The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Thursday, August 10, 2023

after 12 years sa youtube, me 35 subscribers na kami sa youtube channel..

8.10.2023 1pm
dear diary,
after 12 years sa youtube, me 35 subscribers na kami sa youtube channel -
need nalang ng 65 subscribers oks na, 100 subsribers na.. searchable na sa youtube, pwede na magpromote ng items, nagawa ko na work ko..
need nalang makisuyo pa sa mga iba pang kamag-anak at friends pra makalikom pa ng 65 new subsribers then pwede na siguro maginom at magcelebrate yung Soldering Team.. hahahaha
usually yung Soldering Team dati pag quota sa sales,, we celebrate sa me Bevitore Santa Rosa, kasi ito yung malapit sa shop, or sa Kaysan Santa Rosa pag Labor Day kasi ito yung malapit sa lahat, or pag naglambing si boss marge ( wala nako magawa pag ito nagsabi kahit wala ako hilig talaga sa mga club), na sa Lady of the Night Mega Disco tayo sa Binan or sa katabing Karibien, pwede rin sa Rodway or sa katabing Garahe..pra mas malapit, hehehe.
so 65 subscribers nalang ,lalabas nako sa lungga ko.. pwede na siguro maginom, hahahaha
kaso yung main boss ko sa China, mas preferred na magtiktok kami.. kasi hindi maopen usually yung youtube sa China.. medyo nasa 2M na yung utang ko sa Soldering Boss ko sa Hanstar Soldering tools gawa nga ng nadistrup yung business nung pandemic.. then nadale pa ng BIR yung bank accounts.. broke na broke talaga ako dati at walang pambayad ng items, pero tuloy tuloy parin shipments.. pra hindi mawalan ng clients.
whats on my mind Soldering? - if me utang ka sa boss mo na 2M pesoses at pinagtitiktok ka.. me choice ka ba pra tumanggi?? kaso tanong ko sa sarili ko, pano ba magtiktok???????
parang nalalaswaan kasi ako sa tiktok, medyo conservative kasi ako at hindi sanay sa mga nasayaw sayaw na nakabikini.. hahaha

Wednesday, August 2, 2023

stop self pity

 

i need to stop this self-pity. medyo nakakahiya na sa ibang tao.. mas marami now na mas matindi pinagdadaanan now..
ako problema ko lang naman sa buhay now is yung sobrang kalungkutan dahil wala akong jowang kayakap sa gabi at problema sa BIR na nagpahirap sa akin at naging dahilan ng pagiging broke ko now, bukod dun at sa pagiging obese sobgrang taba ko now wala na ko iba pang problema sa buhay so dapat stop natong self-pity nato at bumangon na..
need ko narin talaga makamoveon sa yo jeneva, minahal kita ng 5yrs pero ayun nagpabuntis ka sa iba.. pro goodluck nalang sa yo..

hirap ng walang asawa

 

8.1.2026 10pm
dear diary,
hirap ng walang asawa,, wala ka makain lagi.. nakakasawa narin pafood panda at nagtitipid din, araw araw nalang food panda, magastos na siya.. sawang sawa narin ako sa tuna, cornbeef, sardinas, pancit canton at noodles..chippy, piatos, boy super bawang nakakasawa narin.. pano ko kaya talaga magagawan ng solution tong problema nato... hayss

Sunday, July 30, 2023

MCDO & SAN MIG LIGHT, which is healthier?

 

7.30.2023
200.8 lb
dear diary,
i feel dizzy now, nahihilo ako now, maybe because ang taba ko now.
1 week lang na hindi nag-inom ng san mig light, eto resulta.. pag nag iinom ka kasi ng san mig light, 100 cal tong to, maka 6 san mig light ka, solved ka na, so 600 cal lang to, then full of Vitamins , then sleep na at wala ka ng gana kumain kasi puno na tyan mo..
if hindi ka mag iinom, mapapafood trip ka ng husto, drive thru or padeliver ng food panda. or luto ng hakdog /pancit canton dahil depressed ka at brokenhearted, sa foods ka hahanap ng comfort. kain ka tuloy ng kain.. habang nood ng netlix
now gets ko na, 1 quarter pounder meal has 1050 cal, then sasamahan mo pa ng 2pc mushroom pepper steak with rice (about 550 cal).. = 1600 cal agad !!!!!!!!!!!!!! T@#)$$_%a
1 pack of 80g pancit canton has 360cal, so x 2 packs= 720cal agad +80 cal of 1 egg +100 cal of 1 can of tuna= hahaha, then syempre magkakape ka ng 3-in-1 coffee mo, so 100 cal yun.. so 1000 cal agad isang kainan ng pancit canton with 3in1 coffee...
syempre hindi ka satisfied dyan, after mga 1-2 hrs babanat ka naman ng ice cream at chippy. so -
There are 289 calories in 1 cup of Vanilla Ice Creams.
if 3 cups ice cream + chippy= more than 600 cal na yun..
so yung 3 small cups mo ng ice cream= katumbas pala non is 6 na beer ng san mig light.. hahahahaha
now i know bakit ako tumaba ng husto, because i stop drinking..
i hate drugs, i hate yosi & vape, i dont do gambling, hindi rin ako nambababae, hindi rin ako adik sa ML or online games, hindi rin ako adik sa gadgets.. hindi ako adik sa celfon, wala akong bisyo sa buhay, so SMB lang talaga libangan ko sa buhay, now gets ko na bat ako tumaba...
conclusion= go back to the old ways na drink San Mig Light after work before sleeping, pra hindi tumaba.. pra healthy,..
pero siguro ang the best is yung San Mig Zero kasi 60 calories lang to.. pero if walang San Mig Zero, San Mig light at 100cal is perfectly fine..
-----
Beer has high levels of B vitamins, particularly folic acid, which is believed to help prevent heart attacks. It contains vitamins B1, B2, B6, and B12. Experts say that beer drinkers had a 30 percent higher level of B6 than their non-drinking counterparts. (google)
How many calories are in a Quarter Pounder meal?
Quarter Pounder®* with Cheese Meal | McDonald's
1050 Cal. Refuel with a Quarter Pounder® with Cheese made with fresh beef*

Thursday, July 27, 2023

Wednesday, July 26, 2023

Sampaguita..

 

7.25.2023

Dear diary, 10pm
After a hard day's work, i drank so i can sleep so im drunk now while reading the news.. about this sona sona thing..
I might get bashed with this post, but i can't help it...so im sorry in advance.. naisip ko lang ang buhay talaga is parang gulong..umiikot..minsan nasa baba, minsan nasa taas..
While Binan & Santa Rosa are now busy producing Toyotas, Hyundai, Mitsubishis & other high tech industries, The politicians from San Pedro are promoting sampaguita in sona fashion show...so naiisip ko now, parang napag iiwanan na yata ang San pedro???
Becoz its politicians' program is always sampaguita sampaguita..puro sampaguita..Maybe they should like build a BPO zones or more commercial districts because they are almost part of metro manila
Dont judge me, I love sampaguita..i planted it in my own backyard but you cannot fight progress..Maybe before, it suits San Pedro..but now sampaguita maybe is more suitable in more agricultural areas. San pedro isn't an agriculutural area anymore.
also sampaguita & ylang ylang oil commands a high price in the world market. If you will just sell its flowers, the farmer may not earn that much. Its better to distill its flowers & get that essential oil.
I remember back then, San pedro was the most progressive town in Laguna because it is almost part of metro manila.. They are the no.1 in Laguna. But now, yung mayor at si madam congressman puro sampaguita lang pinopromote? I dont know them so i hope im wrong. Im sure they are good people with many good programs, i just didn't read in the news.
Noon kasi, pag sinabing San pedro, like pacita ito yung pinakamaunlad na lugar sa Laguna. Binan, santa rosa is like talahiban, tubuhan at palayan lang.. so bilog talaga ang mundo no? So wag tayo madepress masyado if nasa baba tayo now..naikot ang gulong..
Binan already has this Alonte Stadium, Santa Rosa has its own Sports Complex and have you seen the massive Jose Rizal Coliseum of Calamba? And the newly opened Cabuyao City Hospital?- the largest government hospital in Laguna
Anyway, as per google, San Pedro has this newly built beautiful City Hall and Alaska milk is still made in San pedro & I love its beautiful Robinsons mall where parking is stress-free and still free..
so i think im wrong ng naizip ko na napag iwanan na siya...Nasanay lang siguro ako sa dati na pag sinabing San pedro city, it is the no.1 in Laguna...
good night..

Monday, July 24, 2023

opinion SONA

7.24.2023 3pm
dear diary,
to be honest & real talk, this SONA is just aksaya lang ng pera ng bayan.. Dito mo makikita yung lahat ng mga politiko is like pagandahan lang ng mga damit, mga wala naman silbi..
For senators and representatives, the monthly salary ranges from P273,278 to P312,902 (gmanews.tv)
opportunity pa tong SONA nato pra magkamedia milleage tong mga peste ng bayan na mga ayaw maredtag kuno pero obvious na legal front ng mga terroristang NPA.
mangyayari is yung expenses natin dyan sa SONA sona na yan, yung expenses sa mga senator at partylist na yan, ipapasa yan sa burden ng BIR.
so tong BIR, ipapasa sa mga business at sa mga tax, so tong mga negosyante, ipapasa syempre yung expense sa tax etc sa mga product.. in the end- Ang mahal ng bilihin sa Pilipinas! check nyo Grocery at Meralco bill nyo.. In the end taong bayan lang din ang nasalo..
kaya matagal ko na suggest gaya ng sinasabi ni Digong, Iabolish na natin yang Partylist na yan, then pati yung SENATE, iabolish narin, itira nalang natin yung mga Congressman, pra unicameral nalang. malaki matitipid ng mga tax payers..
work work work..

Saturday, July 22, 2023

COBRA PRINCE

7.22.2023 4am

Dear diary,
 

After manood ng 1 week sa youtube mg cobra prince Cobra Prince at ben cobra ..pinutol ko na yung mga tinanim kong saging sa maliit na bakuran.
Kahanga hanga yung vblog nina cobra prince.. sobrang makamandag tong mga philippone cobra at dami na namamatay dito. Buti me katapat na now. Im just wondering if they have anti venom in hand just in case they got bitten.
Ang bilis pala dumami ng puno ng saging ..i feel bad kasi binili pa namin sa fb yung seedlings nitong lakatan galing pa nueva ecija. Hininge ko pa yung budget pambili sa nanay ko.. huhuhu. Now, malalaki narin yung mga saging.. From 1 seedling, dumami na siya ng dumami..ambilis.. But i noticed sa vblog ni cobra prince, favorite hangouts ng mga ahas at cobra yung mga sagingan at kawayan. Or basta masukal at maduming bahay. Kaya i decided idelete na tong mga puno ng saging..
Now nagiging obsess ako na itapon lahat ng mga bagay na hindi naman ginagamit at baka pamahayan ng mga daga...if me daga.. me ahas ng kasunod yan.. baka cobra na yan.hahaha.
Stupid yung batas na dapat hindi patayin yang mga philippine cobra at dapat pang iturnover sa denr. But pinaliwanag naman ni cobra pince na pwede mo siya patayin if nasa loob ng pamamahay mo..
Need na talaga natin itapon or ipamigay lahat ng mga bagay na wala namang silbi at pampasikip lang sa bahay. Prang japanese style..
prang yung jowa mo, if wala naman silbi at bihira mo makasama..ilet go mo na..kasi malamang inaahas narin yan kaya hindi mo makasama ng madalas...hahaha
Broke na broke parin ako now gawa ng naubos savings nung pandemic at sa nangyaring problema sa BIR na nagpabagsak sa akin financially..pero accepted ko na lahat at sa tulong ni Lord alam ko mkakabawi rin ako sa buhay dahil high quality tong mga brands na dinidistribute namin at lower cost compared sa competition, clients na naghahanap... at ang mga boss ko sa China ay owner mismo ng factory dun.. fully supported parin tayo.. tuloy tuloy parin ang deliveries..Need lang talaga makahanap ng maayos na bookkeeper pra umunlad ang buhay natin..
at pag pala nakaahon ako sa future sa kahirapan at natupad ang dream ko na. yun lang naman ang dream ko sa buhay- makapag asawa at makabili ng small farm mga bandang Nagcarlan or nearby Nagcarlan.. ito palang mga cobra ang isa sa mga dapat kong paghandaan..hahaha. Buti nalang me mahihingian tayo ng tulong si Cobra Prince
ok tulog nako, nalasing ako sa tanduay ice, naginom ako magisa sa bahay pampatulog tutal friday night naman..
 



 
 

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope