The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Saturday, May 14, 2022

UP fighting maroons!

 

12.14.2022 12:30am
dear diary,
napakagulo ng buhay ko now.. daming challenges, daming issue sa work at sa personal na buhay.. yung down na down ka na.. lalo ka pa dinodown at tinetreathen ng mga institution at ng mga ibang tao na naging bahagi ng buhay mo na supposedly dapat ay kung hindi ka man suportahan eh at least friendly man lang..
pro lahat ng problemang to, the buck stops with me.. dulot narin siguro to ng kapabayaan, sobrang pagtitiwala sa ibang tao, katamaran, sobrang bait, or plain katangahan..
Pero at the end of the day, sa Panginoong Diyos ka parin at sa paniniwala mo kakapit. 1 month nako depressed.. pero now napanood ko kung pano talunin ng UP Fighting Maroons tong Ateneo sa game 3 finals.. prang nakakainspire, na wow kaya parin pala manalo. kaya parin manalo sa buhay..
then napanood ko pa sa channel 7 tong palabas about sa life story ni comedian Jobert Austria, nakakainsipire.. never ako nagtake ng drugs sa buong buhay ko, pero naging alcoholic nako this past 10 years.. kakahanap ng lovelife , napabayaan ko na buhay ko for the past 5 years... sinisingil nako now..
pero hindi pa huli ang lahat, now need ko kunin ang lahat ng source ng motivation pra ibangon ang sarili ko.. except sa pagiging obese now at high blood, wala na naman akong problema sa health.. so kaya ko pa magstart all over again.. at the age of 44yo, hindi pa naman siguro ako ganon katanda..
so now officially tinatapos ko na lahat ng kadramahan ko sa buhay.. sinusuko ko na lahat sa Panginoong Diyos.. back to zero, i will start all over again.. this time i will make it right..

No comments:

Post a Comment

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope