tingin ko yung lovelife, prang creditcard lang din siguro..need yan sa buhay if gusto mo medyo convenient at happy ka sa buhay..at kahit papano me matatakbuhan ka pag nangailangan ka..hehe.. kasi me zero interest naman..
so sa una panay ka reject, kahit anong sipag mo mag-apply, kahit nagcomply ka sa requirementes, kahit me pambayad ka..kahit ilan na naapplyan mo rejected ka! basted ka..frustrated ka lagi..dissppointed at awang awa sa sarili..hahaha..
hanggang maggive up ka na sa pag- apply, until me isang angel na friendly bank manager or friendly teller na makikilala ka kasi mabait ka naman na customer, di ka naiirita kahit minsan sobrang haba ng pila sa bangko..kasi syempre napunta ka sa banko to transact..then masisilip na ni bank manager or teller yung balance mo.
.tatanungin ka now," ferds me credit card ka na ba? "..syempre sasabihin mo, wala po mam, lagi pong reject..hahaha..sasabihin ni friendly bank manager- ganon ba? sige ako bahala sa yo.. tapos syempre dahil lagi ka nga rejected or basted sa mga naapplyan mo..o oo k nalang at sasabihin mo, for the sake of pakisama- sige po mam oks po yan apply po ako ulit..then bibigyan ka na namn ng list of requirements..
kaso dahil sawang sawa ka na nga mareject, nag give up ka na..hindi mo na aasikasuhin isubmit yang complete requirements.. pro syempre fill up ka parin ng application..
parang nanliligaw ka parin. kasi clear na nagsignify ka ng intention na gusto mo siya, kaso sa isip mo basted din naman to..wala ring mangyayari, paasahin ka lang ulit..aksaya lang sa gasolina at toll.hehehe.
hanggang sa mainip narin yang si friendly bank manager..siya na mismo gagawa ng paraan..kahit kulang ka sa documents..kasi nga nasisilip nya balance mo na kaya mo naman magcredit card..responsable ka naman..me savings ka naman..
kaya ayun, Approved na agad, Yes hahaha
so ayun magugulat ka nalang bigla nalang kakatok si LBC sa yo..at me ipapareceived na bagong bagong 1st credit card..
finally nasabi mo sa sarili..Yes!!!! tao ka na! hahaha..now dahil me isa ka ng credit card, ayun excited ka gamitin..panay gamit ka now..kasi convennient..di ka na pawidraw widraw..badtrip kaya yang widrawal..hehehe..kaskas ka nalang ng kaskas now..
so now lalabas yung billing, medyo malaki bill kakakaskas mo..eh dahil responsable ka naman at nagagawa mo naman ang responsibility mo as credit card holder, full payment ka ng full payment..ayun magugulat ka ulit, kahit di ka naman nag apply sa iba, aba Automatic approved ka na agad sa ibang credit card..ikaw na liligawan..hahaha
so gagawin mo, sige accept lang ng accept ng credit card tutal nandyan na yan..tutal maganda naman tingnan yung card..hanggang maging 6 na yata credit cards mo..hahaha
so prang sa lovelife din no? mas attractive sa mga babae yung mga lalake na in a relationship na..prang nachachallenge mga babae .or siguro naisip nila magaling magmahal si lalake kasi in a relationship na yung lalake..tingnan mo sa tulfo..panay kabit or 3rd.party ang issue..
so parang lovelife nga yung creditcards, pag meron ka ng lovelife talaga..mas bibigyan ka pa ng ibang lovelife..if me credit cards ka na..mas lalo ka pa bibigyan ng additonal creditcards
unlike if single ka, hindi ka in a relationship.prang hirap na hirap ka makakuha ng kahit isang jowa man lang..hehe.prang creditcards, if wala ka pa kahit isang credit card, napakahirap maaaproved..hehehe
kaso after some time, marirealized mo, aba magastos pala to if madami ka credit card kasi me maintenance fee kahit bihira mo naman gamitin..hahaha
tapos maguguluhan ka pa sa kakamonitor or kung ano gagamitin mo kasi nga ang dami nila..at mapapagastos ka talaga..
hanggang marealized mo na mali nato..ikacut mo na now yung mga credit cards mo na mahal ang maintenance fee or ayaw magpawaive ng fees at mataas ang interest..so ikacut mo na if toxic na at me attitude kasi ayaw magpawaive ng annual fee eh wala naman din gaano naitutulong sa buhay mo..hehehe
then pag sinabi mo na ayaw mo na at icut ko nato..tsaka naman magbabago ihip ng hangin at ikaw pa kakausapin ulit na wag mo na icut..kaso decided ka na talaga..kasi nga attitude..
so.mangyayari babalik ka sa isang credit card nalang na sa experience mo ay lower interest at Low Maintenance lang..at walang attitude pag me request ka..kumbaga siya yung the one mo..siya na yung ka long term relationship mo kasi happy kayo sa isat isa..kasi give and take..
pro syempre di mo ikacut lahat..magtitira at magtitira ka ng isa pang credit card na pang reserva lang..pra me sumalo sa yo in case na mawala or magloko ang service ng long term credit card mo..hahaha
so ganyan nga siguro..ang lovelife ay prang creditcard lang..hahaha
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!