Gusto mong sirain ang buhay mo?
Mag small business ka ng legal sa Pilipinas.. guaranteed yan... sira buhay mo in 5-10 yrs.. guaranteed yan,
pero me exception naman, me 1/1000 ka chance na magtagumpay.. so iask mo muna sa sarili mo if sa tingin mo ba kasama ka sa 1/1000 exception ? extreme sipag, determination, connection, sacrifice sa lovelife at a big big luck ang need mo pra makasama dito sa 1/1000
at sa small business,
me gawin kang masama = me kaso ka matic
me gawin kang alam mong mabuting gawin pra sa business mo= me kaso karin
Wala ka gawing masama = me kaso ka parin matic, kasi wala ka nga ginawa..
in short, me gawin kang masama or mabuti or wala kang gawin= me kaso or penalty ka parin..
magsusuffer din ng husto ang mental health mo kakacomply dyan sa sangkatutak na requirements at penalty, at for sure kung me asawa ka now, malamang annulment bagsak nyan. kasi dala dala mo sa bahay yung issue mo sa business
if single ka naman katulad ko, most likely tatanda ka ng binata or dalaga. If fortunate ka naman na makasama ka sa 1/1000 na nagtagumpay, for sure mapipilitan ka nalang bumili ng lovelife..
SA BUSINESS, small or big= HABAMBUHAY KA NA GATASAN NG GOBYERNO. pero wala naman sila tulong na maibibigay sa yo pag ikaw naman nangangailangan..
Ang pinagkaiba lang ng big business sa small business, Big Business has the capacity to fight back, they can afford a battery of top notch lawyers to fight back, small business cannot afford that.. so wala ka kalaban laban
unlike if empleado ka, magsara malugi yang company mo, bayad ka , me separation pay pa. after ng duty mo ng 9pm to 5pm, oks na , wala ka ng iisipin
sa small business, 24 hrs ka mag wowork.. physically & mentally
disclaimer= of course, hindi nako nagbanggit ng mga sangkatutak na ahencia ng gobyerno na nagpapahirap sa mga small business. kasi public post to, syempre takot ako, hahaha
9.14.2026 #onlinediary
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!