The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Tuesday, April 11, 2023

4.11.2023 9pm 'REBRAND' -

 4.11.2023
9pm 'REBRAND' - last mema for april 2023 kasi medyo madami na need asikasuhin..

Dear diary

Medyo dumaan tayo sa lowest point in life ng nakaraan 2022 so medyo nagrerebrand na tayo.. hindi na tayo ganon kabait..if masyado ka mabait kakaya kayanin ka nalang ng mundo..pagtatawanan ka..kahit mga empleyado mo hindi takot malate at magpetiks kasi mabait ka. Nag oonline games kahit sa harapan mo at oras ng work.. Mga kausap mo mga kakakaya kayanin ka lang..

Kahit nga kabet ng empleyado mo dati na lagi mo nililibre, aaway awayin at tatakutin ka pa sa isang maliit na bagay lang, its because sobrang bait mo..you are preceived as weak. Hindi ka kasi nalaban.

kahit nga mga babae itetake for granted ka lang.. hindi ka seseryosohin kasi masyado ka mabait..lagi ka iindianin , paaasahin at igogohost then paparamdam nalang ulet pag need ka..napakasakit kaya ng maindian lalo na maayos usapan ng oras at araw at nag iintay ka sa wala.hahaha. Hindi rin takot jowa mo dati na lumandi sa iba kasi alam nila mabait ka at hindi ka gagawa ng gulo kahit pa mabuko mo na me 3rd party. So lalo ka kawawa sa lovelife.

Kahit nga mga yayang spoiled na spoiled na..bigla ka nalang lalayasan at bored daw sila sa bahay at walang ginagawa kasi di mo inuutusan. Madumi bahay , Kasi hindi sila takot sa yo. Ako nga lang yata yung amo na sinusungitan ng mga yaya..hahaha..Dahil mabait ka masyado.

Gets ko mapagalitan ng mga clients, or ng mga boss or suppliers natin or mga financiers natin na me utang tayo.. specially if sa tingin nila nagpapabaya ka sa work or delayed sa delivery at late ka mareply.. tanggap ko yun na mapagalitan ako mg mga cliients at bosses..hindi ako nalaban, tinatanggap ko lahat ng masasakit na salita kasi its work. Then mas inaaayos ko ang work ko..

Need mo accept ang galit ng mga clients at boss mo sayo kasi sila ang bumubuhay sa yo..realtalk lang..

Pro if sa iba..sasabihan ka ng di magamda dahil hindi ka lang nakareply agad sa chat or hindi nagawa yung gusto nila. medyo hindi na tama.. dahil.nga mabait ka. they perceived you as weakling. If sinisigaw sigawan din sa harap mo yung nanay mo or anak mo, dahil mabait ka.

Dami rin lagi nautang sa yo na hindi mo naman din kilala, at wala ka talaga balak bayaran ka kasi mabait ka..then pag talikod mo sabihan ka pa uto-uto...Bob Malabanan pre nasan na yung 10K pre?hahaha. Tindi pa ng effort ko non,.maiabot lang 10k cash. tinarget ka lang talaga utangan pero ang totoo scam siya kasi alam na mabait ka at di ka maniningill kasi mabait ka. Lahat pala sa avida cerise inutangan ng 10k ni bob..hanep then makikita mo sa fb pastor na now..hehehe..

Mabait talaga ako dati..hindi dahil sa uto uto ako..kundi dahil sa i just dont care. Because i dont care much of the money, because hindi naman tayo kinukulang dati. Pero iba na situation now.. galing tayo sa pandemic, nadale tayo ng bir, start from the bottom ulet tayo financially.. so stress tayo..pressured tayo..hahaha..

so dapat hindi na tayo muna mabait.. naisip ko nga now tsaka nako ulet magiging mabait pag me 100,000 USD nako..kaya Lord beke nemen po pengeng 100k usd at akoy magiging mabait po ulet..kasi maiisip mo pag me oks ka financially..,sayang lang oras makipag argue. kahit pa sigaw sigawan ka or away awayin ka sa chat or phone ng kung sino man dyan or uto utoin ka oks lang..carry lang. Kasi happy ka eh me pera ka..bat ka pa makikipag argue? Then pag me need gawin, ang daling iutos sa iba or gawin. Kasi me budget ka. so siguro need ko ng 100,000 USD liquid cash pra maging mabait ulet.. me 200 USD nako now so kulang nlang ng 99,800 usd..hahaha

So from mabait or gentleman.., rebrand muna tayo as 'masunget or suplado' or 'masama ugali' or 'sira ulo' or 'bad boy' muna.. hehehe..pra at least irespeto rin tayo at katakutan..hahaha

Pero pansin mo rin ba? Mas bet pa nga ng mga babae yung mga 'bad boys' at hindi nila to basta maiwan iwan kasi baka magkagulo..hindi katulad pag mabait ka, ang dali mo iwanan at ighost..hahaha

So gaya ni liza soberano, at willie revillame, pati daw eat bulaga(?)..rebrand muna tayo pra tayo makasurvive..

Soldering Soldering

No comments:

Post a Comment

hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope