12.21.2022 3am
Dear diary,
Sorrey po sa lahat ng namamasko..ako dapat yung mamasko sa nyo..huhuhu.
BIR San Pablo just killed me yesterday.. kinaya ko yung 10yrs na loniliness..kinaya ko yung mga pangscam ng mga babae..hahaha..pero to wala talaga..hindi ko alam, 1k nlang pera ko now sa Atm.. hindi ko na magalaw yung cash namin sa bangko... yes naignore ko yung 30days notice..dahil alam ko oks naman kami..nagkocomply naman kami..granted kasalanan ko nga di ako nakasipot within 30days, pero sapat ba yun pra ganito gawin sa yo? Ifreeze bank account mo at ipenalize ka talaga ng 1.6million at wala ka na daw magagawa kundi bayaran yun? Tama ba yun? Bale lahat na ng pinaghirapan mo, sa penalty pupunta...we are paying religiously heavy tax, all kinds of tax/custom duties since 2009.. big injustice.
Kahit anong tingin ko sa records namin..tama naman yung dineclare na 2019 gross sales ng bookkeeper namin..
kasi puro big companies mga clients namin..Kaya lahat ng sales, me invoice, me receipts..nakadeclare lahat ng sales..maayos kami..small time at pipitsugin lang shop namin at wala kami pambayad ng lawyer kaya from the start, nagkocomply kami sa lahat ng Bir requirements.
Yun na nga lang penalty na failure to keep manual records of purchases,ek ek 30thousand pesoses agad penalty..eh nasa shop lang naman yung libro ng purchases..100 thousand pesosos penalty dahil late daw sa 2019 ITR filing, eh kung sakaling late nga, di ba lockdown nung april 2020? At kasama na yung penalty sa computation noon pa sa binayaran na noon pang 2020?
I just realized who, are truly the KIngs of the land..hindi mga politiko, kasi if me abuses/mistakes ang mga politiko, me ombudsman...at pag election.pwede sila matalo...Pag me abuses/mistakes yung police, pwede ka lumapit sa Nbi or napolcom...pwede sila matanggal..
how about yung sa BIR? Who are checking them? They are truly the most powerful entities as they have the capability to hurt you the most..by hurting your cashflow.. they can ruin your life by just some audits and reports you cant understand..
Next time, now i know..lessons learned the very hard and most painful way.. now i know kung kanino ka talaga dapat magbibigay pugay..kung sino yung mga hindi mo pwede iignore na mga tao..
Galit na galit ako sa mga npa, now prang gusto ko na mag npa..hahaha..langyang gobyerno to..imbes na tulungan mga negosyante lalo na at now palang nakakaahon sa pandemic. Sila pa sisira sa business mo.
Lesson learned talaga..pro sabi ko nga mam, pwede nyo naman ako turuan ng leksyon na masasaktan ako..like 100k pesoses na leksyon, sakit na non 100k...pero wag naman ganito kalaki at now ifreezee nyo cash namin, pano ko pa po lalo maaayos to?
Now pano na kaya ako nito? Huhuhu..Hays...makapag abroad nalang kaya? Or magtinda ng goto sa kanto? Mas malaki pa nga kita ng gotohan kesa sa mga katulad kong supplier ng soldering at microscopes, gotohan wala halos tax..at di ka sisingilin ng kung ano anong penalty ng bir..hahaha
Merry xmas to all!!
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!