The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Wednesday, January 31, 2024

#ANGKAS #CORPORATE GREED

1.31.2024 CORPORATE GREED
Dear Diary,
i dont mind if mabash ako ng iba, pero this is my diary & i say
TANGINANG ANGKAS YAN.. 99.999% SAFE DAW HAYOP SA MARKETING STRATEGY.. Ccrporate Greed, Saan kaya nila nakuha yang data na yan?? pra sa akin ang Angkas or Joy ride is 50% safe lang.. meaning pag sakay mo dyan, 50-50 kana..
KAHIT NOON PA, AGAINST AKO SA Motorcycle taxi, hindi talaga safe..
sobrang oks ako sa mga rider at rider din ako, at suki kami ng toktok, lalamove, grab, foodpanda.. yung mga rider/delivery ay sobrang very important part of our economy.
PERO gawin mong parang taxi yung motor like yang Angkas.. hindi talaga safe...meron naman tayong mga jeep, tricycle, grab, taxi , bus..lrt, mrt..
dapat ishoulder ng Angkas lahat ng gastos ng naasiksidente na pasahero pati mga nasirang gamit.. pero sabi ng tropa ko na naaksidente sa Angkas now, hospital bills binayaran nila, pero hindi binayaran mga nasirang gamit like celfon mo na basag sira syempre.. pati mga additional medicines hindi ... at yung trauma at yung malagay sa peligro buhay mo, at yung ilang months ka magpapagaling ng broken bones, kaya ba bayaran yun?
Ang sa akin, wag nila ilagay yung 99.999% Safe.. dapat nakalagay 50% safe lang dahil yun naman talaga ang totoo. pagsakay mo dyan 50-50 ka na, so choice mo na yun kung sasakay ka..
pero ang para sa akin, dapat ipagbawal na yan.. very very unsafe, me mga bus at jeep po tayo na mas safe.. I feel pity sa mga jeepney drivers na mawawalan ng livelihood dahil unsafe na daw mga luma nilang jeepney.. Eh ano masasabi mo sa mga motor taxi? safe ba yun?
AGAIN
yung ilang minuto na matitipid mo sa Angkas angkas, worth it ba na itaya mo buhay mo?? yung makinis mong legs at flawless mung face, worth it ba na irisk?? at ang future mo lalo na estudyante ka, you have a beautiful future ahead..isip isip din..
 

Monday, January 29, 2024

1.29.2024 wala nako paki ke mag away away sina Duterte at Marcos..

 

1.29.2024
wala nako paki ke mag away away sina Duterte at Marcos..
syempre broke ako now at lonelyboy, so main focus ko now is pano ako makakaahon sa kahirapan at makabayad sa mga utang ko, makaipon ng 200,000 USD at 2 jowa na seryoso..

1.29.2024 Dear diary,

 

1.29.2024
Dear diary,
Makuha ko lang 1% ng sex appeal ni elvis presley, malamang magkajowa ako ng kahit ng 5 chicks..
Kaya pala ganon siya kasikat...actually madami ako favorite na kanta ni elvis na nadowlnload ko lang sa youtube, like 'Youve lost that lovin feeling, 'always in my mind' ,
at yung pinaka favorite ko na ' Help me make it through the night '..Kasi nakakarelate ako sa kanta..
"Come and lay down by my side
Till the early morning light
All I'm taking is your time
Help me make it through the night
I don't care what's right or wrong
I won't try to understand
Let the devil take tomorrow
'Cause tonight I need a friend"

Saturday, January 27, 2024

1.27.2024 dear diary, oke tapos nako magmukmok.. hina talaga ng emotional capacity ko

 

1.27.2024
dear diary,
oke tapos nako magmukmok..
hina talaga ng emotional capacity ko..2 weeks din ako masyado naapektuhan ng dahil na naman sa problema sa isang LGU ayaw ako bigyan ng mayors permit dun sa new small business na tinatayo ko at me naregister daw ako nung 2008 sa DTI, hindi ko naclose.. hindi ko naman tinuloy yun, sa dti ko lang naregister
sabi nung santa rosa LGU, iclose ko daw muna sa BIR... then nagsearch naman ako pano magclose ng business sa BIR, dapat daw iclose muna sa LGU.. ano ba talaga??? hahahaha
ANG PROBLEMA SA PINAS, PAG NAGSARA BUSINESS MO, DAHIL NALUGI NGA, MAS LALO KA PA IBABAON NG BIR AT LGU.. LUGI NA NGA EH.. WALA NA NGANG PERA.. LALO KA PA TATAGAIN SA PENALTY PENALTY AT GASTOS, PAPAHIRAPAN KA PA MAKAPAG START ULET..
IMAGINE MO KUNG ILANG BUSINESS ANG NAGSARA LAST PANDEMIC NA KAPAREHO KO ANG SITUATION??
madugong labanan to.. kaya hindi ko na malaman gagawin ng nakaraan, nagpalamig muna.. 1 week nanood ng netflix. sobrang taba ko na lalo..
Nahihiya na tuloy ako makipagmeet sa mga plano kong ligawan... hahahaha. papayat siguro muna.. nagbike ako around the village ng 5km, dapat 10km target ko but it rains..
so now, oks nako tapos na mukmok.. aksyon na dapat.. nagreready na ng mga documents needed...work work wwork...
working at saturday night..
medyo dati, treatment ko sa small business is prang hobby hobby lang. so register lang ng register ng business.. pero ang hirap pala magclose , langya.
para kang nagpakasal.. ang hirap at magastos ang annulment.. hahaha
pero sa tingin ko, after this, tingin ko kaya ko na harapin lahat ng problema ng 1 small business. need ko na talaga iembrace tong lifestyle nato as small businessman, kasi dati prang hobby hobby lang..
need ko lakasan ang loob ko na kayanin to.. yung quality ng items na binebenta namin is very high quality at competitive price. mga clients na naghahanap, so me market talaga, masusurvive ko to sa tulong ni Lord.. Amen

Napagoogle tuloy ako, sa Pacita, San pedro pala lumaki at unang nagbanda banda si boss rico blanco Rico Blanco ..

 

1.27.2024
dear chat gpt,
nakita ko post ni sir MIKEE, about ke rico blanco
Napagoogle tuloy ako, sa Pacita, San pedro pala lumaki at unang nagbanda banda si boss rico blanco Rico Blanco ..
so malamang nagbike din si idol ng BMX nung 90s sa pacita hahaha
tanda ko pa ng nanakaw yung BMX ng pinsan ko si oni dyan sa pacita nung 90s, hahaha
si rico blanco yung parang idol role model ko now, favorite ko yung colab nila ni julie ann san jose, at syempre main goal in life ko now is magkaron ng maris racal.. hihihihi.
ewan ko since taga Laguna at Batangas at Cavite ako (dami kong tinitirahan no?hehehe), prang proud ako pag me nalaman ako na ah ito pala si idol dito rin pala nag-aral or dito rin tumambay or dito pala lumaki..

Saturday, January 20, 2024

mapaschool, mapawork, mapabusiness, kahit sa pagbili or pagrenovate ng bahay, sa lahat.. at pati sa babae..

 

1.20.2024
mapaschool, mapawork, mapabusiness, kahit sa pagbili or pagrenovate ng bahay, sa lahat.. at pati sa babae..
Dadaan ka talaga sa matinding pagsubok at need mo magcomply sa madaming requirements bago mo marating yang tagumpay..
nood muna ko ng basketball sa fb live, strong group ni dwight howard at andre blache vs mga arabo sa dubai.. pampaantok, then sleep na..
Like
Comment
Share



Monday, January 15, 2024

I think im done..

 

1.15.2024 2am I think im done..
Dearest Sofia and panzer,
I'm sorry to you my dearest daughters, i failed you.. God knows i really tried hard to have a GF and get into a serious relationship to give you like a sort of Female barkada or like 'loving stepmom' or Tita to look and check on you.
I really tried my best to get a GF so we can travel together and enjoy it as a normal family..It's very hard for us to travel if I don't have a Gf that will accompany us.
Im sorry also to Our Holiness The Pope in Vacitan as i failed my Christian duty to find a wife and build a fanily.. Finding a Gf is very hard, dearest Pope, so kanino po ako magpopropose?
I'm really sorry because i think I'm done dating and meeting up. I give up..napagod nako. I failed you.
Note:
To all my friends, na niretohan ako at naghelp s akin makahanap ng liligawan, i appreciate you all, you know who you are.
ke nameet ko or hindi yung mga nireto nyo sa akin, i appreciate your efforts.. pag nabroken kayo in the future, 5 buckets of beer is on me..
Thank you thank you..

Saturday, January 13, 2024

1.13.2024 4am WIFE MATERIAL #lasingyarn #wifematerial

 1.13.2024 4am  WIFE MATERIAL #lasingyarn #wifematerial
Dear diary,
wife material..bihirang bihira na babaeng wife material now.. nagkalat yung magaganda at sexy, mabait, pro yung makakilala ka ng maganda na wife material, its very seldom.
VERY VERY pretty up close and personal, Consistent dean's lister during college, from a good family, very kind & nice, highly educated & highly trained in her profession , independent, sobrang sexy pa. what can you say?
Kumbaga sa quality, ano siya desolder pump or solder sucker,  EDSYN SOLDAPULLT DS017 (made in USA), hehehe, best quality in the market, ito talaga standard tool ng mga techncians in the whole world, real talk .
sobrang swerte ng lalakeng mamahalin nito..or minamahal nito currently. prang tumama sa megalotto 6/45
what makes a woman a "wife material" ? you can only ask a drunk man like me to answer it because as a gentleman , we cant say it directly to a woman how we define a " wife material" because we are afraid to offend other women
we can call you pretty, gorgeous, intelligent, sexy, beautiful.. we can easily say it to a girl. But calling a woman - a "wife material" , this is the highest complement we can give to a girl.
You know why? its because as a man, we value our freedom above much much else..  What is the purpose of life, material things, money, power, prestige if you are not free to do what you want?
A man can love you, live with you,  make love with you, have children with you, give all you want, we can love & take care of you, support you in your all fun & cravings..
But he cannot marry you... and give up his freedom ( & richness if there's any)..
UNLESS he calls you- " a wife material"

need ng magpapayat...

 

1.13.2024
dear diary,
need ng magpapayat... wala ng choice.. lahat na ng polo at pants..masikip na..wala ng maisuot...huhuhu..pro how??? nagtarty ako magworkout, pro lalo ako lumalaki. hahaha
food is life.. sa mga katulad kong single, talagang sa foods nalang nahanap ng happiness..hahaha
when you are down & trouble and you need se comfort, foodpanda & grab & some ice cream from your friendly neighborhood will comfort you..

Friday, January 12, 2024

FORD MUSTANG

 

1.12.2024 1am
dear diary,
ANONG MERON NOW? puro daming zero downpayment now ng kotse..tukso layuan moko...hahaha,,, naguguluhan nako...
bakit puro zero down payment!!!!!! nakakagulo kayo sa mental health ng tao...hahahaha
buti nalang hindi zero downpayment yung mustang.. hahaha, Hopefully someday im driving my Ford Mustang na me sakay na loving chick na kasama, then mabalikan ko tong online diary entry nato at natrack ko kung kelan naisip ko yang Ford Mustang na yan. Then masasabi ko sa sarili, wow i made it..
yung Mustang kasi nasa 3M lang so within reach siya ng mga ordinaryong tao na dumadaan sa midlife crisis na hindi naman kaya talagang mangarap ng ferrari, bmw, lamborgini...

Thursday, January 11, 2024

1.11.2024 dear diary,

 

1.11.2024
dear diary,
mukhang need ko na talaga magpass sa chicken, eggs, at kare-kare ( due to peanuts)..
nakaraan kasi hindi ako nakatiis, medyo brokenhearted lang, so need magpacomfort, so saan pa kukuha ng comfort if wala kang jowa? medyo hindi nako nainom now so sa foods nalang talaga..
food is life.. so now eto breakout na naman ng acne...hahaha,, 30 years ko na nilalabanan tong mga pimples nato.. ayaw talaga ako iwan... sakit eh.
bakit ganon? kung ano talaga yung masarap siyang nakakasama sa yo? hays...
oks back to work, salamat sa lahat ng valued industrial soldering clients na nag stay loyal.. we will serve you better this 2024...sunod sunod na mga shipments, lahat quality..
ganon ako, mahilig talaga ako sa quality, pag di quality, matic pass. hehehe

Wednesday, January 10, 2024

1.10.2024 dear diary,

 

1.10.2024
dear diary,
ITO yung kagandahan pag tapos na holiday season at work season na. Pinakaleast favorite month ko talaga yung December. Kasi pag december medyo broke ako.. puro holiday, puro gastos, bigayan ng 13th month pay at xmas bonus sa mga cowokers mo. then wala masyado production yung mga valued industrial soldering clients, at usually nasa holiday din yung Accounting staff so walang collection.. so medyo broke tayo pag december, hahaha
AT bilang Single, ramdam mo pa yung sobrang lungkot pag december dahil nga wala ka kayakap ng xmas, new year, magisa ka lang, wala kang kasamang bebe... hehehe. So ramdam na ramdam mo pag naghost ka..
So NOW january na, though bayaran naman ng mga permit at taxes, favorite month ko to kasi madaming work.. at pag madaming work, Actually tambak ang work.. Pag madami kang work hindi mo ramdam yung nagoghost ka or naiindyan ka..
Today nga, naghost na naman ako actually, pero instead na mabrokenhearted... parang natuwa pako at nagpasalamatt, Hays Thank you Lord naghost ako... nakakapagfocus ako sa delivery.. naaaayos ko ang buhay ko..
Kaya lang at the end of the day, napakalungkot parin, syempre at the end of the day, medyo naghahanap tayo ng bebe time.. hahaha.
now unti unti nako nakakabayad ng utang na personal. So kanina, nabayaran ko na yung isang kasama ko dati, nafully paid ko na uttang ko sa kanya, So now , sa Nanay ko nalang ako me utang personally, hahaha, Aside syempre sa mga bank loan na oks naman , in good standing parin.
yung buhay talaga ng tao is up & down, up & down,, down parin ako now, pero masasabi ko na nabuelo na pa up na ulet, pag na sa up na ulet, pipilitin ko ulet mag invest ng maginvest at magtago ng kung ano yung maitatago.
Kasi buti nalang financially literate ako, nung panahon na nadown talaga ako, ang sumalba sa akin yung mga naitago kong mga small investments na hindi ko naman pinapansin dati or ginagalaw.. Laking help to be honest..
yun lang diary, mabuhay ka!

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope