The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Monday, December 27, 2021

MUKHANG ME TAMA si bes vanessa..sablay na naman ako..- Happy New Year!

Ang Diary ng isang Licensed Manginginom sa Laguna

12.27.2021 3am
Dear Diary,

MUKHANG ME TAMA si bes vanessa..sablay na naman ako.. hahaha.. lintek para kong sinumpa pagdating sa lovelife...hahaha.. kelan ba matatapos tong sumpa na to?..
based on my records, mga june 2012 ako pinalayas ng dati kong asawa sa bahay namin.. so 9.5yrs na pala ako single at mag-isa sa buhay, matagal narin kaming annulled. me cenomar na nga ako..hehehe
.. so kung 10 yrs tong sumpa sa akin.. so bale sa june 2022 matatapos narin tong sumpa?so 6 months nalang ang bubunuin ko at matatapos narin tong sumpa nato at makakatsamba nako sa lovelife..hehehe
bilang isang lalake, na gumagana pa lahat ng amenities.. na nangangailangan ng pagmamahal din ng isang babae.. masasabi kong napakahirap ng pinagdaaanan ko the past 9.5yrs.. para akong isang high performance soldering station Hanstar Hs-150W LCD na wala namang masolder..
ako naman, if me 1 babae na sumeryoso sa akin, hindi ako lokohin, at hindi ako ikahiya..i "legal" ako kumbaga..ako ay talagang papakatino na.. kung me 1 babaeng susugal sa akin, sisiguraduhin ko hindi nya pagsisisihan yung decision na yun..sisiguraduhin ko panalo siya for life.. ipapafeel ko sa kanya na secured siya for life romantically & financially.. i work hard you know.. hehehe..
so now kumbaga, hindi ko narin dapat ilimit ang sarili ko sa certain standards or kung ano mang sasabihin din ng mga tao..wala naman sila alam sa pinagdaanan ko the past 10 years.. binata naman ako..so tama mga boss ko sa china, hindi ako dapat tumingin sa edad..dahil nga napakahirap ng humanap ng single na babae sa Pinas na 30 yo..so basta 18yo pataas legal age at masipag naman at pwede makahelp sa business, sabi sa batas, pwede ng ligawan..
wala narin yun sa kung sexy ba or maganda , or kung saan nakatira.. ang importante confirmed na single..though i admit.. i prefer provincial life.. so parang mas prefer ko manligaw if taga probinsya.. gawa ng dream ko na magkaron ng small farmland sa probinsya ala Dacha sa russia.. though wala rin siguro yun dun..
so ke 18yo yan or 99yo.. ang importante gusto mo at gusto ka rin.. at happy ka kasama yung partner mo.. at hindi ka ikakahiya na ikaw jowa nya.. me tinapos ka naman, chemical engineer ka naman, at di ka naman criminal.. if kinakahiya ka ng partner mo, palitan mo! hahaha. at wala rin yun sa tinapos ng partner mo..ke grade1 pa yan..if talagang mahal mo, ipagsisigawan mo yan sa mundo na eto jowa ko.. akin to.. walang aagaw! hahaha
kasi if mga 3 months na kayo magjowa, at nakaprivate ka parin..at di ka man lang maipost kahit 1 picture mo man lang sa fb or ig nya or mystories man lang.. aba mag-isip ka na..alam mo na bakit di ka man lang maipost kahit 1 beses.. wag kang tanga! ..sayang ang oras..hahaha. hindi masamang magmahal, pero hindi dapat mawala yung self-respect..
at kung mga 3 months na kayo at ayaw mo ipost mo siya....aba kahit sinong bobo alam na dahilan.. me jowa yang iba guaranteed 100%.. kaya humanap ka na ng iba.. hahaha
kumbaga parang yung laging sinasabi sa UPLB Beta Kappa Fraternity na " Konting Yabang.." hehehe, na inadopt ko at sa lagi ko sinasabi sa sales namin.. pano ka makakabenta nyan, if di mo ipagyayabang sa clients na low price but high performance yang soldering station Hanstar Hs-942..eh totoo naman yan..di sa pagmamayabang..
so konti nalang mag 2022 na.. mabilis na yun june 2022 na.. feel na feel ko na, makakatsamba rin ako sa lovelife sa 2022.. excited nako mawala ang curse.. for a new beginning... hahaha
sa mga katulad kong nawawalan na ng pagasa sa buhay.. dahil sa pandemic at sa lovelife.. let us embrace hope! new year, new life, new hope kumbaga.. 
 
at sayo bes Vanessa, kahit binabash moko.. hype ka! hahaha. alam ko sa sarili ko na solid friend kita.. im happy for you at mukhang happy ka na sa lovelife mo.. painom ka naman madam! hahaha
Happy New Year to all! 
 
Bes Jowa ko nga pala.. practice lang..hehehe, photo taken from Kylie Verzosa FB

 
 
--- 
  wattpad kunwari 

No comments:

Post a Comment

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope