The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Monday, July 4, 2022

7.4.2022 6am "Life, Liberty and the pursuit of Happiness"

Ang Diary ng isang Licensed Manginginom ng Laguna
7.4.2022 6am
dear diary,
"Life, Liberty and the pursuit of Happiness"
naguguluhan na talaga ako sa buhay ko.. so prang inisip ko at least man lang me plano or guide kung ano ba talaga dapat kung gawin sa buhay ko..pra at least me purpose in life man lang ako.. me reason pra gumising sa umaga..
so naisip ko now, monday morning, start na ng self-imposed lockdown ko sa paghahanap ng jowa.. plano ko july4-dec20 self love lang, self-improvement sa ekonomiya ang magawa.. benta lang ng benta ng soldering tip at stereo microscopes pang electronics mon-friday..then sat-sunday chill chill lang sa beach or sa clubhouse pool, sama sama lang sa mga gimik pag nainvite ng friends. ganon lang.. makipagfriends lang..
then dec 20 makapanligaw na ng todo.. me 6 months ako para ayusin ko mga problema ko sa buhay lalo natong sa BIR at work at sa bahay, me 6 months ako para kumilala ng mga babae..me 6 months ako para mag-ipon..medyo ubos ang savings gawa ng pandemic.. medyo magastos din manligaw ng babae sa totoo lang..hehehe. magastos din magjowa ng babae kahit ano pa sabihin mo, kasi bilang lalake, alangan naman pagastusin mo babae sa mga dates nyo?sobrang mahal pa ng gasolina now.. at bawat drive mo me toll, hahaha
then dec20, makapili na. kumbaga sa war strategy is Blitzkrieg.. iwas sa mga petty skirmishes or flirt flirt na aksaya lang sa oras.. then itodo ang lakas at resources sa panliligaw starting dec20.. so me 6 months ako pra makipagmeet at makipagkilala ng mga single, so ang sign siguro or main consideration kung sino maligawan sa december is kung sinong babae yung mag-iinvite sa yo na dun nalang magChristmas..
Napakalungkot ng buhay ko sa totoo lang, every christmas, mag-isa lang ako sa bahay at usually natutulog lang or nagawa ng sales report.. so im looking forward sa Dec kung sinong single dyan mag-iinvite sa akin na dumalaw sa kanila at dun magspend ng Christmas sa bahay nila, yun na siguro ang sign..na ito na siguro ang babae na dapat talagang ligawan..
so yung Blitzkrieg style ng panliligaw, is yung talagang lahat ng resources mo is ibuhos mo na! lahat ng oras mo, lahat ng gusto ng babae, gawin mo at ibigay mo..lahat ng effort mo ibigay mo! pra mapasagot mo agad! then maging loyal ka na.. pro gaya nga ng Blitzkreig, dapat sagutin ka ng babae within 2 weeks, so pag Jan2,2023 is hindi ka pa sinasagot it means sablay ka, at tumigil ka na.. at accept mo nalang na hindi ka bet. kasi if bet ka naman talaga ng chicks, dapat nga 1 araw lang oks na.. yun pa kayang 2 weeks.. hehehe. at wala ka talagang time sa mahabang ligawan.. syempre need mo rin magwork, alangan naman wala ka nalang gawin kundi manligaw...mahirap at malamang talo ka dun sa mahabang ligawan.. so yun nga kumbaga sa gyera is iwas ka sa War of Attrition at dun ka sa Blitzkreig style..
Pero need ko parin maginom every friday night para hindi ako matukso maginom during sunday-thursday. at work work work ka dapat ng mon-friday.. yung saturday night is chill chill lang na inom kasi masarap magjogging every sunday morning..
masingit ko lang no? nakita ko lang sa fb, siguro kung me iniidolo ako now , siguro si chavit singson ang idol ko.. hahaha
so its 4th of july today, Independence day of the United States of America. gaya nga nakasaad sa constitution ng America- "Life, Liberty and the pursuit of Happiness"
so ganon nalang ang plano... need ko talagang maghanap ng jowa at mahirap mag-isa sa buhay, just like in the American consitution, i also have the right to purse Happiness... lahat naman tayo , me rights maging happy di ba?hehehe. at magkafamily someday? naawa narin ako sa mga anak ko, gusto ko silang bigyan ng semblace of family pag nasa akin sila.. need talaga na me 1 babae sa bahay pra tumayo as step mom or tita nila.. yung babae talaga ang ilaw ng tahanan..so ganon nalang ang plano.. medyo nakakatawa tong plano nato, pero at least me plano.. at sana magtagumpay sa goal magka jowa this december.. Tiwala lang sa Panginoon.. at magdasal..
gaya nga ng sabi - "An idiot with a plan can beat a genius without a plan." A quote variously attributed to Warren Buffet, hahahaha
work3x !!!

No comments:

Post a Comment

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope