The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Saturday, August 21, 2021

Aug21, 2021saturday nite life self-examination

 Aug21, 2021saturday nite life self-examination

“An unexamined life is not worth living” – Socrates
as a salesman, rejections are part of our daily lives.. so kung lagi ka narereject sa lovelife.. kahit pogi ka naman, hahaha, isipin mo nalang salesman ka.. hahaha.. hindi bat yung most favorite client mo now is 3 years ka rin nirereject bago ka napansin, at now 7 years & going strong ka dun most favorite client mo na isa sa pinakamalaking factory sa Pinas.. kahit maliit lang ang PO nila sa yo per month, at least regular..
isipin mo yung 3 years ka quote ng quote, 3yrs ka work ng work sa mga gusto nila, pero ni piso di naman naorder.. kumbaga is 3 years kang basted ng basted.. hahaha, pero ng umorder na ng ilang pirasong tweezers sa halos 1/3 price lang ng dati nilang supplier at ang quality maganda rin..at nadeliver mo agad the same day.. aba.. yun na ang start
so part talaga ng buhay mo ang mareject, part ng buhay mo ang mabasted..
as sales engineers, we combine our technical background as engineers with our selling skills to persuade our clients to buy our products
as distributor, we have the responsibility to make our principals (aka our bosses) happy by selling the products they produce to the end users. nandyan ang mga resellers natin to help us.
medyo ang hirap ng buhay now..mahirap magbusiness now..madaming factory na nagsasara.. nawawalan tayo ng mga clients.. hindi na tayo nababayaran,..huhuhu
plus yung walang katapusang red tape sa gobyerno to comply to their requirements. now i see, hindi mataas na electricity cost ang cause bakit konti nag iinvest sa atin.. RED TAPE sa gobyerno ang main cause bakit tayo napag iiwanan ng vietnam, indonesia, malaysia, taiwan.. pag me RED TAPE, syempre nandyan ang korupsyon dun to the lowest level..
malimit parang nawawalan ka narin ng pagasa sa buhay.. pero lahat naman ng tao now me pinagdadaanan.. sino ba wala?
so kung basted or sablay ka man lagi sa lovelife now.. masakit talaga yun,, at medyo struggle magbusiness now gawa ng present situation.
still, wala ka karapatang sumuko.. madaming umaasa sa yo.. fight lang, makikita morin yang Jessy Mendiola na magiging forever mo at maaayos din yan mga challenge sa business.. lower cost at high quality yang mga soldering products at mircoscopes na binebenta mo.. so tiwala lang.. makakaquota ka rin starting january next year..
gawin mo, manahimik ka nalang muna this Aug21-Sept30.. self imposed Lockdown muna.. Blackout Strictest Totally Tanginang Lockdown.. 1month manahimik sa isang tabi..
then maghanap ka muna ng maayos na lovelife starting sthis October1..mas importe na makapag asawa ka muna at makapag settle down as family man.. then tsaka ka magpayaman nex year.. hahaha,, aanohin mo naman ang pera if wala ka naman kasama sa buhay? ano yan mag-aalaga ka nalang din ng aso? eh takot ka sa rabies at tamad ka maglinis ng shit ng aso,.hahaha
sundin mo ang mga bosses/suppliers mo ng soldering tools sa China at indonesia..humanap ka ng young wife from the province.. yung fertile pra mabigyan ka ng anak agad.. hahaha,, yung masipag at energetic pra makahelp sa pagpapalago ng business..
if hindi mo susundin ang mga boss mo, mawawalan ka ng financiers.. mawawalan ka ng soldering tools na ibebenta sa mga factory clients, yari ka, wala ka pambayad ng meralco.. hahaha
gawin mo now, lie low muna sa business this year... tutal hirap din naman talaga magbusiness now. maghasa muna ng mga tools, ayusin mga systema.. 1 step backward..then 2 steps forward, bawi nalang next year starting january 2022..
medyo broke ka na now, kasi tagal magbayad ng mga clients, yung iba nga ayaw ng magbayad at magsasara na daw sila.. then daming expenses.. syempre kahit walang sales, tuloy ang sweldo ng mga tao at renta sa shop at panay dating parin ng mga shipments ng soldering tools di ka mapahiya sa delivery sa mga clients..
yun ang kagandahan pag mapagkakatiwalaan ka sa pera..isang skype at email mo lang sa mga suppliers abroad, papadala agad sa yo yung items, kahit na wala pang bayad.. yan kasi yung Guanxi. kasi alam ng mga boss mo, ireremit mo yung pera pag nagbayad na clients.. at pag kahit hindi nagbayad ang clients, kukunin mo sa sarili mong bulsa yung pambayad sa items na pinadala nila..
para hindi masira yang Guanxi.. Guaxi is parang facecard mo yan.. imbes na credit card pambayad mo.. mukha mo yang pambayad mo..
so gawin mo umutang nalang muna ulit sa rich mother mo at sa BPI this December.. pra January 2022 next year na medyo okei na situation, oks na vaccination, well capitalized ka na..well funded ka,, wag ka mahiyang umutang tutal marunong ka naman magbayad..
dahil ang motto mo sa buhay ay- Honor, Duty, Obligation
still, ang main goal in life mo now, at ipagdasal mo now is magka asawa ng kasing ganda ni Jessy Mendiola (syempre hihinge ka rin lang ke Lord ng favor, gandahan mo na yun hihingein mong pabor, hahaha) at magkaron ng sarili mong mini farm resort by 2023-2025, parang mini version ng san benito farm resort sa lipa batangas..

Wednesday, August 18, 2021

ewan ko lang,

 

ewan ko lang, dito ka lang sa pinas makakita ng mga babae na nakashorts shorts pero nakacycling..sa hongkong nakita ko, halos lahat ng girls nakashorts shorts pro wala naman nakacycling..hehehe
dapat imbestigahan to ng mga senador in aid of legislation!

Ms. Rhian Ramos at San Benito Farm at Lipa City, Batangas

 









Photos taken from IG:

whianwamos

#AbolishPartylist #ABOLISHSENATE

 

        DUMPER Partylist Rep. Claudine Bautista (Photos from Michael Cinco Couture’s Facebook)

tagal natong sinasabi ng mga tao.. iabolished na natin yang Partylist system na yan.. front lang yan ng mga NPA at mga mayayamang politiko na hindi manalo nalo sa eleksyon.. pabigat pa yan ng husto sa mga katulad nating taxpayers...
pati Senate, iabolish narin natin, para tipid na tayo, mabilis pa ang proseso ng legislatura, mabilis mabago batas pra makaadapt sa mabilis na pagbabago ng panahon.. mabilis ang pag unlad natin, tipid pa!
mangyayari, magpafile ng bill sa lower house, then ipapasa sa lower house, then papafile ng bill sa upper house (senate), then bago pa makapasa ulit.. then magkoconvene pa yung dalawang house pra iintegrate sa isang bill, napakahaba ng proseso.. at napakagastos.. then tsaka palang iveveto or approve ng president..

Friday, August 13, 2021

Lacoste daw


 
biktima na naman ng japeks.. pag sa fb ads talaga pag damit japeks..sa ads kasi, original Lacoste daw from france..tapos now pagkita mo from tokyo japan pa daw pro halatang japeks ..hays..sayang 1.7K ko.hahaha ..since 2006 pa kami online seller s sulit.com.ph pa non, then sa fb, sa lazada, etc..pro wala pa kami niloko kahit isang online buyer.. kaya di ko gets pano nakakaya ng iba manloko sa kapwa..tapon ko nalang tong tang inang japeks nato or gawing basahan.. hahaha
or siguro maisuot nalang pag kumain ng goto or pares sa madaling araw..hahaha
pinost ko to pra di na makapambiktima ng iba

 

#acceptance

Sarap pala sa feeling pag naaccept mo na wala ka talaga pagasa sa lovelife.. na di ka jowable..na talagang ang silbi mo sa mundo is para magwork work work.. hehehe. pra ka narin nakalaya sa kulungan na ikaw mismo ang gumawa..
then now, lahat ng tao me pinagdadaanan, so sabi mo sa sarili mo, jabonga jabonga wag ka ng dumagdag pa! so its about time na palayain mo na sarili mo!
nagsawa ka na mamalimos ng konting pagmamahal at oras..naisip mo, bat ganon, pogi naman ako (pagbigyan nyo na,hehehe), loyal, lahat ng gusto binibigay.. i dont deserve this.. so palayain ang sarili.. so its like a breath of fresh air..
its like.. ok, im single, then i'll just be happy about it..

Thursday, August 12, 2021

Goal in Life..


Aug12, 2022 online diary
-ibenta mo na lahat ng kaya mo ibenta.. pati bayag mo ibenta mo narin kung me bibili...hahaha. isolder mo na lahat ng isolder, lunurin mo ang sarili sa work5x.. magpakumbaba ka lagi kahit pa minsan naiinis ka na sa takbo ng redtape sa gobyerno at developer na talaga namang balakid sa pag-unlad..magcomply ka nalang, pra tapos ang usapan at hindi ka mawala sa focus sa mas mahalagang bagay sa buhay mo.
umiwas ka na sa mga bagay na mag-aaksaya lang ng oras mo, gaya ng mga usaping politika, at pag sa tingin mo ay syunga or abusado yung ibang tao sa lipunan kagaya ng mga politiko at mga kotong traffic enforcers, ikaw nalang ang mag-adust..
pilitin mong umiwas sa gulo, at ikaw nalang mag-adjust, katulad nitong kung sino mang kapitbahay na 2 weeks na nasa harap ng bahay mo yung black innova na nakakaabala na talaga, malamang dedo na battery nitong innova nato, 2 weeks na halos nakatambak ba naman dito, abala na.. at tong isa pang old school corolla na sobrang ingay ng makina (palitan mo na sir yan ng timing belt) , gising ka talaga pag nagpark sa harap mo.. ginawa na nila talaga regular na parkingan yung harap ng bahay..huhuhu
pro habang tumatanda ka talaga, mas pinipili mo nalang umiwas sa gulo, kahit talagang badtrip ka na ha.. kumbaga iniisip mo nalang, aksaya lang to sa oras.. not worth it.. ikaw nalang mag-adjust
ilang taon ka narin depressed, at napanood mo na yata lahat ng series ng sci-fi at war historical genre sa netflix so tumigil ka na! me hangganan din ang katamaran at depress dedpress san ng mga tao.
at madaming umaasa sa yo at madami kang bayarin para magtamad tamaran at magdepress depressan! ayan tuloy ang taba mo na now, sarap kasing kumain ng kumain at uminom ng alak habang buong araw ka watch ng netflix at putlockers.. Tigil mo naya! hahaha
ang main goal now this 2021 is magkajowa ng taga Cavite, or Batangas, or 3rd & 4th district of Laguna or Antipolo or Tanay, Rizal Area or Quezon province.. at dun bumili ng small farm sa 2022 na pwedeng gawing small farm resort sa 2027.. dahil bukod sa electronics, nasa agricultura at turismo parin ang ekonomiya ng Pilipinas..
so tama na mema, work work work na!

Monday, August 9, 2021

Lovelife101

 

to myself-
pahinga lang, then try ulit.. mas malaki mawawala sa yo if hindi ka ulit magtatry.. bale nakaka take 7 ka ng bagsak sa lovelife.. anyway sanay ka naman na laging bagsak.. di ba inabot ka ng take 7 sa Ensc 1, EE13, at EE130 bago ka nakagraduate ng Engineering? hehehe,, kaya nga master na master mo na course mo, kahit di ka nagreview , pasado ka agad take 1 sa board exam? hahaha..
ganon din yun..di ba nga inabot ka ng 10 years sa college bago nakagraduate sa Chem Eng.. so ganon din siguro yan,. aabutin ka muna ulit ng 10 years, bago ka makagraduate sa pagiging single.. hehehe..bale naging single ka 2012.. so mag 10yrs ka na single this 2022..hehehe
so pahinga lang muna ng 2 months, kumbaga is sembreak.. tapos enroll ulit sa Lovelife101.. bale pang take 8 mo na next sem.. tingin ko maipapasa mo na yan finally at makakagraduate ka na sa pagiging single.. hahaha

Ang Lovelife at ang Mastercard..bow..

 

tingin ko yung lovelife, prang creditcard lang din siguro..need yan sa buhay if gusto mo medyo convenient at happy ka sa buhay..at kahit papano me matatakbuhan ka pag nangailangan ka..hehe.. kasi me zero interest naman..

so sa una panay ka reject, kahit anong sipag mo mag-apply, kahit nagcomply ka sa requirementes, kahit me pambayad ka..kahit ilan na naapplyan mo rejected ka! basted ka..frustrated ka lagi..dissppointed at awang awa sa sarili..hahaha..
hanggang maggive up ka na sa pag- apply, until me isang angel na friendly bank manager or friendly teller na makikilala ka kasi mabait ka naman na customer, di ka naiirita kahit minsan sobrang haba ng pila sa bangko..kasi syempre napunta ka sa banko to transact..then masisilip na ni bank manager or teller yung balance mo.
.tatanungin ka now," ferds me credit card ka na ba? "..syempre sasabihin mo, wala po mam, lagi pong reject..hahaha..sasabihin ni friendly bank manager- ganon ba? sige ako bahala sa yo.. tapos syempre dahil lagi ka nga rejected or basted sa mga naapplyan mo..o oo k nalang at sasabihin mo, for the sake of pakisama- sige po mam oks po yan apply po ako ulit..then bibigyan ka na namn ng list of requirements..
kaso dahil sawang sawa ka na nga mareject, nag give up ka na..hindi mo na aasikasuhin isubmit yang complete requirements.. pro syempre fill up ka parin ng application..
parang nanliligaw ka parin. kasi clear na nagsignify ka ng intention na gusto mo siya, kaso sa isip mo basted din naman to..wala ring mangyayari, paasahin ka lang ulit..aksaya lang sa gasolina at toll.hehehe.
hanggang sa mainip narin yang si friendly bank manager..siya na mismo gagawa ng paraan..kahit kulang ka sa documents..kasi nga nasisilip nya balance mo na kaya mo naman magcredit card..responsable ka naman..me savings ka naman..
kaya ayun, Approved na agad, Yes hahaha
so ayun magugulat ka nalang bigla nalang kakatok si LBC sa yo..at me ipapareceived na bagong bagong 1st credit card..
finally nasabi mo sa sarili..Yes!!!! tao ka na! hahaha..now dahil me isa ka ng credit card, ayun excited ka gamitin..panay gamit ka now..kasi convennient..di ka na pawidraw widraw..badtrip kaya yang widrawal..hehehe..kaskas ka nalang ng kaskas now..
so now lalabas yung billing, medyo malaki bill kakakaskas mo..eh dahil responsable ka naman at nagagawa mo naman ang responsibility mo as credit card holder, full payment ka ng full payment..ayun magugulat ka ulit, kahit di ka naman nag apply sa iba, aba Automatic approved ka na agad sa ibang credit card..ikaw na liligawan..hahaha
so gagawin mo, sige accept lang ng accept ng credit card tutal nandyan na yan..tutal maganda naman tingnan yung card..hanggang maging 6 na yata credit cards mo..hahaha
so prang sa lovelife din no? mas attractive sa mga babae yung mga lalake na in a relationship na..prang nachachallenge mga babae .or siguro naisip nila magaling magmahal si lalake kasi in a relationship na yung lalake..tingnan mo sa tulfo..panay kabit or 3rd.party ang issue..
so parang lovelife nga yung creditcards, pag meron ka ng lovelife talaga..mas bibigyan ka pa ng ibang lovelife..if me credit cards ka na..mas lalo ka pa bibigyan ng additonal creditcards
unlike if single ka, hindi ka in a relationship.prang hirap na hirap ka makakuha ng kahit isang jowa man lang..hehe.prang creditcards, if wala ka pa kahit isang credit card, napakahirap maaaproved..hehehe
kaso after some time, marirealized mo, aba magastos pala to if madami ka credit card kasi me maintenance fee kahit bihira mo naman gamitin..hahaha
tapos maguguluhan ka pa sa kakamonitor or kung ano gagamitin mo kasi nga ang dami nila..at mapapagastos ka talaga..
hanggang marealized mo na mali nato..ikacut mo na now yung mga credit cards mo na mahal ang maintenance fee or ayaw magpawaive ng fees at mataas ang interest..so ikacut mo na if toxic na at me attitude kasi ayaw magpawaive ng annual fee eh wala naman din gaano naitutulong sa buhay mo..hehehe
then pag sinabi mo na ayaw mo na at icut ko nato..tsaka naman magbabago ihip ng hangin at ikaw pa kakausapin ulit na wag mo na icut..kaso decided ka na talaga..kasi nga attitude..
so.mangyayari babalik ka sa isang credit card nalang na sa experience mo ay lower interest at Low Maintenance lang..at walang attitude pag me request ka..kumbaga siya yung the one mo..siya na yung ka long term relationship mo kasi happy kayo sa isat isa..kasi give and take..
pro syempre di mo ikacut lahat..magtitira at magtitira ka ng isa pang credit card na pang reserva lang..pra me sumalo sa yo in case na mawala or magloko ang service ng long term credit card mo..hahaha
so ganyan nga siguro..ang lovelife ay prang creditcard lang..hahaha

Friday, August 6, 2021

ECQ na naman..lintek! hahaha

ibabalandra ko na naman tong ID nato panlaban sa veerus..

kung kelan medyo makakabwelo na sa ekonomiya at sa lovelife..hays.. tsaka naman maglolockdown lockdown.. suggestion ko, bakit hindi nalang padamihin ang mga ospital? surely yung bilyon bilyon na gagastusin sa Ayuda, bakit hindi nalang ipampagawa ng mas maraming ospital, pra hindi maoverwhelm mga ospital natin, tutal madami naman tayong Nurses..hindi naman na mawawala yang covid na yan...dapat learn to adapt nalang sa new normal at me bakuna na na naman.. hindi yung puro lockdown lockdown at checkpoint ang solution..

at ano kaya silbi ng checkpoint at curfew sa covid? night shift po ba ang covid? at yung checkpoint, lalo nyo lang pinapakalat ang virus sa mga checkpoint..hays buhay


 


 

MANILA — Laguna, Cagayan De Oro, and Iloilo City will return to the strictest lockdown level to contain the highly contagious Delta coronavirus strain starting Friday until Aug. 15, MalacaƱang said on Thursday night.

President Rodrigo Duterte approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force (IATF) to place Laguna, Iloilo City and Cagayan de Oro under ECQ, according to Palace spokesperson Harry Roque.

He added that Cavite, Iloilo province, Rizal, and Lucena City will be placed under modified enhanced community quarantine (MECQ) during the same period.

Batangas and Quezon provinces will be under general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions also during the same period.

Metro Manila, home to at least 13 million people, will also be under ECQ from Aug. 6 to 20.

nasa batangas ang future.

 nasa batangas ang future.. dito dapat magmigrate next year..dahil for sure, hindi na matatapos tong ecq ecq nato sa NCR plus nato including Laguna..paulit ulit lang to...yung batangas di masyadong lapitin ng ecq, at mas madaming clients ng soldering tools, hindi masyadong problema ang parking, me mga masarap na lomihan, accessible sa Slex at Star tollways..madaming mura murang farmlot, at konting ire lang nasa bitches kana sa laiya, nasugbu, calatagan ,lobo..etc..wala ka ng hahanapin pa sa batangas sa totoo lang..magaganda rin yung mga kilala kong batanguena..hahaha..kung tutuusin dapat nga ilipat na yung capital ng Pilipinas sa Batangas.. #batangas #soldering

Thursday, August 5, 2021

hays mayora, konting askyon naman!

 

with due respect sa ibang mayors, but sa nakikita ko sa fb sa ibang cities kung gaano chaotic yung systema nila ng vaccination, naaapreciate ko now yung aming city mayor dito sa Santa Rosa, mayor Arlene Arcillas,
yung 1st shot ko was done in 10 minutes.. walang kahirap hirap..all staff are magalang..
ang reklamo ko lang no?, ni hindi man lang kami binigyan ng kape man lang from starbucks or conti's cake man lang habang binabakunahan! hays mayora, konting askyon naman!

Wednesday, August 4, 2021

Nakakatamad din palang maging tamad

 

Nakakatamad din palang maging tamad..sooner or later mauubos din yung katamaran mo sa katawan.. at magugulat ka nalang, hindi mo namamalayan, parang sobrang ganado ka na sa magwork.. parang now, wow sipagan ko kaya for a change?.. hehehe
sobrang tinatamad kasi ako magwork the past few days gawa ng parang wala rin naman silbi.. nanood lang ako netflix buong araw, buong gabi.. parang if magwork ako ng husto, yayaman lang ako..hehehe
and then for what?? parang walang motivation..aanuhin mo pera kung wala ka namang babaeng pagkakagastusan di ba??hehehe.. wala naman ako lovelife..malungkot sa gabi, walang makayakap.. then kahit ano pa gawin mo, mas gusto pa nga ng mga babae yung mga walang masyadong ginagawa, kasi madami silang oras..hehehe
statistically speaking, mag observe ka? ilang ang kakilala mo na lalake professional na me maayos na buhay na wala ring partner katulad mo? hindi ba ang dami??
ilan ang kakilala mo now na walang work, na walang jowa? hindi ba wala?? lahat ng kilala mong walang work, is lahat me jowa? hehehe
kasi based now sa observation, ang gusto talaga ng babae is hindi yung Kapogian, hindi yung kamachohan, hindi yung pera.. hindi yung bahay..hindi yung kotse.. ang gusto talaga ng mga babae sa lalake is yung ORAS..or time..
pero balik tayo sa kamataran.. so yun nga
mauubos at mauubos din pala yung katamaran mo sa katawan..sooner or later, ke me motivation or wala, babangon at babangon ka to work for the sake of working..

Tuesday, August 3, 2021

nasa sariling kamay talaga natin ang ikakachampion natin

 silently weeping in the pain of previous defeats, losses, rejections & heartbreaks.. while quietly building a micro-scale business empire that centers around hand soldering..

if you are a huge underdog like idol Carlo Paalam of Cagayan de Oro, the one sensible thing to do to have a winning chance, is to be aggressive from the start, keep swinging until the very end!
at nasa sariling kamay talaga natin ang ikakachampion natin, literally & figuratively, hahaha
congrats
idol Carlo Paalam, you're an inspiration! #CarloPaalam

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope