The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Monday, August 23, 2021

Aug23, 2021 monday night self motivation

 

Aug23, 2021 monday night self motivation:
sa lovelife, wala ng pagasa..tagal mo ng nalaban pero lagi ng talo.. so magretire ka nalang gaya ni manny pacquiao..then intayin mo nalang siguro na me makilala kang ala sanya lopez..pra mag unretire ka, para laban ulit as your one last big fight..
pro sa career, bilang distributor ng soldering iron at microscopes, mukhang now ka palang nagsisimula.. yung experienced mo the last 17yrs as salesman ang puhunan mo.. mukhang malayo pa mararating mo bhoy! 43 yo ka palang! so maliban sa katabaan at pimples, you are in perfectly good health condition!, health is wealth remember?
so broke ka man now at me pinagdadaanan, sino ba ang hindi broke sa panahon now? yung pandemic is like war, it is a leveling field..
tandaan mo si Colonel Sanders founded KFC at age of 65, & Ray Kroc is 52 when he started the 1st franchise of McDonalds.
gawin moring model yung founder ng Jolibee, si Tony Tan Caktiong, graduate din yung ng Chemical Engineering, pero mas passion magtinda ng burger...kaya siguro succesful yung Jolibee kasi Chemical Engr si Tony.. kasi madaming application ang chem eng sa jolibi..so ganon karin, pero solder ang destiny mong ibenta..
need mo imotivate ang sarili mo regarding your business.. kasi wala naman ibang magmomotivate sa yo kundi sarili mo lang..wala kang asawa or partner remember? isa kang malaking loser sa larangan ng pagibig, so wag ka ng umasa pa na me 1 babaeng magmomotivate sayo..awit! huhuhu
pag medyo talagang sinusumpong ka na naman ng katamaran, isipin mo nalng sigurong motivation yung meralco bills, credit card bills, home mortage bills, at plano mong auto loan.. at yung main goal na mini farm resort sa batangas.. hahaha
isipin mo yung mga natutunan mo ng pinanood mo ulit sa netflix yung "The Founder" , so bangon na at work work work..
"Nothing in the world can take the place of persistence. Talent will not; nothing is more common than unsuccessful men with talent. Genius will not; unrewarded genius is almost a proverb. Education will not; the world is full of educated derelicts. Persistence and determination alone are omnipotent." - Ray Kroc

Saturday, August 21, 2021

Converge Fiber Internet plan

 

 

35 mbps P1500 po per month... then yung router po P2500= installment po P125 per month for the total of 1625 per month for the 1st 20 months, then it will be P1500 per month

Aug21, 2021saturday nite life self-examination

 Aug21, 2021saturday nite life self-examination

“An unexamined life is not worth living” – Socrates
as a salesman, rejections are part of our daily lives.. so kung lagi ka narereject sa lovelife.. kahit pogi ka naman, hahaha, isipin mo nalang salesman ka.. hahaha.. hindi bat yung most favorite client mo now is 3 years ka rin nirereject bago ka napansin, at now 7 years & going strong ka dun most favorite client mo na isa sa pinakamalaking factory sa Pinas.. kahit maliit lang ang PO nila sa yo per month, at least regular..
isipin mo yung 3 years ka quote ng quote, 3yrs ka work ng work sa mga gusto nila, pero ni piso di naman naorder.. kumbaga is 3 years kang basted ng basted.. hahaha, pero ng umorder na ng ilang pirasong tweezers sa halos 1/3 price lang ng dati nilang supplier at ang quality maganda rin..at nadeliver mo agad the same day.. aba.. yun na ang start
so part talaga ng buhay mo ang mareject, part ng buhay mo ang mabasted..
as sales engineers, we combine our technical background as engineers with our selling skills to persuade our clients to buy our products
as distributor, we have the responsibility to make our principals (aka our bosses) happy by selling the products they produce to the end users. nandyan ang mga resellers natin to help us.
medyo ang hirap ng buhay now..mahirap magbusiness now..madaming factory na nagsasara.. nawawalan tayo ng mga clients.. hindi na tayo nababayaran,..huhuhu
plus yung walang katapusang red tape sa gobyerno to comply to their requirements. now i see, hindi mataas na electricity cost ang cause bakit konti nag iinvest sa atin.. RED TAPE sa gobyerno ang main cause bakit tayo napag iiwanan ng vietnam, indonesia, malaysia, taiwan.. pag me RED TAPE, syempre nandyan ang korupsyon dun to the lowest level..
malimit parang nawawalan ka narin ng pagasa sa buhay.. pero lahat naman ng tao now me pinagdadaanan.. sino ba wala?
so kung basted or sablay ka man lagi sa lovelife now.. masakit talaga yun,, at medyo struggle magbusiness now gawa ng present situation.
still, wala ka karapatang sumuko.. madaming umaasa sa yo.. fight lang, makikita morin yang Jessy Mendiola na magiging forever mo at maaayos din yan mga challenge sa business.. lower cost at high quality yang mga soldering products at mircoscopes na binebenta mo.. so tiwala lang.. makakaquota ka rin starting january next year..
gawin mo, manahimik ka nalang muna this Aug21-Sept30.. self imposed Lockdown muna.. Blackout Strictest Totally Tanginang Lockdown.. 1month manahimik sa isang tabi..
then maghanap ka muna ng maayos na lovelife starting sthis October1..mas importe na makapag asawa ka muna at makapag settle down as family man.. then tsaka ka magpayaman nex year.. hahaha,, aanohin mo naman ang pera if wala ka naman kasama sa buhay? ano yan mag-aalaga ka nalang din ng aso? eh takot ka sa rabies at tamad ka maglinis ng shit ng aso,.hahaha
sundin mo ang mga bosses/suppliers mo ng soldering tools sa China at indonesia..humanap ka ng young wife from the province.. yung fertile pra mabigyan ka ng anak agad.. hahaha,, yung masipag at energetic pra makahelp sa pagpapalago ng business..
if hindi mo susundin ang mga boss mo, mawawalan ka ng financiers.. mawawalan ka ng soldering tools na ibebenta sa mga factory clients, yari ka, wala ka pambayad ng meralco.. hahaha
gawin mo now, lie low muna sa business this year... tutal hirap din naman talaga magbusiness now. maghasa muna ng mga tools, ayusin mga systema.. 1 step backward..then 2 steps forward, bawi nalang next year starting january 2022..
medyo broke ka na now, kasi tagal magbayad ng mga clients, yung iba nga ayaw ng magbayad at magsasara na daw sila.. then daming expenses.. syempre kahit walang sales, tuloy ang sweldo ng mga tao at renta sa shop at panay dating parin ng mga shipments ng soldering tools di ka mapahiya sa delivery sa mga clients..
yun ang kagandahan pag mapagkakatiwalaan ka sa pera..isang skype at email mo lang sa mga suppliers abroad, papadala agad sa yo yung items, kahit na wala pang bayad.. yan kasi yung Guanxi. kasi alam ng mga boss mo, ireremit mo yung pera pag nagbayad na clients.. at pag kahit hindi nagbayad ang clients, kukunin mo sa sarili mong bulsa yung pambayad sa items na pinadala nila..
para hindi masira yang Guanxi.. Guaxi is parang facecard mo yan.. imbes na credit card pambayad mo.. mukha mo yang pambayad mo..
so gawin mo umutang nalang muna ulit sa rich mother mo at sa BPI this December.. pra January 2022 next year na medyo okei na situation, oks na vaccination, well capitalized ka na..well funded ka,, wag ka mahiyang umutang tutal marunong ka naman magbayad..
dahil ang motto mo sa buhay ay- Honor, Duty, Obligation
still, ang main goal in life mo now, at ipagdasal mo now is magka asawa ng kasing ganda ni Jessy Mendiola (syempre hihinge ka rin lang ke Lord ng favor, gandahan mo na yun hihingein mong pabor, hahaha) at magkaron ng sarili mong mini farm resort by 2023-2025, parang mini version ng san benito farm resort sa lipa batangas..

Wednesday, August 18, 2021

ewan ko lang,

 

ewan ko lang, dito ka lang sa pinas makakita ng mga babae na nakashorts shorts pero nakacycling..sa hongkong nakita ko, halos lahat ng girls nakashorts shorts pro wala naman nakacycling..hehehe
dapat imbestigahan to ng mga senador in aid of legislation!

Ms. Rhian Ramos at San Benito Farm at Lipa City, Batangas

 









Photos taken from IG:

whianwamos

#AbolishPartylist #ABOLISHSENATE

 

        DUMPER Partylist Rep. Claudine Bautista (Photos from Michael Cinco Couture’s Facebook)

tagal natong sinasabi ng mga tao.. iabolished na natin yang Partylist system na yan.. front lang yan ng mga NPA at mga mayayamang politiko na hindi manalo nalo sa eleksyon.. pabigat pa yan ng husto sa mga katulad nating taxpayers...
pati Senate, iabolish narin natin, para tipid na tayo, mabilis pa ang proseso ng legislatura, mabilis mabago batas pra makaadapt sa mabilis na pagbabago ng panahon.. mabilis ang pag unlad natin, tipid pa!
mangyayari, magpafile ng bill sa lower house, then ipapasa sa lower house, then papafile ng bill sa upper house (senate), then bago pa makapasa ulit.. then magkoconvene pa yung dalawang house pra iintegrate sa isang bill, napakahaba ng proseso.. at napakagastos.. then tsaka palang iveveto or approve ng president..

Friday, August 13, 2021

Lacoste daw


 
biktima na naman ng japeks.. pag sa fb ads talaga pag damit japeks..sa ads kasi, original Lacoste daw from france..tapos now pagkita mo from tokyo japan pa daw pro halatang japeks ..hays..sayang 1.7K ko.hahaha ..since 2006 pa kami online seller s sulit.com.ph pa non, then sa fb, sa lazada, etc..pro wala pa kami niloko kahit isang online buyer.. kaya di ko gets pano nakakaya ng iba manloko sa kapwa..tapon ko nalang tong tang inang japeks nato or gawing basahan.. hahaha
or siguro maisuot nalang pag kumain ng goto or pares sa madaling araw..hahaha
pinost ko to pra di na makapambiktima ng iba

 

#acceptance

Sarap pala sa feeling pag naaccept mo na wala ka talaga pagasa sa lovelife.. na di ka jowable..na talagang ang silbi mo sa mundo is para magwork work work.. hehehe. pra ka narin nakalaya sa kulungan na ikaw mismo ang gumawa..
then now, lahat ng tao me pinagdadaanan, so sabi mo sa sarili mo, jabonga jabonga wag ka ng dumagdag pa! so its about time na palayain mo na sarili mo!
nagsawa ka na mamalimos ng konting pagmamahal at oras..naisip mo, bat ganon, pogi naman ako (pagbigyan nyo na,hehehe), loyal, lahat ng gusto binibigay.. i dont deserve this.. so palayain ang sarili.. so its like a breath of fresh air..
its like.. ok, im single, then i'll just be happy about it..

Thursday, August 12, 2021

Goal in Life..


Aug12, 2022 online diary
-ibenta mo na lahat ng kaya mo ibenta.. pati bayag mo ibenta mo narin kung me bibili...hahaha. isolder mo na lahat ng isolder, lunurin mo ang sarili sa work5x.. magpakumbaba ka lagi kahit pa minsan naiinis ka na sa takbo ng redtape sa gobyerno at developer na talaga namang balakid sa pag-unlad..magcomply ka nalang, pra tapos ang usapan at hindi ka mawala sa focus sa mas mahalagang bagay sa buhay mo.
umiwas ka na sa mga bagay na mag-aaksaya lang ng oras mo, gaya ng mga usaping politika, at pag sa tingin mo ay syunga or abusado yung ibang tao sa lipunan kagaya ng mga politiko at mga kotong traffic enforcers, ikaw nalang ang mag-adust..
pilitin mong umiwas sa gulo, at ikaw nalang mag-adjust, katulad nitong kung sino mang kapitbahay na 2 weeks na nasa harap ng bahay mo yung black innova na nakakaabala na talaga, malamang dedo na battery nitong innova nato, 2 weeks na halos nakatambak ba naman dito, abala na.. at tong isa pang old school corolla na sobrang ingay ng makina (palitan mo na sir yan ng timing belt) , gising ka talaga pag nagpark sa harap mo.. ginawa na nila talaga regular na parkingan yung harap ng bahay..huhuhu
pro habang tumatanda ka talaga, mas pinipili mo nalang umiwas sa gulo, kahit talagang badtrip ka na ha.. kumbaga iniisip mo nalang, aksaya lang to sa oras.. not worth it.. ikaw nalang mag-adjust
ilang taon ka narin depressed, at napanood mo na yata lahat ng series ng sci-fi at war historical genre sa netflix so tumigil ka na! me hangganan din ang katamaran at depress dedpress san ng mga tao.
at madaming umaasa sa yo at madami kang bayarin para magtamad tamaran at magdepress depressan! ayan tuloy ang taba mo na now, sarap kasing kumain ng kumain at uminom ng alak habang buong araw ka watch ng netflix at putlockers.. Tigil mo naya! hahaha
ang main goal now this 2021 is magkajowa ng taga Cavite, or Batangas, or 3rd & 4th district of Laguna or Antipolo or Tanay, Rizal Area or Quezon province.. at dun bumili ng small farm sa 2022 na pwedeng gawing small farm resort sa 2027.. dahil bukod sa electronics, nasa agricultura at turismo parin ang ekonomiya ng Pilipinas..
so tama na mema, work work work na!

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope