The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Sunday, November 12, 2023

11.12.2023 1230am Sobrang Lungkot, maglaba laba nalang..

 

 

11.12.2023 1230am Sobrang Lungkot, maglaba laba nalang..
dear diary,

medyo malakas yung ulan, sobrang lungkot magisa, at napanood ko na yata lahat ng palabas sa netflix..

so naglaba nalang ako at naglinis ng house.. medyo challenging lang maglaba ng mga comforter kahit pa sabihin na me washing machine ka. lahat nilabahan ko until maubusan ako ng detergent powder.. before, bumili ako sa merrry mart ng 1 sack ng Ariel detergent powder kasi 15% discount pag wholesale.

Sa Merrymart ka din makakabili ng 20 pesos per Kg na bigas, but me cap na 50Kg or 1 sako, kaya napapailing nalang ako pag sinasabi ng iba kung saan ba makakabili ng 20 pesos na bigas? sa Merrymart po meron..

so bilang father, at walang yaya, nilabhan ko lahat ng maduming damit ng mga anak ko, pra pagbalik nila sa monday oks na.. ayaw ng panganay ko mag uniform sa Senior high, kasi daw maikli yung palda,hahaha, so mas gusto nya maong pants lang at white Tshirt as uniform..

malaking help yung Adidas buy 1 take 1 sa me Slex, yun ang binili ko sa anak ko na white Tshirt, oks yung adidas shirt climacool ba yun? basta yung pang running na white shirt, kasi ang daling labhan, tuyo agad kahit maulan, at no need na planstahin

alam mo diary, medyo hate ko ng konti maghugas ng pinggan kasi ubos ang oras mo, so puro disposable usually gamit namin sa bahay, lalo na pag ako lang magisa.. pero yung paglalaba, medyo oks sa akin,

pag naglalaba ka kasi , medyo narerefresh utak mo, hindi mo naiisip yung mga problema mo sa buhay,, hindi mo naiiisip na lonelyboy ka.. ang iniisip mo lang is maglaba..

medyo ang ubos lang yung oras mo is yung pagsasampay...hahaha

kaya dapat lang talaga kung me yaya or kasambahay ka na naglalaba pra sa inyo, medyo dapat alagaan mo at ispoiled mo, hahaha. sana makahanap na ng yaya, 8k per month, magaan lang ang work, 1-2days RD per week depends sa usapan, at 13th month pay. at sss, philhealth

No comments:

Post a Comment

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope