1.21.2022
dear diary,
wow.. me nagbasa ng online diary ko sa netherlands yesterday, kung sino ka man sir or mam, malamang OFW din siya na siguro bored na bored at pinagtyagaan basahin yung kalungkutan ko sa lovelife..hahaha
parang ang sarap sa feeling na me nakikinig sa yo.. me nakikinig or in this case me nagbabasa sa hinaing mo sa buhay.. prang babaeng shoulder to cry on.. pero instead na ikaw ang gumastos, ikaw pa gagastusan.. hahaha
binigyan ako kahapon ni google ng 0.02 USD or 1 peso dahil dun sa binasa ni Mr or Ms Netherlands yung online diary ko.. salamat po google! hahaha
this pandemic, dahil nga magisa lang ako usually sa bahay, at walang maibahay! walang kayakap, malungkot, eto nag online diary nalang ako.. Hindi po kasi ako marunong pa magtiktok! hahaha. in a way, life is short, so siguro me 20-40 yrs nalang din ako sa earth.. so in a way maganda ring way to para sa future, mabasa ko rin or mabasa ng malapit sa akin, na eto pala ang nangyari non..
Sooner, sa pamamagitan din ng online diary nato. makikita rin ng mga friends, jowa & love ones yung mga photos nila dito na nilagay ko sa online diary ko , kasi yung celfon, computers, nasisira.. pero itong blog nato lifetime nato.. Memories to! hahaha
also, like 10 years from now, mababasa ko rito yung mga kalokohan ko noong araw at pagtatawanan ko nalang yung sarili ko sa kabaliwan ko sa mga babae.. kaya ako laging brokenhearted..hahaha.
pero feeling ko makakatsamba nako this February ng lovelife . Aka Kylie Verzosa! sana ikaw na nga, at nalilito narin si Lord at every year paiba iba ako ng name sa prayers. Dati many yrs ago, si aka Jessie Mendiola ng Taytay, kaso nagdubai siya..sakit! hahaha. so nakilala ko si aka Catriona Gray ng Antipolo, kaso sablay..mas pinili nya yung malapit.. so after many years ng paghahanap ng The One, finally ,in my heart, i find she is The One!
so sana hindi nalang puro brokenhearted tong maida diary ko, finally success narin! pra me maipost naman akong good and happy memories! hahaha
yung memories kasi, para sa akin is priceless! kaya nga willing tayong gumastos na malaki sa mga travel di ba? ano ba napapala natin sa travel afterwards? di ba memories? kaya nga nabili pa tayo ng additional storage na microsd at sdcard sa celfon at dslr to save those moments.. to save those memories!
also, i want to put my thoughts, my ideas in the cloud, because just like Achilles, i want my name Jabonga Jabonga aka soldering soldering to be remembered, even a thousand years after my lifetime..
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!