The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Thursday, January 5, 2023

1.5.2022 330am Dear diary,

 

1.5.2022 330am
Dear diary,
Isang malamig at maulang gabi at madaling araw.
Salamat sa exciting na laban kaninang 6-8pm ng ginebra vs bay area sa pba. Medyo napawi ng konti ang aking kalungkutan..Napakaganda ng laban..come from behind win ng Ginebra. never say die talaga..nice game as usual ke justin brownlee at ke iskati thompson.
Sarap sana manood sa moa this sunday jan8,2023- game5. Kaso wala naman mayaya makasama. Niyayaya ko yung nakachat ko sa tinder na si Ms melissa tamayo, 28yo from tanza, cavite kaso mukhang basted pero malay mo makatsamba at pumayag..hahhaha..i find her a wife material..
Now 330am..hindi ako makatulog, sobrang lungkot..nanoood lang ulet ako paulet ulet ng palabas sa netflix ng documentaries about ke hitler at sa ww2 battle of north africa.
Then naglaro lang ako sa compu ng 90s classic na laro- Empires- Dawn of the Modern Age. Masasabi kong kahit sa pc game nato is superior ang King Tiger Tank ng germany..ito ang ginamit ko pra manalo vs United Kingdom sa game.
So food trip, netflix, then pc games..then chess then netflix ulet.. habang nag iinom magisa ng smirrnoff at san mig light...talagang kumbaga is inubos ko na mga bisyo ko now.. kasi mamaya simula 5am pinangako ko sa sarili ko na magstart ulet ako magbusiness. Hardwork na buong 2023..Babangon ulet ako..
At this time, tututukan ko narin yung sa admin at accounting side.. yung small business pala is hindi lang sales and delivery dapat tutukan..need morin tutukan yang mga related sa bir kasi yang mga taga bir ang pinaka power tripping na entity sa lahat..kayang kaya ka ibaon sa hukay sa kung ano anong penalty pag di mo natutukan..
Napakalungkot ng buhay ko now.. ubos na ang pera ko sa bangko kasi nilimas na nga nga bir san pablo...then me kulang pa daw 1Million sa penalty..hanep talaga..napakasaklap..then eto magisa lang ako sa bed ko..malamig at maulan sa labas..pero nag aircon parin ako..kaya ramdam na ramdam ko ang lamig at kalungkutan.
Need ko na talaga ng isang babae sa buhay.. ito siguro talaga ang perfect time para humanap ng gf.. kasi down na down ka..kung sinong babae tatanggap sa yo now na down ka at wala kang pangregalo na iphone at nagsisimula ka ulet is yun ang dapat mong mahalin for the rest of your life..
masasabi ko na if me babaeng mamahalin ako now at susugal sa akin kahit na walang wala ako at nasa lugmok na situation gawa ng BIR..masasabi kong hindi siya nagkamali ng decision at magiging winner siya aa pagpili sa akin..plano ko na magpakaloyal at magpakatino sa buhay..
Wala man akong cash now, pero confident ako mkakabangon ako..konting sipag lang ulet at focus. Ang importante yung knowledge at experience..yung puhunan ulet sa pagsisimula is nagcommit sa akin ang aking nanay na papautangin ako. Napakaswerte ko me nanay ako na willing ako pautangin. Kaya mas need ko ayusin ang small business kasi ang utang is utang na need bayaran.
Kaya now, napapadasal talaga ako..Lord bigyan mo naman po ako ng isang sexying chicks dyan na mamamahalin na pwede pakasalan someday prA me makakayakap ako sa ganitong napakalamig at maulan na gabi..please Lord, papakatino na po ako.. amen.

No comments:

Post a Comment

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope