9.1.2026 #onlinediary
what a good day, sinabi ko tlaaga sa sarili ko starting this sept1, 2026 babawe ako.. Dahil 10 years ako tambay, dapat 10 years ako magsisipag.. So sept1, 2026 to sept1, 2036 matry magsipag...
1st day palang na nagsipag, medyo maganda na resulta.. Delivered today to 3 factory clients
7 units SMD Rework Hot Air Station
30 pcs ceramic tweezers
5 pcs Thermohygrometers
Kung gaano kasipag at kaeffort dati manligaw at magsilbe sa mga babae, Ganon din dapat kasipag sa panliligaw at pagseserve sa mga clients. Kung paano ko nilibot ang kasuloksulukan ng buong Cavite, Laguna, Batangas at Rizal kakahanap ng lovelife.. This time plano ko ulet libutin mga yan, but solely to visit our valued clients.
Sa babae kasi, wala ka mapapala dyan, kahit gaano mo pa mahalin mga yan, pasilbihan, kahit gaano pa kaeffort at ibigay ang lahat, mapapala mo ay zilch! nothing.. After 2-3 months, iiwan ka lang din Luhaan ka parin in the end.. Iiyak nalang magisa..
Sa clients pag pinagsilbihan mo, pag binigay mo lahat ng gusto , inasikaso mo, sinerve mo at dineliveran ng maayos.. After 2-3 months, at magcheck ka online, bigla ka nlang mapapangiti kahit magisa kalang..
so
Clients=
Babae= 
Alam mo yung feeling na pag bumisita ka sa isang factory na napakalinis, tapos makikita mo yung ceramic tweezers at hot air mo ginagamit nila sa production, masasabi mo sa sarili mo- ako nagpagawa nyan at nagimport nyan, at nagpadeliver dito..
barya barya lang ang kita, then pag kumita ka pa, mauubos lang kakabayad ng tax at penalty sa gobyerno..
Pero yung makita mo na me silbi ka sa mundo, at yung ceramic tweezers na ikaw nagcustomized is ginagamit ng mga magagandang operator sa assembly, yung mafeel mo na me silbi ka sa earth , yun ang priceless...
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!