The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Showing posts with label 0. Ang Diary ng isang Licensed Manginginom ng Laguna... Show all posts
Showing posts with label 0. Ang Diary ng isang Licensed Manginginom ng Laguna... Show all posts

Saturday, December 24, 2022

Dec 24,2022 12:15am LASING NAKO!

 Ang Diary ng isang Licensed Manginginom ng Laguna

 


Dec 24,2022 12:15am
Dear diary,
plano ko magpapayaman talaga ako ng husto this 2023..sumpa ko yan sa sarili ko..pra at least me laban ako sa mga taga bir nayan, sa mga taga customs na yan, at sa mga babaeng manloloko, sa mga babaeng scammer... Yan mga nagpahirap sa akin ng huzto this 2022..
Pag small time ka kasi wala eh..gaganon gaganunin ka nalang...tama sinabi ni sir paul, we are chinese, me ari tayo ng kumpanya..hindi tayo basta basta..dapat focus tayo sa business..dapat yung chicks natin mga quality at dapat loyal sa atin at di tayo lolokohin..kasi good provider tayo.. dapat alam natin gagawin sa mga taga bir.. nagiging obsolete ang business..need mo maglevel up kundi kakayanin ka ng systema..kawawa ka..
Problema ko kasi, iniisip ko tambay lang ako.. kaya pinagloloko rin ako ng mga babae..ginoganon ganon lang ako ng bir..now i realized hindi pala ako tambay..madami pala ako asset na pwede kunin nalang basta if papetiks petiks lang ako..need ko na magbago.
Now i know bakit yang mga negosyante is kumakandidato pang mayor, congressman, governor? Eh magkano lang legit na salary if umupo ka sa gobyerno as compared sa milyon milyon at bilyon billyon na magagastos sa election? Gusto nila maupo pra iprotek yung business interest nila..yun yun..pra hindi sila harassin ng bir...
Now eto lonely boy na naman ako..hindi ko na makontak yung babae na guzto ko..malamang me kasamang ivang lalake.. kaya eto , palipas ng sama ng loob dito sa Lady of D' Night sa me LTO Binan, medyo nanood ng bikini open na mga quality. medyo gumaan pakiramdam ko,. hahaha , oks dito, malinis, disente, maliwanag, maayos na restobar. marerecommend ko sa mga kapwa ko negosyante na nagpapalipas ng sama ng loob sa mundo at nagtatanngal ng stress
 
hays..hindi dapat ganito...magpapayaman talaga ako this 2023..pra hindi ako maapi ng mundo...hahaha
  


Friday, December 23, 2022

12.23.2022 8pm - oras ng kagipitan..

Ang Diary ng isang Licensed Manginginom ng Laguna

12.23.2022 8pm



 Dear diary,

oras ng kagipitan..wala na talagang cash on hand...eto nagpunta nako sa ML Lhuiller dito sa tapat ng favorite kong restobar na pirates grill uloulo dto sa me robinsons sta rosa... pra me pambili naman ng san mig light tonight at ayaw ko na magdrama sa buhay at xmas na..
pero..BIR san pablo masaya ka na??? Di nyo man lang inisip na me pamilya rin ako at me mga tao na pinapasweldo..wala man lang last warning??? Basta ganon garnished freezze bigla bank account at basta nalang kukunin as pambayad sa penalty at wala na daw ako magagawa? Di ba napakasakit non?.pra kang hinoldap.ng gobyerno.. Komo mahirap lang ako at walang pambayad ng corporate lawyer?
yung laman ng atm ko nakaraan 1k nalang..hahaha..di ko mapasweldo mga tao ko..di ko pa maibigay 13th pay...since 2006, now lang ako nadelay sa pasweldo realtalk lang..
This december prang isang masamang panaginip...halos lahat ng cash ko nasa account na yun..at ang mga clients dun parin nagdedeposit ng payment. Pero di ko na mawidraw..
Ok granted na me mali nga ako kasi di ako nakakasipot sa bir san pablo kasi akala ko oks na..at di ko nasagot yung last letter within 30days..pro tama bang parusa yung 1.6million penalty? Korek at totoo dineclare namin na sales na Yy Million pesoses.. kasi yung shop namin is small lang...pipitsuging shop lang..pero malalaking company ang clients kaya lahat ng transaction is me sales invoice at or..
Ang ugat kasi nito..nag audit bir san pablo..then ang total sales 2019 daw namin based sa monthly vat sales na submitted sa bir binan is Xx M..pero ang sinubmit namin sa ITR 2019 is only YyM..so underdeclare daw ng 2M sa gross sales...langya..eh chineck namin , tinotal namin yung nasubmit namin na monthly salea= YyM lang tlaga.. kahit itotal morin mga invoices nasa YyM talaga.mga taga bir san pablo, mga hindi marunong mag add??? Holdap talaga eh..
Bale almost 1 month na nakafreeze accnt namin.. so prang di ko pa fully grasp mga pangyayari until eto 1k nalang pala laman ng atm ko...Buti nalng salamat talaga sa sugar mommy ko ke mommy tess at napautang agad ako at napasweldo ko na mga kasama ko at naibigay ko 13th month pay. Now nagmumuni pako ng gagawin ko sa buhay ko.
Ayaw ko naman ipangutang pa tong pambili ko ng san mig light..buti me ml lhuiller..
Now ko narealized itong business lesson nato.. na me mga tao hindi mo pwede iignore.kahit alam mong tama ka..masakit lng kasi mismong gobyerno nagbaon sa yo..
Pero tapos nako.sa drama. Salamat ke ate merly sa pagsend ng 10k kasi sabi ko wala talaga akong cash now...salamat sa nanay ko at pinautang ako ng interest free loan pra makabawi ako sa buhay this 2023.. salamat talaga nay.. sorry ho.at naiignore ko rin kayo dati..pero unlike BIR, pag naignore ko kayo, is nagpapasencia lang kayo..yung Bir hindi lang ako nakapunta agad, binaon nako halos sa hukay.eh.
Salamat din sa magagandang staff ng ml lhuiller sa robinsons sta rosa at inentertain parin ako kahit 9pm na.
Now stop nako sa drama...sorry sa mga magaganda at nagsesexyhan na chicks namamasko..broke lang talaga now ang lolo nyo..babawi ako next yr 2023 ! For now katawan ko nalang muna ang pwede ko maiooffer..hahaha
Merry xmas & happy new year!

Saturday, November 19, 2022

#LASING WITH FRIENDS

11.19.2022 feeling depressed and down, i decided to take a chill with some friends, somewhere in Binan , Laguna

tamara cheska jessa -Friends only!!! (friends only, sana with benefits na next time, joke joke!!!), hahahaha

need ko ng burahin sa celfon ko to, pero sayang naman if delete totally, memories din to!

Thanx mga sisters sa inom! enjoy lang lagi & have fun!

#lasingyarn, #friends

 

 

 

 

 











Sunday, November 6, 2022

nov 6, 2022 sat nite to early sunday chill

 


 

Sat night chill at Southhub LTO binan.. pra makhamoveon..pro hindi ko khaya magmoveon sa yo..muzta na khaya siya?? i miss you!!!!

Soldering Soldering
#lasing #saturdaynight
— feeling heartbroken.

Sunday, October 30, 2022

Tanduay Ice

Diary ng lasing
10.30.2022 sunday 230am #lasingyarn

 

 
Dear diary

Solo Shot muna before work.. gusto ko lang magrant...
Bat ganon mga babae??? Binili mo na nga ng backup android phone na di madaling malowbat..pinaloadan mo narin ng 30days unli call text with data..di ka parin magawang ichat or text man lang.. tinatanong mo naman ng maayos kung me ibang lalake, at ako na kusang lalayo..wala naman daw.. tinatanong naman ng maayos kung bet mo ba ako or hindi?, kasi mahirap mamilit..bet naman daw..pero bat ganito? Laging indian..laging di paramdam.laging ghost? Affected mental health ko eh!!! Di ako makapagwork soldering maayos

Need ko na siguro.magmoveon..pra makamoveforward

Soldering Soldering

#mentalhealth


Friday, July 8, 2022

"sa ikakaunlad ng bayan, disiplina ang kailangan!" - mag-inom ka pag friday night or pag holiday kinabukasan!

Ang Diary ng isang Licensed Manginginom ng Laguna
"sa ikakaunlad ng bayan, disiplina ang kailangan!" - mag-inom ka ng friday night or pag holiday kinabukasan!
7.8.2022
dear diary,
friday night na naman, tapos holiday pa bukas july9..need ko iforce ang sarili kong uminom mamya , talagang kahit ayaw ko, need ko pakalasing mamyang gabi, pra kumbaga, quota na sa lasing, kasi kinabukasan saturday na holiday pa...
ang point need mo maglasing mamaya kahit ayaw mo kasi holiday bukas.., pra hindi ka matukso mag-inom ng sunday-thursday at me pasok kinabukasan.. rang life hack siya.. need mo idiscpline ang sarili mo..
effective tong strategy nato sa totoo lang... this way, makakagising ka ng maaga at makakapagfocus ka sa work mo ng mon-friday
kaso juice ko nakakasawa ng uminom, pero kailangan talaga.. ang tanong saan na naman kaya ako tatambay pra uminom mamyang gabi??? sana naman ay me 1 sexy dyan na friend na magyayaya na- ferdi inom tayo??? hehehe
ayokong uminom sa lagi nalang me gulo.. nakakasawa ng uminom, pero talagang kailangan..
"sa ikakaunlad ng bayan, disiplina ang kailangan!" - mag-inom ka ng friday night or pag holiday kinabukasan!

Monday, July 4, 2022

7.4.2022 6am "Life, Liberty and the pursuit of Happiness"

Ang Diary ng isang Licensed Manginginom ng Laguna
7.4.2022 6am
dear diary,
"Life, Liberty and the pursuit of Happiness"
naguguluhan na talaga ako sa buhay ko.. so prang inisip ko at least man lang me plano or guide kung ano ba talaga dapat kung gawin sa buhay ko..pra at least me purpose in life man lang ako.. me reason pra gumising sa umaga..
so naisip ko now, monday morning, start na ng self-imposed lockdown ko sa paghahanap ng jowa.. plano ko july4-dec20 self love lang, self-improvement sa ekonomiya ang magawa.. benta lang ng benta ng soldering tip at stereo microscopes pang electronics mon-friday..then sat-sunday chill chill lang sa beach or sa clubhouse pool, sama sama lang sa mga gimik pag nainvite ng friends. ganon lang.. makipagfriends lang..
then dec 20 makapanligaw na ng todo.. me 6 months ako para ayusin ko mga problema ko sa buhay lalo natong sa BIR at work at sa bahay, me 6 months ako para kumilala ng mga babae..me 6 months ako para mag-ipon..medyo ubos ang savings gawa ng pandemic.. medyo magastos din manligaw ng babae sa totoo lang..hehehe. magastos din magjowa ng babae kahit ano pa sabihin mo, kasi bilang lalake, alangan naman pagastusin mo babae sa mga dates nyo?sobrang mahal pa ng gasolina now.. at bawat drive mo me toll, hahaha
then dec20, makapili na. kumbaga sa war strategy is Blitzkrieg.. iwas sa mga petty skirmishes or flirt flirt na aksaya lang sa oras.. then itodo ang lakas at resources sa panliligaw starting dec20.. so me 6 months ako pra makipagmeet at makipagkilala ng mga single, so ang sign siguro or main consideration kung sino maligawan sa december is kung sinong babae yung mag-iinvite sa yo na dun nalang magChristmas..
Napakalungkot ng buhay ko sa totoo lang, every christmas, mag-isa lang ako sa bahay at usually natutulog lang or nagawa ng sales report.. so im looking forward sa Dec kung sinong single dyan mag-iinvite sa akin na dumalaw sa kanila at dun magspend ng Christmas sa bahay nila, yun na siguro ang sign..na ito na siguro ang babae na dapat talagang ligawan..
so yung Blitzkrieg style ng panliligaw, is yung talagang lahat ng resources mo is ibuhos mo na! lahat ng oras mo, lahat ng gusto ng babae, gawin mo at ibigay mo..lahat ng effort mo ibigay mo! pra mapasagot mo agad! then maging loyal ka na.. pro gaya nga ng Blitzkreig, dapat sagutin ka ng babae within 2 weeks, so pag Jan2,2023 is hindi ka pa sinasagot it means sablay ka, at tumigil ka na.. at accept mo nalang na hindi ka bet. kasi if bet ka naman talaga ng chicks, dapat nga 1 araw lang oks na.. yun pa kayang 2 weeks.. hehehe. at wala ka talagang time sa mahabang ligawan.. syempre need mo rin magwork, alangan naman wala ka nalang gawin kundi manligaw...mahirap at malamang talo ka dun sa mahabang ligawan.. so yun nga kumbaga sa gyera is iwas ka sa War of Attrition at dun ka sa Blitzkreig style..
Pero need ko parin maginom every friday night para hindi ako matukso maginom during sunday-thursday. at work work work ka dapat ng mon-friday.. yung saturday night is chill chill lang na inom kasi masarap magjogging every sunday morning..
masingit ko lang no? nakita ko lang sa fb, siguro kung me iniidolo ako now , siguro si chavit singson ang idol ko.. hahaha
so its 4th of july today, Independence day of the United States of America. gaya nga nakasaad sa constitution ng America- "Life, Liberty and the pursuit of Happiness"
so ganon nalang ang plano... need ko talagang maghanap ng jowa at mahirap mag-isa sa buhay, just like in the American consitution, i also have the right to purse Happiness... lahat naman tayo , me rights maging happy di ba?hehehe. at magkafamily someday? naawa narin ako sa mga anak ko, gusto ko silang bigyan ng semblace of family pag nasa akin sila.. need talaga na me 1 babae sa bahay pra tumayo as step mom or tita nila.. yung babae talaga ang ilaw ng tahanan..so ganon nalang ang plano.. medyo nakakatawa tong plano nato, pero at least me plano.. at sana magtagumpay sa goal magka jowa this december.. Tiwala lang sa Panginoon.. at magdasal..
gaya nga ng sabi - "An idiot with a plan can beat a genius without a plan." A quote variously attributed to Warren Buffet, hahahaha
work3x !!!

Friday, July 1, 2022

Diary ng Licensed Manginginom ng Laguna- 7.1.202 10pm midyear self reflection..

 

Diary ng Licensed Manginginom ng Laguna
7.1.202 10pm midyear self reflection..
Dear diary,
another 6 months of year is over.. & its Friday nite naman, gimik nite na naman..
pro sarap ng feeling now na tapos na yung internal struggle mo or midlife crisis...kumbaga is accepted mo at mas happy ka na sa background ka nalang...kumbaga is tanggap mo na ito lang talaga narating mo sa buhay.. napatawad mo na sarili mo sa mga kapabayaan at maling decision mo dulot ng kabataan at katamaran..hindi mo malilimutan, pero napatawad mo na yung mga taong nang-iwan at nanloko at nanakit at nangharass sayo.. now mas happy ka na support ka lang..kumbaga is tapos na yung pahanon na restless ka at lahat gusto mong gawinh..kumbaga is mas ok na tawagin kang Kuya ferds lang..at support ka nalang sa mga kabataan na me potential at panahon na nila now...tutal naman ay nag enjoy karin naman ng husto ng kabataan mo..hehehe.
kumbaga yung last 10 years of my life naman is like what the hell & what the heaven it has been.. kung makakapagsalita nga lang siguro to si Ela- yung name ng kotse hyundai elantra 2013.. siya yung saksi sa lahat ng naganap this past 10 years..hehehe
kumbaga is now plano mo nalang mag enjoy, pumunta ng beach kahit magisa, magswiming kahit magisa sa pool sa clubhouse.. pero mas masaya syempre pag me kasamang friends. pero kahit walang kasama, kaya mong magenjoy magisa..
Accepted mo na eto small business lang ng microscopes at soldering. pero need mo parin kumbaga is gumawa ng activities na related sa chemical engineering at dyan ka naman happy, for science sake lang kumbaga..
Then binata parin..magisa parin.. wala parin asawa.. pero prang nakakaenjoy din na malaya ka, malaya ka gawin lahat ng gusto mo..kaya lang talagang need mo ng 1 babae para isaayos ang buhay mo.. kundi lagi ka nalang parang ligaw na kaluluwa, kung saan saan napupunta.. walang direksyon.. pero this time, hindi ka na nagmamadali.. at kung mahalin ka ng babaeng gusto, ayos yun, pero kung di ka talaga bet, at niloko lang, wala lang, accept mo na agad, at hanap agad ng ibang matino.. at hindi yung pabroken broken hearted ka pa..
nasagot ko narin yung mga tanong ko sa sarili ko about spirituality.. like saan ba tayo patungo? ano purpose in life natin? is there God? who created God? nasagot ko na yang mga tanong na yan sa sarili ko, & for me, yung sagot ko is akin nalang because it is my own belief.. the most important thing is that i have made peace with myself now & with my God.
Now accepted mo at mas happy ka na sa isang sulok ka lang..me parang internal peace of mind ka na now.. makakapagfocus ka tuloy now sa ekonomiya, at sa paghahanap ng one true love- GF partner in life..
in my heart & in my mind, im happy & have peace of mind now.. i can sleep like a baby & self-love at self-improvement nalang muna.. gaya nga ng sabi ng mga tropa, magpayaman nalang tayo kesa gumawa or magaksaya ng oras sa mga bagay na walang kakwenta kwenta! shot na!


Tuesday, May 10, 2022

Bongbong Marcos Jr.

 

 

Diary ng Licensed Manginginom ng Laguna
5.10.2022
Dear diary,
Ok makakatulog ako ng mahimbing now..landslide panalo ni tukayong bongbong..
Sigurado ngiting ngiti now malamang si Ate Luisa at si Tatay..pero malamang si Kuya Andy, Ke Leni yun..hehehe. ang sa akin,ke sino manalo ke BBM or Madam Leni ok sa akin.. basta decisive ang win..
Syempre nakakakaba..sa survey malaki lamang ni BBM..pero sa mga meeting de avance ni Leni, ang daming tao..kahit ako mapapasayaw ke Gary V..at mapapasigaw ng "ang Presidente- Leni Robredo! Bise presidente- Kiko Pangilinan! So napapaisip ako..baka manalo pa si madam leni or baka konti lang maging lamang ni BBM..
pag medyo konti ang lamang ng nanalo sa 2nd, mahina ang political capital ng magiging presidente..so rally rally na naman tong mga peste ng bayan, potential kudeta ng rightist or Edsa na naman ng mga dilawan elitist...kagulo na naman, bagsak na naman ang dollar, alis na naman mga foreign investors, bpo, manufacturing companies..mababawasan mga clients namin ng soldering iron..bagsak na naman ekonomiya..paktay na..
Kahanga hanga rin na parang naunite ni madam leni ang LGBT community..i mean prang lahat yata ng lgbt na kita ko s fb eh maka Leni..maybe its because of the pink color?Pro karamihan pala ng umattend sa rally ni madam leni lalo na mga kabataan eh hindi registrado! Hahaha
Now as of 6am, 30M votes for BBM, 14M votes for madam leni..Kagandahan pa nito..yung vice president landslide din, si Inday Sarah, katiket..so magtutulungan..kaya Unity Team daw..hindi yung sisiraan pa lagi ng VP yung President sa international arena..bayan ang apektado.
ubos na savings dahil sa pandemic..ito na yung time pra makabawi bawi naman ang ekonomiya..pra me pambili naman yung mga legends ng San Mig Light na Php45.0 each plus 10sc..hahaha
So again
congrats
BBM bongbong marcos! May you continue those good legacies ( but not the bad things of course..) of Marcos Sr and Pres Duterte..Mabuhay ang Pilipinas!
P.s. tapos na po ba ang alcohol ban mamayang gabi? Hahaha
 
--
screenshot photo from: 
https://halalanresults.abs-cbn.com/

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope