9.22.2026 #lansones
Dear Charo,
itago mo nalang ako sa pangalang jabonga jabonga,
nag FR just recently si ex na fresh na fresh.
iniwan nya ko dati & she ghosted me at pinaasa asa at pinaikot ikot na babalikan at aasawahin na pagdating ng xmas, so hinayaan ko muna siya at binigyan ng space.. hanggang vc nya ko mismo nung last last xmas season, then kala ko babalikan na nya ko.. yun pala pra lang iinform na me jowa na siya.. at kinumusta lang daw nya ko..
sabi ko " eto malaki parin ang tyan".. sabay civil lang sa vc kasi gentleman naman ako, she vc , alangan namang awayin ko pa, eh nagpapaalam na nga na me jowa na siyang iba at ewan ko ba bat kinumusta pako..
i am deeply hurt then, at kesa madepressed depressed, nageffort nalang ako na magkaron ng mga nagjowa jowaan na mga mas sexy at mas magaganda pa sa kanya kahit na alam ko naman na niloloko lang din ako, pero no choice, gusto kong makalimot.. at least kahit alam kong niloloko lang ako, pumayat ako ng konti ng dahil sa kanila..
Now kung kelan naeembrace ko na tong pagiging magisa, at unti unti na nagheal, now out of nowwhere, nag FR pa siya sa official FB namin, ewan ko ba bat inaccept ko pa.. nakita ko pa tuloy yung mga post nya..
After 2 years, pafully healed na eh, konti nalang makakamoveon na kasii 2 years na eh, nagalaw na naman ang sugat.. hays
9.22.2026 0122 #onlinediary
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!