The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Wednesday, June 9, 2021

"Nice Guys Finish Last"

 "Nice Guys Finish Last"

June 9, 2021
Isa na namang malamig at malungkot na gabi.. Gets ko na bakit hindi ako magkaron ng stable lovelife for the past 10 years..at kung bakit ako lagi iniiwan at niloloko ng babae.. Masyado ako mabait at mapagbigay at todo magmahal sa babae.. masyado akong matino.. at pag sexy at maganda, madali ako mainlove..
at napinpoint ko na ang main problem ko- Im a nice guy.. and "nice guys finish last"..
at hindi ako nag-iisa, napakadami naming "nice guys"..manood ka ng raffy tulfo, napakaraming "nice guys" na iniwan..
Based on CFO PESO SENSE, sa mga episodes ng Raffy Tulfo..Based on research and keen observations, based din sa mga lessons sa prayer meetings ng Truepang Zero, at sa mga advise ng nanay ko at ilang friends na girls.. and also based sa masasakit na experience, mas preferred talaga ng babae ang Bad Boys.. kaya nga "nice guys finish last"..
mas gusto ng babae yung nahihirapan sila, yung mumura murahin sila ng lalake, yung sila pa gagastos dun sa lalake, yung nachachallenge sila na baguhin..at ma pride din ang mga babae.. hinge yan ng hinge ng mga gifts, at support, pero at the end, ang pipiliin nyan yung lalake na never sila sinupport, then babalikan ka pa na utouto ka kasi, at hindi moko mabibili.. so in the end, loser talaga ang mga nice guys.. at ang pipiliin is si Bad Guy na never nagsupport..kasi nga nachachallenge sila..(Raffy Tulfo, various episodes)
According to McDaniel, popular culture and dating advice: "...suggest that women claim they want a 'nice guy' because they believe that is what is expected of them when, IN REALITY, THEY WANT THE SO CALLED "CHALLENGE" THAT COMES WITH DATING A NOT-SO-NICE-GUY (McDaniel, A. K. , 2005)
observation ko lang din, Me nakita ka na bang Tambay na walang jowa? pero dami mong nakikita na Engr, Doctors, Professors, Teachers, Nurse na walang Jowa..nung tambay lang din ako at walang work, at binabato ko yung dalang pagkain ng gf ko dati, dun din ako nagka gf ng seryoso.. hehehe, nung me work nako, at kalma na lagi.. dun nako nahirapan magkastable lovelife..
The "nice guys finish last" view is that there is a discrepancy between women's stated preferences and their actual choices in men. In other words, women say that they want nice guys, but really go for men who are "jerks" or "bad boys" in the end. Stephan Desrochers claims, in a 1995 article in the journal Sex Roles, that many "sensitive" men, based on personal experience, do not believe women actually want "nice guys". - Desrochers, Stephan (1995)
if masyado ka panice guy, papalibre lang sayo yang mga babae ng starbucks.. then ipopost nila sa FB na nagstarbucks sila, pero syempre hindi ka kasama dun sa post..hahaha,. then ang ipopost nila sa FB is yung kasama si badboy na ayaw sila ilibre, so silang babae ang magbabayad habang nakain sila ng isaw sa kanto, pra pacool sa fb na low maintenance lang sila.. hahaha,
"Galawang Harvey" -aka Vanessa , hehehe
so therefore, i conclude in this hypothesis, so ganon pala talaga yun.. talagang mas preferred ng mga babae yung Bad Boys .. so wala ka ng magagawa dun.. so sa mga katulad kong naghahanap din ng stable at seryosong partner sa buhay.. if you cant beat them, join them! hehehe, so tara narin magpaka Bad Boys! at wag masyadong gentleman at mabait sa mga babae, ayaw nila yun? okei okei?
magpanggap muna tayong badboys at pag asawa na natin, dun natin ipakita na talagang nice guy tayo..hahaha
Ref:
1. McDaniel, A. K. (2005). "Young Women's Dating Behavior: Why/Why Not Date a Nice Guy?". Sex Roles. 53 (5–6): 347–359
2. Desrochers, Stephan (1995). "What types of men are most attractive and most repulsive to women". Sex Roles. 32 (5–6): 375–391

Tuesday, June 8, 2021

power of dreams

 soon!!! 3yrs from now, i am basking at the sun, in my own farmland with a small house, with my arms around my gorgeous loving wife..feasting with lansones and rambutan, and kalderetang kambing..while watching our kids play in the grass.. work work work pra me pambili ng farm..hahaha.. #workfromhome #microscope #imagination #GlueDispenser #powerofdreams

typical working sched:

Solder lang ng Solder..
typical working sched:
june 8, 2021
3pm to 2am= work work work
june 9, 2021
2am to 9am = Sleep
9am to 8pm = work work work
8pm to 9pm= Workout
10pm to 12 midnite = Netflix, sleep

 

Saturday, June 5, 2021

by monday, june7,2021..

by monday, june7,2021..need ko na ipakita sa buong mundo kung sino ba talaga ako.. kung sino ba talaga si Ferds Khan...kung ano ba talaga capabilidad ko. kung ano ba talaga ako? ..

hindi pra sa sasabihin ng iba. kundi para sa sasabihin ng mga taong nagmamatter talaga sa akin..importante sa akin ang sasabihin ng mga Valued clients ng soldering at microscopes, impt sa akin sasabihin ng mga principals ko sa china, indonesia, usa at japan..impt sa akin sasabihin ng mga coworkers ko at ng nanay ko...dahil sila ang nagfifinance ng endeavors ko..if wala clients, principals, coworkers at nanay ko..wala akong pambyad ng kuryente! hahaha..
importante sa akin na maimpressed ko sila..Need ko maimpressed sila..
at mapatunayan ko din sa sarili ko na kaya ko to..need ko iquestion at hamunin ang sarili ko..
kumbaga sa puno ng starapple, is hindi yan lalaki at magbubunga gaano man katagal if sa paso lang nakatanim gaano mo man alagaan at diligan yan. Need mo na iwiden ang mundo mo, need mo na iwiden ang market mo, need mo na itanim yang starapple na yan sa talagang lupa! doon maglelevel up at maggo growup talaga yan..
Need mo ng magsarpisyo talaga, hindi na uubra ang panetflix netflix nalang.. at sa gyera, hindi ka mananalo mag-isa!.. Need mo ng Army! need mo ng mga taong mas masipag sa yo, mas maabilidad sa yo, need mo ng mga taong loyal na makakatulong sayo..at maging generous ka sa kanila! as like Genghis Khan & Julius Ceasar, Share the Loot!
need ko na talaga ipakita kung sino ako..higit sa lahat pra sa sarili ko..kumbaga sa roman empire, it is for Glory! fight for Glory!
nireject ako last year ng pinakamamahal ko dati na si aka Catriona Gray ng antipolo..it really hurts..now na nakamove on nako at willing ng magmahal ng iba..still my pride is badly hurt..gusto ko ipakita sa kanya..hellow..eto nga pala sinayang mo..hehehe.
kumbaga need ko na ifire up ang sarili ko..tama na yung paawa effect, tama na yung pagpapanggap..tama na yun pabebe..Need mo sumabak ng husto sa labanan..need mo na ipakita mo kung ano at sino ka talaga!
for Glory! for Soldering! for Microscopes!
Do your Duty ! Work work work!!!

Kelangan ng kumayod..

 Kelangan ng kumayod..at magsipag..lumevel up..pandemic na..di na uubra panetflix netflix lang..

single dad

 

iniisip ko napakamiserable talaga ng buhay ko..10yrs nako single dad..madami ako sinusustentuhan at ginagastusan..invest invest kaya todo kayod buong araw..uminit umulan kayod..benta ng soldering iron at microscopes..pro at d end of day, walang nag aasikaso sa kin pag uwi ko ng bahay..how sad di ba?? malimit naiiyak nalang ako sa pagkaawa ko sa sarili ko..lam mo yun? 
 
di mo alam yun..kasi swerte ka..me partner ka sa buhay..kaya dapat ingatan mo yan pre..hindi lahat ng lalake na nablesshan ng 1 babae..pag di mo iningatan yang partner/misis mo..matutulad ka sa akin..na panay hanggang mema nalang sa fb..ikaw din..hahaha #microscope #solderingiron #miserable #singledad


Friday, June 4, 2021

basam basa sa ulan


 

raining heavily..basam basa sa ulan..work work work..sarap sanang matulog nalang..habang naulan...kaso ito ang tinatawag na DUTY...kahit ayaw mo gawin..professional ka.. do your duty..pra sa clients..work3x #soldering..
side comment to myself: sarap sana if after mo kumayod sa gitna ng ulan..me partner ka na nag iintay na bagong ligo pra me mayakap ka..hahaha..tapos sabay kayo kakain ng lugaw..kaso wala nga pala kong partner na nagkeclaim sa akin.hays..hahaha

Thursday, June 3, 2021

Earphone kayo dyan!!!

 

matagal nako nababadtrip if kunwari me jowa ka..tapos kasama mo pero nakaheadphones..di kayo magkaintindihan..Di ba badtrip yun??? magkasama nga kayo, pero parang me sariling mundo.. so if you cant beat them, join them!!! mga 10 years narin naman to nasa plano magbenta ng earphone..pero dapat ang ibebenta lang na earphone yung quality lang.. yung magugustuhan lang ng mga chicks.. yoko masira ang name ko na Jabonga Jabonga at mapahiya sa mga chicks na gagamit.. okei okei? #imagination #earphonebluetooth #earphone


Allergic ako sa babaeng presidente

 mahal ko ang nanay ko at mga kababaihan at naniniwala ako sa kakayahan ng kababaihan .pero talagang Allergic ako sa babaeng presidente..Cory Aquino, GMA..mga worst presidents in my books..

pag babae nanalong presidente sa 2022..baka magwork ako 16hours a day pra makaipon agad ng husto pra ready sa takot na sigurado magkakaleche leche na naman ekonomiya at puro kaguluhan na naman yan..hahaha

Monday, May 31, 2021

Muning catching a monitor lizard aka Bayawak

 wow amazing photo of a cat catching a monitor lizard aka Bayawak..in Alfonso, Cavite..Kagaling ni Muning..myaw yaw!

šŸ“ø Ms. Dana Espiritu , aka Sanya Lopez ng Alfonso, Cavite..

FB= Dana Espiritu

Sunday, May 30, 2021

"When there is commitment, there is confidence"

 self reflection May 30, 2021:

"When there is commitment, there is confidence".. "When there is confidence, there is trust".. " When there is trust, there is happiness".. ctto
as i see, my troubles in life now this 2021 is because of a girl aka catriona gray said to me "yes" in 2019.. she failed to honor that commitment this 2021, and now both of us are suffering...
i have made preparations because of that "yes", these preparations cost me a lot of resources.. hays..& now i am suffering, because of wasted money & most importantly, wasted time.. her excuse of not honoring her commitment to me= She chose another man over me..it really hurts! hahaha & now i know she is suffering because of her decision, as she is saying.. but what can i do?
now, as i reflect on life, how about those clients of soldering & microscopes & other people that i made a commitment that i also failed? i think they are having a problem too because of me.. i have valid excuse= Pandemic made some of my suppliers/principals unable to deliver/ship those deliveries..or deliveries made late.. but this excuse no matter what valid is no excuse at all now.. my suppliers failed in their commitments to deliver those goods to me on time, as a consequences, we too failed in our commitments to our clients...

but we are truly sorry & we apologize..& we are now working hard to deliver our commitments & promises..
we are now living in a pandemic that we dont know how much will last.. so the best we can do is to adapt.
tomorrow , a monday, which is my favorite day because it brings me hope.. we will take our commitments a lot more seriously than before..
Commitments will be honored at all cost..
and now, personally, before i will commit to an endeavor, i will surely ask myself if i can deliver those commitment..
and most importantly, before i will fall in love again & made my own commitment..i will use my head above & really think if the other party is serious in her commitments to me.. to avoid troubles & heartache..

sunday may 30,2021 self reflection:

sunday may 30,2021 self reflection:
alam ko na mali ko sa buhay..dahil mahiyain ako by nature..puro aral lang nung bata pa..work at computer lang sa bahay ng medyo tumanda..bookish lang ako..puro libro..pero bobo sa totoong buhay at madaling mauto..matalino sa engineering, financial...pero hindi street smart..so madali talaga ako maloko..lalo na at sexy at quality..paktay na..
pro katwiran ko kasi..imbes na magbigay ako charity sa church or 10% tithing..dinedirecho ko na sa mga nangangailangan na babae ng wala naman expect na kapalit..
matalino sa financial if ang usapan is 5 digits and above na usapan..pero bobo if 4digits pababa..pro if isum mo yung 4digits tru d years, di ba lampas 7digits na yun..? hahaha
masyado ako nakulong sa bahay dahil soldering business ko..kaya napabayaan ko na ang lovelife thru d years..kaya eto naghahanap ng tatanggap sa akin..
so sa tingin tama si El Pres Mike..subukan ko naman daw magpanggap bilang isang regular lang na company driver..baka dun makakita ako ng tunay na magmamamahal sa akin..prang sa pelikula..hahaha
makapag start din ng small business n nasa kalye..nasa labas..wala sa home office pra maging street smart din ako..malay mo dun makakuha ng lovelife..hahaha

FACE SHIELD

 malaki na naman siguro kinita ng importer at cohorts sa faceshield..baka sapat na yun..tigil na natin yang kalokohan na yan...at pahirap lang din yan sa tao..dagdag abala at gastos pa...if di ka naman nasa ospital, facemask is enough na..or kung naka eyeglasses na dapat exempted na sa faceshield..hindi naman nadaan sa butas ng tenga yung covid virus...bukod tangi tayong bansa na me pafaceshield faceshield pa..hays..#faceshield

Friday, May 21, 2021

Jeneva Jeneva!

 


photos not mine, CTTO , i just dont know who took this photos

May 21, 2021- Duterte & Caesar, comparison of their leadership & management style..

starting to write a book now, temporarily titled= Duterte & Caesar, comparison of their leadership & management style..
like dto malalaman, anong oras ba sila gumigising, ilan ba asawa at kabet nila? ano favorite sports nila, lahat ng mga bagay na me kinalaman in depth kung pano sila magdecision at mamalakad sa mga bagay bagay... focus lang sa issue ng management, iwas sa politics

‘Build, Build, Build’

iwas comment nako sa politika, kasi election season na.. stressful makipagdebate at hindi naman ako kikita dun...pero at least hindi nasayang yung pakikipag-away ko sa net pra ke Duterte kahit wala naman ako bayad..hehehe, talagang hindi lang ako makatiis na hindi magcomment,hahaha
masasabi ko na bilang Filipino, proud ako now, at least makikita mo talaga na madami talagang nagawa tong si Duterte, pandemic pa..pra to sa mga anak natin.. Magaling si Villar at Tugade, pero surely, hindi naman nila to magagawa ng walang kumpas ni Duterte. kasi if weak president, isang rally lang nina babalu, wala na, cancel project na..hahaha
national ID, ok na, nasisimulan na. panahon pa yan ni FVR, kaso kada rally nina babalu, casino, tigil ang project..nganga..simpleng ID hindi matuloy tuloy..
napapaisip lang talaga ako now lagi, pwede naman pala na me nagagawa yung presidente.. bakit parang walang nagawa sina cory,fvr,erap, gloria , Pnoy? nasagot narin yung tanong ko, bakit mahirap na bansa ang pinas? answer= kasi inutil at weak ang mga nagiging presidente..
bakit kahit yung simpleng Plaka ng sasakyan at Plastic na driver's license card is hind magawa ni Pnoy sa panahon nya? lagi pang sira ang MRT na parang bulok na kotse,
pero bakit ng ke duterte na, kahit pandemic, naayos siya? kung tutuusin, Disente si Pnoy, at hindi natutulog sa kulambo.. at laging nandyan at hindi mo na hahanapin..pero bakit walang nagawa?
bakit parang kahit pagsama samahin mo mga nagawa nina cory,fvr,erap,gloria at pnoy, wala pa sa kalahati ng nagawa ni duterte at sa panahon pa ng pandemic?
walang perfect at hindi perfect si Duterte, pero bakit daming nagawa despite of pandemics & short period of time? internet ko nga now, 32MBPS na at hindi na tayo nahuhuli now sa mundo sa bilis,, sa time ni Pnoy, wala talaga..0.7 MBPS..
me kakaiba siguro sa management skills ni duterte na siyang dapat pag-aralan sa mga business schools someday..
maybe i should write a book about duterte's management style?, hindi focus sa drug war, hindi focus sa politika, pero ang focus ng libro is yung kanyang style of leadership, para at least me legacy rin ako.. me nagawa akong kahit 1 libro sa buhay ko.. hahaha
 
Ten ‘Build, Build, Build’ projects in Mimaropa

 photos from: manila bulletin:

https://mb.com.ph/2021/05/21/ten-build-build-build-projects-in-mimaropa/?fbclid=IwAR1K1cRdhhCmGB0Y-JzAzcgfnzVEFsYRwfYTFVkdUhqVEMK0mgr9JNcbWbI

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope