..
then kami sa Lagunastar bilang maliit lang na shop na wala namang connection sa itaas, personally takot ako maaccused ng overpricing..at maraid. wala kaming pera pambayad sa abogado!
sobrang baba kasi ng SRP ng gobyerno then wala pang malinaw na kung anong model at brand. syempre kahit ano naman. mapakotse or damit, or iba ibang model/ brand iba iba ang price. ang if magandang klase. mas mahal talaga. if iset mo s Php1,000 ang price limit ng infrared thermometers. e baka model n panglaruan yun at hindi accurate.
hindi naman kasi yan katulad ng gamot na parepareho. like na pag sinabing paracetamol is kahit ano pang brand yan. mahal at murang brand. paracetamol talaga yan! same ang chemical structure nyan at exactly same item yan so dapat talaga me price limit yan..
so now hindi namin maibenta talaga yung mga thermal scanner at facemask s price na talagang normal mark up profit margin namin na kikita kami. sacrifice price talaga. para lang mapagsilibihan namin ang mga cliente namin. pra after this hopefully is maalala nila kami at marewardan ng order ng soldering soldering items..
hindi ako takot maraid sa hoarding kasi ang liit lang naman ng shop namin at small time lang kami pra maghoard..
kaya personally prang nawawalan nako ng loob. kasi iniisip ko, wala na nga ako halos profit, baka maraid pa. then baka ibash ka pa sa social media. then araw araw nakikipagbuno ka sa mga checkpoint. then now me so called quarantine pass pa. pero malinaw na hindi namin need yan kasi me company id naman kami. kaso papano kung ignorante yung brgy tanod na magcheck sa akin??
siguro sa mga susunod na araw at linggo. habang wait dumating ang new stocks ng thermometer at facemasks.. magkakasubukan ng lakas ang mga supplier at distributor na katulad ko. dito masusukat ang Will and Tenacity namin to serve our clients.
pero ako personally ay malapit ng sumuko.. madeliver ko lang siguro tong mga commitment namin na ideliver is ilockdown ko nalang sarili at intayin nalang matapos tong lockdown tutal halos wala rin naman kita. hahaha. kasi nga hindi morin naman mabenta sa tamang presyo..at baka sabihin overpricing pa.. eh sa totoo lang nag x4 to x5 nga tlaga presyo nyan s world market ang thermal scanner. yung facemask, nag x10 price s china.. realtalk lang. dapat maging realistic din ang gobyerno sa price limit..
then sana ay makiisa lahat ng mga tao at wag na lumabas ng bahay.. para kaming NEED talaga lumabas ay hindi n masyadong maexpose. at pra hindi masyado mahaba pila s checkpoint..
lastly, personally , sana naman magkajowa nako ng sexy pra naman me magcomfort naman sa akin , pra me makayakap naman ako sa gabi.. pra naman marecharge naman ako at makapagsilbi parin sa mga valued clients sa panahon na need nila kami..
#thermalscanner