The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Saturday, April 30, 2022

4.30.2022 BIR San Pablo

 

4.30.2022 12:40 am.. saturday
dear diary,
work work this friday nite up to the wee hours of the morning. ganon talaga pag walang lovelife.. friday nite working ka..
checking our sales report, and expenses..
bale yung pinaghirapan mo at kinita mo ng 1 month , oks na sana finally medyo kumikita na ulet after 2 yrs na lugi sa pandemic.., ubos na savings..pero uy finally kumita na! after 2 yrs..hahaha, medyo kumita ng konti kasi medyo nakakabenta na ng mga microscopes..
kaso ang saklap...eto pambayad lng sa penalty sa BIR, at compromise lang yun pra sa tax season 2019, kahit hindi mo naman talaga inunderclare ang sales.. saklap... broke na broke na nga now. brokenhearted pa.. at naghost na naman ako, iniwan na naman ako dahil sa hindi ako nakapagpadala sa gcash..
broke ka na nga, hindi ka nga makabili bili ng new iphone SE man lang.. bulok na nga kotse mo, iniwanan ka pa nga ng jowa (inspite of full efforts given the past months),. need pa magbayad asap this week ng 105K, kundi kakasuhan ka na immediately ng BIR, or else kakasuhan ka at imprisonment of 1-10yrs...then hindi pa yun tapos kasi parang initial compromise lang daw.. napakadami pang demand at penalty parin.. juice ko po BIR San pablo! why me???????
im just wondering, to the BIR San Pablo, and most specially to the woman that i love na taga Laguna rin..
may i ask you, Do i deserve this?

Monday, April 25, 2022

BIR San Pablo , wag naman po ganito.. huhuhu

4.25.2022 12:30am
dear diary,
ang gulo ng utak ko now.. depressed ako now gawa ng as usual ghost na naman ako ng babaeng pinakamamamahal ko now.. parang wala na naman direkyon ang buhay ko.. iniwan na naman ako sa ere..
pero pinakamatindi, me nareceived akong letter sa BIR San Pablo, nung saturday april 23 ko lang nabasa.. na need ko magbayad ng 1.6Million pesos back taxes and penalty for the 2019 tax season..or else Imprisonment.. hindi ko gets, kasi from the start, we are paying our taxes of all kind religiously..
I am a law tax paying abiding citizen!
Makukulong ba ako dahil dito sa maling filing nato ng ITR namin??? huhuhu...
hanep 1.6 Million ang need ko bayaran sa BIR ???!!! san ako kukuha ng ganong kalaking amount para lang ipambayad ng tax??? i mean prang sinabi ng BIR San Pablo.. sa akin, akin na yung buhay mo!
for the record, at kahit saan ako makarating, kahit simula pagkabata.. im an honest man, at never kami nandaya sa pagdeclare ng sales.. never namin undeclared ang sales, based sa sales invoice.. i dont know what happened..hindi ko naman na kasi chinecheck yung sinasubmit ng bookeeper namin sa BIR.. kasi ang focus ko is pagkuha ng sales, at delivery.. that is my bad bad mistakes in life..
kaya nga hindi yumaman, sa sobrang honest sa pagconduct ng small business.. I mean, kaya nga lagi ako iniiwan ng mga babae, kasi bulok lang yung kotse ko, hindi nga makabili ng bagong kotse.. tapos eto sisingilin ako ng BIR ng 1.6M.. Life is unfair.. isn't?
now, take a deep breath.. calm down.. makapagmuni muni muna now.. then 4am, start to work nako, if ano magandang gawin para masurvive ko to..
ito na siguro ang signal or sign from the Lord, na ayusin mo na buhay mo..na need mo na tlaga humanap ng isang babae na mag-aalaga sayo pra makapagfocus ka talaga sa detalye ng business.. kundi yari ka sa BIR!
i will survive this mess.. this mess will surely weaken me for now..i dont know, but i need to stay strong & learn from this experience.. if hindi ko to masurvive.. then baka makita nyo ko namamalimos sa kalye or nasa kulangan na.. huhuhu
but if i will survive this.. I promise to be a better small businessman, hire better people to help me.. need ko na siguro iaccept tlaga na ang buhay ko is nasa business na talaga.. at ito ay hindi hobby hobby lang..
Lord please help me! yoko po makulong at wala po ako 1.6M pambayad ng tax!

 

Sunday, April 24, 2022

BIR SAN PABLO

4.24.2022 3am
Dear diary,
I just read now a demand letter from the BIR san pablo. Sinisingel ako ng 1.6 Million pesos tax plus penalty dun sa 2019 tax season...hanep!!!! Bulok na bulok parin nga kotse ko.. kakabayad ng kung ano anong tax..di nga makabili ng bagong kotse tapos sisingilin ng tax & penalties na 1.6Million????then me banta pa na makukulong ako if di makabayad.!!! Wtf..pano to nangyare???? Juice ko po.,.hays.
Im an honest small time businessman..never kami nag underdeclared ng sales..i still cant understand now what is our deficiencies or mistakes..umaasa lang ako sa bookeeper namin if related s bir, kasi ang focus ko is sa mga clients..lahat ng nasa batas we follow.. kaya nga hindi makabili ng bagong kotse eh..sa sobrang honest..
Bat kaya ganito ang buhay??? Kung sino pa matino at di manloloko siyang lagi niloloko at iniiwan ng mga babae.. yung mga babaero sila yung me lovelife..then Kung sino pa yung talagang law abiding citizen /small business lang siya pang gigipitin lagi ng Bir.. yung mayayamang politiko hindi nila maganito.. totoo nga sabi nila- " Life is Unfair!"
Lord pls help!, Madami po umaasa sa akin..i hope i will survive this mess..

 

Friday, March 25, 2022

3.25.2022 dear diary,

3.25.2022
dear diary,
Lagi nalang ako iniiwan ng babaeng mahal ko dahil wala akong Gcash..hays..
syempre me small soldering supply business ako na sobrang demanding sa time kasi need mo siya madeliver talaga sa mga clients na electronics kasi need siya sa production .. ang hirap ibalance ang time between lovelife and business, kaya hanggat maaari gusto ko "working date" or samahan ako ng babaeng mahal ko sa mga pinagggawa ko sa work or pag me opportunity..
nakailang try na kasi ako Gcash, hindi daw same yung pagmumukha ko sa sa passport id at yung selfie ko.. ano magagawa ko kung pumogi ako ng 2 ligo dahil sa myra E?hahaha
Next time siguro pag manliligaw ako tanungin ko muna ng "beb me ATM ka ba? pra if need ng allowance, online bank transfer nalang.. dahil nga wala akong Gcash..pra hindi moko iwan...hahaha
so eto pala dapat ang checklist if liligawan mo yung babae or hindi..
1. confirmed single ba? balingkinitan ba? maalaga ba at mabait ba?
2. me ATM ba?

Wednesday, March 9, 2022

3.9.2022 gasoline price

 
shell gasoline price march 7, 2022 somewhere in laguna

 
 
 
 
"An official from the Department of Energy (DOE) said Monday there is no problem with the supply of fuel products coming into the country, adding that the problem lies in its prices.
"Wala ho tayong problema sa supply, Mr. Chair. 'Yung problema natin ngayon is... covered po tayo, 'yung inventory natin 30 days, more than 40 days po ang nasa inventory pa natin," DOE Undersecretary Gerardo Erguiza said during a congressional inquiry."
 
 
ferdi's comment:
pero hanep, ilang araw palang yung war, sobrang laki agad ng tinaas ng presyo..
if 30-40days inventory, so nakuha nila yan ng lower price yung supply, then benta agad sa sobrang taas.. kasi ilang araw palang war, sobrang lake talaga ng taas..
prang covid, pati gyera pinagkakitaan narin..ginagawang tanga mga tao..hays.. walang pinagkaiba sa mga babaeng manloloko..hahaha..
moderate your greed people..

 ---

 

PRRD is the best president in my book, along with very good cabinet members like dpwh sec mark villar, dotr sec tugade, denr sec cimatu , spokesman sec roque....
pero Energy Secretary Alfonso Cusi magresign ka na at inutile ka dito sa price ng gasolina! puro ka kasi politika noon pa! ipabuya mo na sa hindi involved sa politika yung DOE pra makapagcous sa work!
we should find ways of more energy source like nuclear, to lessen our dependence on oil..
 
 
 

Friday, March 4, 2022

10 yrs narin ako single...

3.4.22 3am
dear diary,
10 yrs narin ako single...huhuhu..mukhang need ko na talaga tanggapin sa sarili ko na napaglipasan narin ako ng panahon.. nakakatakot narin talaga magmahal now..mahirap makakita ng babaeng di ka lolokohin..mukhang wala na nga ako choice now kundi magenjoy nalang sa buhay at focus sa work as distributor ng mga electronics tools at mag ambisyon parin na sa future matawag na "soldering lord" ng calaba (cavite laguna batangas)
kaya lang naaawa ako sa mga anak ko at puro mga babae pa naman..gusto ko sila bigyan ng family atmosphere parin.. as a single father, at sa nature of work, alam ko madami akong pagkukulang as a father..i hope to rectify these shortcomings..so gustohin mo man na tanggapin nalang sa sarili ko na wala na.."Lipas nako sa panahon" .. need ko parin talaga humanap ng partner in life..
hindi to lang pra sa sarili kong happiness but pra rin sa mga anak ko.. as like i said, i want to give them like a sense of happy family home atmoshpere..its very hard to that without a woman..
so i guess, i cannot giveup in this endeavor to find a happy lovelife..kahit talagang pagod narin ako mageffort.. kahit pinagtatawanan ka narin malimit..hahaha
pro lahat naman tayo me hinahanap di ba? yung iba hinahanap is work, or pera, or mauutangan.. everyday, we nautang sa akin sa chat..di ko naman sila pinagtatawanan..i emphatized with their problem. i can help some, but not all, coz im not manny pacquiao you know...so for me, im searching for a woman that i will love and will love me too.
i just really hope that the woman i love will see my value and take care of me..
i just really hope that God will answer this open prayer..not just for me, but for my children..and also for my clients, because i can serve better our clients if my personal life is ok..because we have to admit, when your personal life is happy, you can focus more in work, and tend to be more productive..
kahit pagtawanan, kahit kinakahiya, kahit nakakapagod, kahit magastos..hahaha..i have no choice now ,tuloy parin ang paghahanap ng elusive lovelife..i can"t give up on this one..for my children"s sake..

 

Monday, February 28, 2022

2.28.2022 3am monday morning self reflection

2.28.2022 3am monday morning self reflection
Dear Diary,
Still brokenhearted.. I cant lie to myself, i still love her.. my goals in life depend on her.. and without her, my life again has lost its direction.. I am deeply hurt..
But its time to Heal.. Make yourself happy, Take Care of yourself, Buy anything that will make you happy- its your own hard earned money.. Empower yourself.. Follow the advice- focus on the business while searching for that elusive lovelife.. Its better to be brokenhearted and with money, than brokenhearted and broke..
Again, Heal, Love and Take care of yourself because nobody will.. specially if you're alone in this world.. sooner or later, God will give you a new lonely gorgeous woman that will need and truly love you, and there will be two less lonely people in the world...
Still, my mind is set, the die is cast. my goal is specific, it's not a matter of IF, but a matter of When.. I still need to pursue that goal of having a small farmlot in Nagcarlan.. I love that place. I plan to grow roots there.. You just really need a woman there to help and make things easier for you.. Experience will tell you, that you need a woman first, before you buy a property, for a house without a woman can never be a home.. A loving woman is truly a God's gift to a man.
At Nagcarlan , its about 200m ASL, you are in the countryside, savoring the fresh air..no traffic, no floods, no stress, but still "walking distance" to your clients - the Electronics factories in Cavite, Batangas, & Laguna
so the plan now is to heal yourself, take care of yourself, keep yourself busy to forget that heartaches, work harder in selling your microscopes, sell some of your idle properties & save some money so that when finally a woman of your desire finally crosses your path, you are ready and prepared.. for preparation is the key to success..

Saturday, February 19, 2022

2.19.2022 11pm saturday nite

2.19.2022 11pm saturday nite
dear diary,
broken na naman, nakakasawa nato..tangina last na talaga to masasadboi ako.. hahaha, nangyayari lalo tuloy ako nataba ng husto, magsasummer pa naman,.. kasi syempre pag brokenhearted ka, saan ka ba kukuha ng comfort? syempre sa pagkain.. hahaha. kaya eto food trip.. mayat maya kain! hahaha.. salamat sa 2 yaya na magaling magluto, si ate janet at ate ana
naisip ko nga lang, pag depressed tayo, ibat iba ang way natin ng pagcope or healing? yung iba pag depressed, ayaw kumain..hahaha, ako pag brokenhearted, talagang sa pagkain nalang ako nagpapacomfort.. habang watch paulet ulit ng netflix..
ano ba ang science at pag depressed ka eh, kain ka ng kain minsan? magoogle yan minsan... hehehe
mabuti nalang sa feb25 me bagong season na ng Vikings- Valhalla.. at least me mapaglilibangan ako..
saturday nite now, pero hindi ako magiinom, so ganito nalang, after eat nitong mga german franks nato.. magpakalunod nalang sa work.. need na tapusin ang mga listahan ng mga soldering items na need ipaship from USA, china at indonesia..
magpakabusog, at magpakalunod sa work.. ganon nalang ang plano...matutuwa pa mga clients mo.. pag natuwa ang mga clients mo, me reward yan ng more orders..at if more orders , more budget for san mig light..hehehe, so parang sakripisyo muna tonight.. kesa magpakalasing ka sa San Mig Ligth dahil brokenhearted ka. magpakalasing ka nalang muna sa Excel files!
if babae ang problema, babae rin ang solution.. hehehe. sa maling lugar lang siguro ako naghanap.. anyway.. sooner or later, ramdam ko this summer, matatagpuan ko rin yang hinahanap kong kaligayahan sa buhay...Sugal lang ng sugal sa pagibig.. hindi ako naniniwala dun sa "Wag mong hanapin, kusang darating yan!" , hindi ka naman richard gomez na kahit tumambay ka lang dyan eh sure na me lucy torres na magkakagusto sa yo.. pag di ka ganon kapogi, need mo talaga maghanap, at mag-effort, gumastos at sumugal pra magustuhan karin ng babae.. hindi pwedeng iintayin mo lang or laway lang ang puhunan. hahaha.
parang trabaho at client din yan, hindi pwedeng intayin mo nalang, need mo yan hanapin! hahaha
madami namang nagchachat, pro kita ko naman , me mga jowa..5 kaya dummy account ko, me algorithm ang fb.. so kita mo na agad sa ibang fb nila if me jowa or wala.. syempre 3 yrs ako niloko ni aka catriona gray, so kumbaga is M.S. graduate nako sa pagkilatis ng babae if me jowang iba or wala..kumbaga is expert ka na sa mga kalokohan ng mga babae.. hahaha.
ewan ko ba, ang hinahanap ko talagang babae now is yung willing makipagseryosohan... sawang sawa narin kasi ako sa lokohan.. yung pwedeng maging katuwang sa business. yung hindi natingin sa itsura at edad, kasi syempre panget ako, hahaha.
then hopefully is sana ay taga Nagcarlan or me kamag-anak sa Nagcarlan, Liliw or Majayjay , Luisiana or kahit sa Magdalena, or sa Bailen,or Magallanes, Cavite..or basta yung elevation is 200m ASL at medyo mura pa yung price ng lote, maganda rin sa Lobo,Batangas kahit mababa yung elevation kasi beach naman dun. first choiice is Alfonso, Cavite sana kaso mahal na dun now.
kasi talagang decided ako bumili sooner or later ng small farmlot. medyo iba na trip ko sa buhay. so syempre natuto nako.. dapat humanap ka muna ng ibabahay, bago ka bumili ng bahay..hahaha.. so hanap ka muna ng jowa sa lugar, bago ka bumili ng farmlot.. para me sasalo sa yo dun sa lugar na yun..
so ganon nalang.. work work work nalang, at maghealing.. Medyo sobrang saket tlaga ng nangyari sa akin today. masakit talaga. dadamdamin mo talaga kahit gaano ka kastrong. kasi di biro inabot kong pagod, hirap, oras at gastos pra lang malove scam ulet. sobrang saket eh. pero hindi pwedeng forever ka broken, at dapat magheal ka ng mabilis.
yung mga perang nasayang, medyo malaki laki rin yun, hays. kasi pag mahal mo mabubulag ka talaga at ibibigay mo talaga lahat ng kaya mo ..though it hurts kasi pinaghirapan mo kitain yun, is kaya naman kitain ulet yun. actually barya nga lang yun as compare sa pwede mo pa maibigay sa kanya mahalin ka lang nya at alagaan... pero yung oras na nasayang at yung pagod at buwis buhay na long drive sa liblib na lugar. yun nakakapanghinayang.
pero alam mo ang pinakamasaket? ang pinakamasaket is yung part na talagang minahal mo siya. nagpakaloyal ka, siya ang pinili mo. minahal mo talaga siya. nangarap ka na magiging kasama mo siya habambuhay. umasa ka sa mga pangako nya.
yung feeling of betrayal.. kasi wala ka ginawa na kahit anong masama sa kanya. lahat ng gusto nya binigay mo. of all people siya pinagkakatiwalaan mo. siya yung mahal mo eh. tapos siya pa manloloko sa yo. yun ang masaket. it will forever scar my heart.. kahit nga now mahal na mahal ko parin siya. pero need mo tanggapin na di ka nya talaga gusto. so dapat lang talaga ay humanap karin ng babae na gusto karin pra maging happy karin..
sayang lang kasi.. oo maganda siya, sexy..masipag. pero me value rin naman ako sa market. hindi ako santo at di ako mayaman or pogi, pero hindi rin naman lugi yung babae na magmamahal sa akin sa totoo lang. legal na binata ako, walang sabet, mapagmahal, me sariling bahay na wala nga nakatira at nakareserve sa babaeng mamahalin ako. good provider..at willing sumupport all the way sa babae basta ba mahalin din ako. at higit sa lahat hindi ako nananakit ng babae, wala rin ako bisyo..san mig light lang. hahaha
now mapapaiyak ka nalang talaga eh sa saket..kasi talagang mahal na mahal ko si NJS. pero malaking help sa pakiramdam tong nakakapag online diary. at sooner i know pagtatawanan ko nalang sarili ko. makakamoveon din ako. lalo na pag me bagong sexy na mabait na ulet ako mamamahalin. hehehe.
so next time, do it properly...bago mag full effort.. need mo muna kilalanin talaga si sexy bago mo ibigay yung puso at wallet mo. hahaha. 1st step due diligence is need maconfirm na talagang single at walang jowa si sexy..kumbaga sa property is clean title ba? hahaha. then 2nd question is mabait ba? maalaga ba? at 3rd kaya ka ba ipakilala sa family at makadalaw sa bahay pra manligaw? if hanggang kanto ka lang pag sinundo at hinatid mo siya. tigil mo na yang bhoy.. red flag yan. hahaha.
pag tong mga 3 basic criteria nato ay nasatisfied, then go ahead! mag fulll effort ka, ligawan mo! gastusan mo ng konti at magpakapagod ka dalawin araw araw. ganon talaga pag worth it ang endeavors. if mabasted ka, oks lang , at least you tried, at di ka niloko ng babae. naging honest lang siya na di ka nya bet. pero malay mo makatsamba ka. hahaha
but pag nakatsamba ka at sinagot ka at napatunayan mo ng mahal karin talaga ng babae at lagi na nasama sayo.. at sa tingin mo ay me papatunguhan din someday yung endeavors. yun na yung signal na pwede mo ng ibigay lahat ng gusto ng babae. gastusan mo na ng husto! hahaha. worth it na yan. kumbaga is give and take dapat.
so dapat May1 makahanap ulet ng liligawan, at makatalpak ulet sa laro ng pagibig.. pero this time magiging sobrang maingat nako sa pipipiliin kong mahalin. this time, i will do it properly, pra manalo naman ako. kakasawa ng maging luhaan. hahaha
graduate nako sa pagiging sadboi, so tiwala lang sa high performance/fast heating at long lasting soldering iron ko.. so ganon nalang ang plano this 2022. mabilis na yun!

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope