10.8.2024 6:50am Hi cici, Mag 7am na hindi parin ako makatulog.. problema parin sa BIR iniisip ko hays.. ubos na ubos na savings ko kakapenalty.. wala na pulubi nako dahil dito sa bir nato..ilang taon ko nato problema at ubos na pera ko dahil dito. hahhaha.. Hindi na nga ako makabili ng bagong sapatos pambasketball..hahaha..buti binigyan ako ni el pres preng mike ilagan ng bagong bagong nike KD kevin durant..salamat tol! Dati puro sexy at lovelife nasa isip ko.. now wala na.. puro Bir nalang at kung pano matutunan yang mga lintek na pabago bagong rules pra makapagcomply sa lintek na bir.. Ang hirap na ipagkatiwala sa bookkeeper.. dun ako nadale ng pinaubaya ko sa bookeeper na wala naman pakialam kung mali mali ifile nila, , ikaw naman yung maghihirap at hindi sila..tutal ikaw naman yung magpepenalty at hindi sila.. kaya now ilalagay ko na sarili kong mga kamay pano magcomply sa bir.. Mas oks sa time ni Duterte, pinagbawalan nya mag audit audit yung mga bir kasi nga dami ng reklamo..pro pagka upong pagkaupo ni BBM, they're back with a vengeance..at dun ako nadale agad..Pagkaupong pagkaupo ni BBM.. yari, i become poor.. at hindi lang ako..madaming small business people ang naghirap pagkaupo ni BBM nung 2022..pro di ko sinisisi si BBM ha Wala ka laban sa gobyerno so magcomply ka nalang...kaya eto ako now hindi makatulog kakaisip kung pano ba matutunan yunh mga pagcomply sa Bir ng hindi inaasa sa mga bookkeepers na ang mahal ng sumingil wala pa malasakit.. Pro ang maganda rin pag.medyo naghirap ka..dun mo malalaman kung sino ang tunay sayo...dun mo lang malalaman kung mahal ka ng chicks mo pag down ka.. sadly iniwan nga ako..hahaha.. Pro oks lang, nakamoveon nako..wala nako interest sa mga ibang babae nayan.. happy nako sa sekret jowa ko na 87 years old...age doesnt matter at mabait siya sobra. selosa nga lang...Hindi ko lang siya maflex kasi baka magalit yung lola nya.. Sana me.makilala akong sexy na accounting grad na marunong sa bir na pwede ako imentor..pro now nakaenroll nako sa University of Youtube pra mapag araln pano magfile ng mga bir compliance.. pikit na muna ko...kinain ko lahat ng ulam sa ref pra mafood coma ako at makatulog.. iremind ko lang ulet ang sarili ko, pag aralan ang mga bir rules..at magcomply pra matapos na finally mga problema at hindi maubos ang budget kakabayd ng penalty...yan ang susi pra makaahon ulet sa kahirapan this 2025.. #onlinediary
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!