6.11.2026 #onlinediary
for the record, sobrang nagsisisi ako at nagsmall business ako.. dapat nakinig ako ke kuya andy noon na wag magbusiness at magemplyeado nalang.. or Nag-abroad nalang..
pag nagsmall business ka kasi sa Pinas, talagang kahit lugi ka na, ibabaon ka pa ng husto ng BIR at LGU sa dami ng mga penalty... sirang sira talaga ang buhay mo.,. imbes na makabangon
then pag kumita business mo, dyan na darating yung mga Audit LOA ng BIR hahanapan ka na ng butas.. Dun na magstart ang kalbaryo mo sa buhay
Then yung oras mo, imbes na makapagfocus ka sa sales, sobrang dami need icomply na govt agencies kahit 1 or 2 lang empleado.. Wala ka ng time sa sarili mo.. Yung lovelife mo sure na affected yan..
Though medyo me nakikitang pagasa now, gawa ng CREATE at Ease of Doing business na inistart ni Digong na buti tinuloy ni BBM, medyo gumaan ng konti mga filing.. at malaking help yung ORUS ng BIR at Maya app.. Pero still ganon parin, mahirap parin magbusiness sa taas ng mga expenses...at sa sobrang dami ng compliance
Again sobrang sising sisi ako , if i can bring back the time, hindi ako dapat namotivate ng mga nabasa kong mga business books nung early 2000s... Oks sana ako now, If hindi ako nagsmall business, malamang nasa top management ako now ng isang big company.
Pag pumasok ka kasi sa small business, para ka ng sumali sa isang sindikato.. hindi ka na makakaalis or sobrang napakahirap umalis, kasi addictive din yung small business, kasi buong life mo inalay mo dyan sa small business mo..
Pag nagstart ka na magsmall business, iready mo na magiging Gatasan ka ng gobyerno.. then remember, only 1 out 10 small business survived in 5 years, at 1/20 ng small business ang nagsusurvive after 10 years...
IF you have a nice stable job now & you are thinking now of starting your own small business, Think about it 100x. Sayang yang pera mo.. Makikita mo naman yan.. hindi ka pa kumikita, ginagatasan ka na.. Kaya parang Astig yung ginawa sa Binan City na free yung Business Permit if 1st time application..
Dapat ganon gawin sa lahat ng bayan at cities.
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!