grabe yung price ng Tin now sa global market, this 2026 it is almost 3,200 pesos per Kg..
95-99% kasi ng solder ay Tin..
Pero bukod sa pagsosolder or paghihinang, ang no.1 application ng Tin is para sa mga de lata, at ang no.1 dyan is lata ng sardinas at corned beef..
Kasi lagi sinasabi ng mga manufacturer ng sardinas, na kaya nagmamahal ang sardinas is gawa ng presyo ng lata (Tin) is nagmamahal ( buti pa sardinas, nagmamahal.. sana all)
so out of curiousity, naparesearch ako, ilang percent ba ng lata ng sardinas (empty can) yung actually tin (Sn)? ang lumabas ay 1% lang pala... so yung lata ng sardinas is actually 99% steel at me 1% coating lang ng Tin pra hindi kalawangin agad..
so based dun sa computation ni chatgpt at google Ai, ang actual cost ng lata ng sardinas is nasa 83 centavos to 1 pesos.. so kung ang presyo ng sardinas now is Php22 to php30, 1 peso dun is dahil sa lata..
kaya siguro mas mura yung mga sardinas na nakapouch lang, kaso me risk na madurog yung sardinas sa loob.. ehhehe
if for example ang 25 pesos ang grocery price ng sardinas, so ang wholesale price nyan is mga nasa 20 pesos, so ang manufacturing cost nyan is nasa around 15 pesos? so medyo significant nga yung 1 peso cost of Tin sa isang lata ng sardinas.. kasi 1/15 = about 7%
pero not that significant na itataas mo yung presyo ng sardinas dahil ang excuse mo ay mataas ang presyo ng Tin or lata sa global market...
---
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!