1.17.2023 , 3pm
Dear diary,
Google- pano po makakarecover sa buhay if nilimas garnish bigla ng BIR San Pablo ang lahat ng pera mo sa bangko ng wala ka kaalam-alam?... paulet ulet ko nireview yung 2019 ITR namin, pati lahat ng invoices, korek talaga sinubmit ng bookeeper namin, walang underdelaration ng sales, lahat ng sales nakadeclared.. talagang INJUSTICE talaga.. now walang wala ka ng cash, wala ka ng pambayad ng bills at nawawalan ka na ng pag-asa sa buhay.. Birthday mo, xmas, new year, magisa ka lang sa bahay nakain ng lucky me pancit canton..
then single father ka pa, wala ka jowang nagkocomfort sa yo.. napakalungkot at napakahirap, need mo talaga maghanap ng motivation at magkocomfort.. nangyari , sa menudo ako nakahanap ng comfort, taba ko tuloy now.. hahaha
then, i saw this in youtube again- Nawalan pero nakabangon muli, Paano maka-recover sa buhay?, ito pala ang mga 5 stages.. salamat idol chinkee tan!
stage1- Denial
stage2- Anger
stage3- Bargaining
stage4- Depression
stage5- Acceptance
for now, 2 months natong struggle nato, pero nasa stage 1-2 parin ako- In Denial at ANGER! hindi ko parin matanggap na kaya gawin sa yo ng gobyerno, as we are a law abiding & tax paying entity.. lahat ng required ng BIR sinasubmit at binabayaran namin, then akala ko pag nasa bangko na yung pera mo, safe na...hindi na mananakaw.. hindi rin pala safe ang pera mo sa bangko.. langya talaga, wala talagang hustisya sa bansang ito..
hopefully, malampasan ko agad tong stages na to at makabounce back na agad.. the sooner the better at nakakahiya narin magdrama sa fb..
pinost ko lang tong online diary nato, at baka me iba pang nawawalan din ng pag-asa sa buhay.. mapanood to..
"Mawala na lahat , wag lang mawalan ng pag-asa "- Chinkee Tan Chinkee Tan
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!