Aug12, 2022 online diary
-ibenta mo na lahat ng kaya mo ibenta.. pati bayag mo ibenta mo narin kung me bibili...hahaha. isolder mo na lahat ng isolder, lunurin mo ang sarili sa work5x.. magpakumbaba ka lagi kahit pa minsan naiinis ka na sa takbo ng redtape sa gobyerno at developer na talaga namang balakid sa pag-unlad..magcomply ka nalang, pra tapos ang usapan at hindi ka mawala sa focus sa mas mahalagang bagay sa buhay mo.
umiwas ka na sa mga bagay na mag-aaksaya lang ng oras mo, gaya ng mga usaping politika, at pag sa tingin mo ay syunga or abusado yung ibang tao sa lipunan kagaya ng mga politiko at mga kotong traffic enforcers, ikaw nalang ang mag-adust..
pilitin mong umiwas sa gulo, at ikaw nalang mag-adjust, katulad nitong kung sino mang kapitbahay na 2 weeks na nasa harap ng bahay mo yung black innova na nakakaabala na talaga, malamang dedo na battery nitong innova nato, 2 weeks na halos nakatambak ba naman dito, abala na.. at tong isa pang old school corolla na sobrang ingay ng makina (palitan mo na sir yan ng timing belt) , gising ka talaga pag nagpark sa harap mo.. ginawa na nila talaga regular na parkingan yung harap ng bahay..huhuhu
pro habang tumatanda ka talaga, mas pinipili mo nalang umiwas sa gulo, kahit talagang badtrip ka na ha.. kumbaga iniisip mo nalang, aksaya lang to sa oras.. not worth it.. ikaw nalang mag-adjust
ilang taon ka narin depressed, at napanood mo na yata lahat ng series ng sci-fi at war historical genre sa netflix so tumigil ka na! me hangganan din ang katamaran at depress dedpress san ng mga tao.
at madaming umaasa sa yo at madami kang bayarin para magtamad tamaran at magdepress depressan! ayan tuloy ang taba mo na now, sarap kasing kumain ng kumain at uminom ng alak habang buong araw ka watch ng netflix at putlockers.. Tigil mo naya! hahaha
ang main goal now this 2021 is magkajowa ng taga Cavite, or Batangas, or 3rd & 4th district of Laguna or Antipolo or Tanay, Rizal Area or Quezon province.. at dun bumili ng small farm sa 2022 na pwedeng gawing small farm resort sa 2027.. dahil bukod sa electronics, nasa agricultura at turismo parin ang ekonomiya ng Pilipinas..
so tama na mema, work work work na!
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!