The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Monday, August 9, 2021

Lovelife101

 

to myself-
pahinga lang, then try ulit.. mas malaki mawawala sa yo if hindi ka ulit magtatry.. bale nakaka take 7 ka ng bagsak sa lovelife.. anyway sanay ka naman na laging bagsak.. di ba inabot ka ng take 7 sa Ensc 1, EE13, at EE130 bago ka nakagraduate ng Engineering? hehehe,, kaya nga master na master mo na course mo, kahit di ka nagreview , pasado ka agad take 1 sa board exam? hahaha..
ganon din yun..di ba nga inabot ka ng 10 years sa college bago nakagraduate sa Chem Eng.. so ganon din siguro yan,. aabutin ka muna ulit ng 10 years, bago ka makagraduate sa pagiging single.. hehehe..bale naging single ka 2012.. so mag 10yrs ka na single this 2022..hehehe
so pahinga lang muna ng 2 months, kumbaga is sembreak.. tapos enroll ulit sa Lovelife101.. bale pang take 8 mo na next sem.. tingin ko maipapasa mo na yan finally at makakagraduate ka na sa pagiging single.. hahaha

Ang Lovelife at ang Mastercard..bow..

 

tingin ko yung lovelife, prang creditcard lang din siguro..need yan sa buhay if gusto mo medyo convenient at happy ka sa buhay..at kahit papano me matatakbuhan ka pag nangailangan ka..hehe.. kasi me zero interest naman..

so sa una panay ka reject, kahit anong sipag mo mag-apply, kahit nagcomply ka sa requirementes, kahit me pambayad ka..kahit ilan na naapplyan mo rejected ka! basted ka..frustrated ka lagi..dissppointed at awang awa sa sarili..hahaha..
hanggang maggive up ka na sa pag- apply, until me isang angel na friendly bank manager or friendly teller na makikilala ka kasi mabait ka naman na customer, di ka naiirita kahit minsan sobrang haba ng pila sa bangko..kasi syempre napunta ka sa banko to transact..then masisilip na ni bank manager or teller yung balance mo.
.tatanungin ka now," ferds me credit card ka na ba? "..syempre sasabihin mo, wala po mam, lagi pong reject..hahaha..sasabihin ni friendly bank manager- ganon ba? sige ako bahala sa yo.. tapos syempre dahil lagi ka nga rejected or basted sa mga naapplyan mo..o oo k nalang at sasabihin mo, for the sake of pakisama- sige po mam oks po yan apply po ako ulit..then bibigyan ka na namn ng list of requirements..
kaso dahil sawang sawa ka na nga mareject, nag give up ka na..hindi mo na aasikasuhin isubmit yang complete requirements.. pro syempre fill up ka parin ng application..
parang nanliligaw ka parin. kasi clear na nagsignify ka ng intention na gusto mo siya, kaso sa isip mo basted din naman to..wala ring mangyayari, paasahin ka lang ulit..aksaya lang sa gasolina at toll.hehehe.
hanggang sa mainip narin yang si friendly bank manager..siya na mismo gagawa ng paraan..kahit kulang ka sa documents..kasi nga nasisilip nya balance mo na kaya mo naman magcredit card..responsable ka naman..me savings ka naman..
kaya ayun, Approved na agad, Yes hahaha
so ayun magugulat ka nalang bigla nalang kakatok si LBC sa yo..at me ipapareceived na bagong bagong 1st credit card..
finally nasabi mo sa sarili..Yes!!!! tao ka na! hahaha..now dahil me isa ka ng credit card, ayun excited ka gamitin..panay gamit ka now..kasi convennient..di ka na pawidraw widraw..badtrip kaya yang widrawal..hehehe..kaskas ka nalang ng kaskas now..
so now lalabas yung billing, medyo malaki bill kakakaskas mo..eh dahil responsable ka naman at nagagawa mo naman ang responsibility mo as credit card holder, full payment ka ng full payment..ayun magugulat ka ulit, kahit di ka naman nag apply sa iba, aba Automatic approved ka na agad sa ibang credit card..ikaw na liligawan..hahaha
so gagawin mo, sige accept lang ng accept ng credit card tutal nandyan na yan..tutal maganda naman tingnan yung card..hanggang maging 6 na yata credit cards mo..hahaha
so prang sa lovelife din no? mas attractive sa mga babae yung mga lalake na in a relationship na..prang nachachallenge mga babae .or siguro naisip nila magaling magmahal si lalake kasi in a relationship na yung lalake..tingnan mo sa tulfo..panay kabit or 3rd.party ang issue..
so parang lovelife nga yung creditcards, pag meron ka ng lovelife talaga..mas bibigyan ka pa ng ibang lovelife..if me credit cards ka na..mas lalo ka pa bibigyan ng additonal creditcards
unlike if single ka, hindi ka in a relationship.prang hirap na hirap ka makakuha ng kahit isang jowa man lang..hehe.prang creditcards, if wala ka pa kahit isang credit card, napakahirap maaaproved..hehehe
kaso after some time, marirealized mo, aba magastos pala to if madami ka credit card kasi me maintenance fee kahit bihira mo naman gamitin..hahaha
tapos maguguluhan ka pa sa kakamonitor or kung ano gagamitin mo kasi nga ang dami nila..at mapapagastos ka talaga..
hanggang marealized mo na mali nato..ikacut mo na now yung mga credit cards mo na mahal ang maintenance fee or ayaw magpawaive ng fees at mataas ang interest..so ikacut mo na if toxic na at me attitude kasi ayaw magpawaive ng annual fee eh wala naman din gaano naitutulong sa buhay mo..hehehe
then pag sinabi mo na ayaw mo na at icut ko nato..tsaka naman magbabago ihip ng hangin at ikaw pa kakausapin ulit na wag mo na icut..kaso decided ka na talaga..kasi nga attitude..
so.mangyayari babalik ka sa isang credit card nalang na sa experience mo ay lower interest at Low Maintenance lang..at walang attitude pag me request ka..kumbaga siya yung the one mo..siya na yung ka long term relationship mo kasi happy kayo sa isat isa..kasi give and take..
pro syempre di mo ikacut lahat..magtitira at magtitira ka ng isa pang credit card na pang reserva lang..pra me sumalo sa yo in case na mawala or magloko ang service ng long term credit card mo..hahaha
so ganyan nga siguro..ang lovelife ay prang creditcard lang..hahaha

Friday, August 6, 2021

ECQ na naman..lintek! hahaha

ibabalandra ko na naman tong ID nato panlaban sa veerus..

kung kelan medyo makakabwelo na sa ekonomiya at sa lovelife..hays.. tsaka naman maglolockdown lockdown.. suggestion ko, bakit hindi nalang padamihin ang mga ospital? surely yung bilyon bilyon na gagastusin sa Ayuda, bakit hindi nalang ipampagawa ng mas maraming ospital, pra hindi maoverwhelm mga ospital natin, tutal madami naman tayong Nurses..hindi naman na mawawala yang covid na yan...dapat learn to adapt nalang sa new normal at me bakuna na na naman.. hindi yung puro lockdown lockdown at checkpoint ang solution..

at ano kaya silbi ng checkpoint at curfew sa covid? night shift po ba ang covid? at yung checkpoint, lalo nyo lang pinapakalat ang virus sa mga checkpoint..hays buhay


 


 

MANILA — Laguna, Cagayan De Oro, and Iloilo City will return to the strictest lockdown level to contain the highly contagious Delta coronavirus strain starting Friday until Aug. 15, MalacaƱang said on Thursday night.

President Rodrigo Duterte approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force (IATF) to place Laguna, Iloilo City and Cagayan de Oro under ECQ, according to Palace spokesperson Harry Roque.

He added that Cavite, Iloilo province, Rizal, and Lucena City will be placed under modified enhanced community quarantine (MECQ) during the same period.

Batangas and Quezon provinces will be under general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions also during the same period.

Metro Manila, home to at least 13 million people, will also be under ECQ from Aug. 6 to 20.

nasa batangas ang future.

 nasa batangas ang future.. dito dapat magmigrate next year..dahil for sure, hindi na matatapos tong ecq ecq nato sa NCR plus nato including Laguna..paulit ulit lang to...yung batangas di masyadong lapitin ng ecq, at mas madaming clients ng soldering tools, hindi masyadong problema ang parking, me mga masarap na lomihan, accessible sa Slex at Star tollways..madaming mura murang farmlot, at konting ire lang nasa bitches kana sa laiya, nasugbu, calatagan ,lobo..etc..wala ka ng hahanapin pa sa batangas sa totoo lang..magaganda rin yung mga kilala kong batanguena..hahaha..kung tutuusin dapat nga ilipat na yung capital ng Pilipinas sa Batangas.. #batangas #soldering

Thursday, August 5, 2021

hays mayora, konting askyon naman!

 

with due respect sa ibang mayors, but sa nakikita ko sa fb sa ibang cities kung gaano chaotic yung systema nila ng vaccination, naaapreciate ko now yung aming city mayor dito sa Santa Rosa, mayor Arlene Arcillas,
yung 1st shot ko was done in 10 minutes.. walang kahirap hirap..all staff are magalang..
ang reklamo ko lang no?, ni hindi man lang kami binigyan ng kape man lang from starbucks or conti's cake man lang habang binabakunahan! hays mayora, konting askyon naman!

Wednesday, August 4, 2021

Nakakatamad din palang maging tamad

 

Nakakatamad din palang maging tamad..sooner or later mauubos din yung katamaran mo sa katawan.. at magugulat ka nalang, hindi mo namamalayan, parang sobrang ganado ka na sa magwork.. parang now, wow sipagan ko kaya for a change?.. hehehe
sobrang tinatamad kasi ako magwork the past few days gawa ng parang wala rin naman silbi.. nanood lang ako netflix buong araw, buong gabi.. parang if magwork ako ng husto, yayaman lang ako..hehehe
and then for what?? parang walang motivation..aanuhin mo pera kung wala ka namang babaeng pagkakagastusan di ba??hehehe.. wala naman ako lovelife..malungkot sa gabi, walang makayakap.. then kahit ano pa gawin mo, mas gusto pa nga ng mga babae yung mga walang masyadong ginagawa, kasi madami silang oras..hehehe
statistically speaking, mag observe ka? ilang ang kakilala mo na lalake professional na me maayos na buhay na wala ring partner katulad mo? hindi ba ang dami??
ilan ang kakilala mo now na walang work, na walang jowa? hindi ba wala?? lahat ng kilala mong walang work, is lahat me jowa? hehehe
kasi based now sa observation, ang gusto talaga ng babae is hindi yung Kapogian, hindi yung kamachohan, hindi yung pera.. hindi yung bahay..hindi yung kotse.. ang gusto talaga ng mga babae sa lalake is yung ORAS..or time..
pero balik tayo sa kamataran.. so yun nga
mauubos at mauubos din pala yung katamaran mo sa katawan..sooner or later, ke me motivation or wala, babangon at babangon ka to work for the sake of working..

Tuesday, August 3, 2021

nasa sariling kamay talaga natin ang ikakachampion natin

 silently weeping in the pain of previous defeats, losses, rejections & heartbreaks.. while quietly building a micro-scale business empire that centers around hand soldering..

if you are a huge underdog like idol Carlo Paalam of Cagayan de Oro, the one sensible thing to do to have a winning chance, is to be aggressive from the start, keep swinging until the very end!
at nasa sariling kamay talaga natin ang ikakachampion natin, literally & figuratively, hahaha
congrats
idol Carlo Paalam, you're an inspiration! #CarloPaalam

be like Russians , and buy your own Dacha.

Dacha settlements are usually an hour or two outside the city, and are made up of rows of simple houses and vegetable patches.Alexander Nemenov / AFP
 
Wala ng maisip na solution at suggestions yung mga feeling experts kuno sa kunsinumang octa octa na yan... kundi lockdown lockdown at checkpoint checkpoints .. lalo lang pinapahirapan mga tao.. world's longest lockdown.. 
 
at hindi mo na need maging expert pra maisip na mas magkakawahan pa sa mga chokepoints/ checkpoints..at gaya ng sinasabi ng karamihan, ano kinalaman ng alak at curfew sa virus? dapat nga mas open mga palengke, supermarkets/mall sa gabi, pra hindi masyado congested sa umaga...
hay buhays.. on the short term, tutal wala ka naman magagawa, so manahimik nalang.. magtalpak na nga lang! hahaha, at intayin nalang matapos yang Aug20 na yan..
in the long term, be like Russians , and buy your own Dacha..maybe somewhere in Batangas, or Quezon Province or Bicol.. pra iwas sa mga lockdown lockdown nato dito sa NCR plus, dahil tong covid nato, hindi nato matatapos, after nitong delta variant nato, me epsilon, zeta, hanggang omega variants naman darating.. pra kang bumalik sa UPLB na me alpha beta kappa omega.. hehehe

Monday, August 2, 2021

Aug2 online diary

 Aug2 online diary

monday again, my favorite day..
nasa Political Will rin to talaga..pag gusto mo at need mo talaga ang isang bagay, at naset mo ang utak mo na eto need ko talaga to..gagawa at gagawa ka ng paraan..pra makuha mo to..gaano man kahirap or kalayo, ecq man o hindi..pupuntahan at gagawin mo yan..dapat mas malakas ang pwersa ng political will kesa hatak ng katamaran..
ang sarap kaya humilita lang maghapon sa malamig na room at manood nalang ng netflix..pro isipin mo..ano na mangyayari sa buhay mo? at sa mga taong umaasa sa yo?
budgetary constrain nalng talaga ang medyo maglilimit sa yo..dun ka medyo panghihinaan ng loob..pero dun ulit na papasok yung polical will na if gusto me paraan, if ayaw me dahilan..
Work5x!

Thursday, July 29, 2021

isa lang masasabi ko dito sa OCTA OCTA nato

 

isa lang masasabi ko dito sa OCTA OCTA nato- TANG Ina nyo!! feeling health expert tong political science prof nato.. Papogi at the expense of Millions of breadwinners..papogi at the expense of millions of Filipino workers.. ciruit breaker lockdowns,..ni hindi nyo nga maexplain ibig sabihin nyan circuit breaker ek ek na yan.. #octa
---
"Poorly designed studies and media-hyped jumping to conclusions by amateur fortune tellers causes harm by making people panic and taking needless risks," said Dr. Edsel SalvaƱa, a member of the government's Technical Advisory Group on COVID-19.
"This is why we need real experts and not epistemic trespassers," he said in a Facebook post.
OCTA's projections and analyses on COVID-19 in the Philippines "sometimes scare people and cause panic," he said.

Tuesday, July 27, 2021

hanep ka boy!

matagal nako nagtitimpi sa mga feeling expert nato na OCTA nato.,

upon google search
Ranjit Singh Rye =
Assistant Professor of Political Science
Professor of Political Science, hanep ka boy! feeling expert sa pandemic, me Micriobiology 101 man lang ba yung BS pol sci? kaya mo ba pakainin yung milyon milyon na tao na naman pag sinarado naman ekonomiya dahil dyan sa feeling expert na suggestion na lockdown na naman? baka mas mataas pa transmission rate sa lockdown lockdown kasi gawa ng checkpoint checkpoint, mas me contact pa yung frontliner na tagacheckpoint at chineck ..
feeling expert tong OCTA nato.. tapos pag tiningan mo degree, pol sci pala...tang ina..
mas maniniwala pako, at aaccept, if like mga expert sa UP-PGH or RITM upon consultation sa Business sector or DTI ang nagsuggest sa lockdown , mga ganon..

Monday, July 26, 2021

Sunday, July 25, 2021

online diary july 24, 2021 = 190.6lbs

 


online diary july 24, 2021
= 190.6lbs
remarks= super overweight..
target weight = 170 lbs
overweight =20.6lbs
to myself: Kung magwoworkout pako..mapapagod lang ako..tapos baka magka Abs pako na katulad ni brad pitt.. so baka me magkagusto pa sa aking sexyng babae.. baka ichat pko..baka jowain pako.
.baka magulo lang buhay ko..tapos gagastos ka pa sa date at gasolina at toll, di ka makakaipon ng pambili ng farm..
then makikita mo lang din me kachat na iba habang magkasama kayo.. magseselos ka pa..masama sa mental health..hehehe..
so conclusion= wag nalang magworkout..masama sa ekonomiya at mental health yang pagwoworkout..at accept nalang na mataba kesa mapagod ..okei okei???

Friday, July 23, 2021

puro asa nalang

 

puro asa nalang sa social media yung gmanews, tv5, abs-cbn..yung mga small things na halos common naman, at wala naman relevance sa public, masabi lang me nabalita..
katulad ng PINAKOPYA KO NOON, JOWA KO NA NOW... tang-ina.. balita ba yan??? badtrip!!! nagbabayad kami ng internet at nagbabasa kami ng ads nyo,,
masakit yung nanakawan ka, pero at least kikitain mo pa yung nanakaw sa yo, pero yung oras na ninakaw sa yo, maibababalik pa ba yun ha? gmanews, tv5, abs-cbn????

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope