11.14.2023 130am CASH FLOW
dearest google,
nakapalungkot sobra...ang lamig pa.. ang hirap pag wala ka jowa, at single ka, ramdam mo talaga lungkot now.. so tinapos ko na agad yung mga labahin ko.. at nagcheck nalang ako ng cash flow ko.. bukas ko nalang ituloy ang mga labahin.. pero after ko tapusin yung paglalaba, lalo ko naramdaman yung lungkot sobra..
importante yung cash flow sa buhay ng tao.. ewan ko, before ako madale ng BIR last year at masaid ang savings ko last pandemic, rich kid ako.. kahit lagi akong lasing, at lagi ako nagastos sa paghahanap lovelife dati in the past 11 years. nakakaipon ako dati before pandemic, kahit lagi nga ako lasing at brokenhearted... kasi alam mo bakit? kasi lagi ko minomonitor yung cash flow ko..
hays 11 years na pala akong single at lonely boy..
nirerecord ko lahat, hanggang sa kahuhulihang 1 dollar,dapat alam mo saan napunta ang pera mo, irecord mo expenses mo..nirerecord ko din lahat ng utang ko, at lahat din syempre ng collectibles at papasok na pera sa account mo. lahat nakarecord talaga, then make sure na yung gagastusin mo is below sa kinita mo. ang susi lang naman tlaga para ka umunlad is live below your means
sabi nga nila, "You Can’t Manage What You Don’t Measure". and you cannot measure it if you will not record it! so para manage mo ang buhay at cash flow mo, irecord mo yan! google mo nalng yung cash flow kung paano yun.. pero ako minomonitor at nirerecord ko siya with excel..
itanong moko kung ano binayaran ko sa credit card nung nov.1 ,2013 or 10 years ago? alam ko yan! sa 1 control F lang..
1-Nov-2013 CREDIT CARD-MABUHAY- SEP13 to OCT12 PD ₱6,757.07
itanong moko ,magkano pumasok sa cashflow ko 10 yrs ago, alam ko yan! hahahah (naks nakabenta pala ako magnifier non sa warehouse ng century tuna sa me bicutan, para saan kaya yang magnifying lamp nayan gagamitin?)
14-Nov-2013 L-955 CENTURY CANNING PD ₱8,729.04
tanungin moko kung magkano total na pera ko sa bangko or atm 15yrs ago or nung 2008? alam ko yan! 11,000 pesoses lang pala pera ko dati nung 2008.. pano ko nasurvive yun?
so dapat irecord mo lahat talaga.
so halimbawa, kumita ka ng 1,000 dollars Net per month, kahit ba magwaldas ka ng 900 dollars dyan sa chicks na mahal na mahal mo per month, oks lang yun! then me masave kang 100 USD or mainvest mo sa real estate or pagkuha ng mga hulugang bahay.
ang mahirap, for example kumita ka nga ng mas malake like 2,000 USD kinita mo, pero nagwaldas ka naman 2,100 USD sa kung ano pa man like kotse or bisyo or sa chicks mo.. dun ka mababaon..
Cash INFLOW = papasok na pera/ income/sales/etc
Cash OUTFLOW= palabas na pera/ expenses/payables/etc
so dapat mas malaki yung INFLOW kesa OUTFLOW pra positive cash flow ka..
pero alam mo google, siguro ang expenses na hindi mo dapat panghinayangan is yung pagtravel.. kasi at the end of the day, we are all memories.. siguro kahit gumastos ka ng 2,000 USD pra lang makapagtravel sa 1 destination na gusto mo, its ok! pero be sure na kumita ka ng 2,100 USD sa month na yun.. kasi nga its all about cash flow..
for now, medyo unti-unti narin ako nakakarecover kahit papano..salamat sa mga tumulong sa akin this year. pero need ko parin magbenta ng property pra lalo maresurrect ang aking cash flow at makapagpaship ng madaming soldering tools..
so now, kahit makapagNet at makaipon lang ako kahit 1000 USD lang per month.. oks nako.. ang importante is live beyond your means.. so tyaga tyaga nalang sa ke ela, ang aking elantra 2013.. kahit medyo nababash nako sa aking lumang kotse, oks lang, mas comfortable ako na luma kotse ko, pero yung cash flow ko mas matatag.. if bago kasi kotse, so magmomonthly ka dun mga 500usd/month, medyo malaking effect sa cashflow..
GUSTO MO BA Umayos ang buhay mo? iayos mo ang cashflow mo.. kahit mangbabae ka pa ng mambabae oks lng, kahit pa gumastos ka sa mga gusto mo (aanuhin mo naman ang pera if hindi mo gagastusin..kung saan ka masaya, gastusan mo!) so oks lang yan..hahaha, basta kaya ng cashflow mo..
ako kasi masaya ako pag me kayakap ako... hahaha..kahit pa gastusan ko yunh kayakap ko..basta mahal ko at wife material..
so now, kahit talagang nalugmok at naghirap ako nakaraan dahil sa Bir problem at nalimos ang savings ko last pandemic (sino ba ang hindi?) , so now, medyo umookey nako, pero talagang tinitiis ko now na stay single kasi magastos manligaw! hahahah, pra yung cash flow basta positive cashflow dapat, kahit 1 USD pa yan per month, basta positive!
gaya nga ng sabi ni boss RSA -ramon s. ang
“Recurring and steady cash flows,” Ang says, leaning forward, “That’s the secret. That was my learning curve.”