1.27.2024
dear diary,
oke tapos nako magmukmok..
hina talaga ng emotional capacity ko..2 weeks din ako masyado naapektuhan ng dahil na naman sa problema sa isang LGU ayaw ako bigyan ng mayors permit dun sa new small business na tinatayo ko at me naregister daw ako nung 2008 sa DTI, hindi ko naclose.. hindi ko naman tinuloy yun, sa dti ko lang naregister
ANG PROBLEMA SA PINAS, PAG NAGSARA BUSINESS MO, DAHIL NALUGI NGA, MAS LALO KA PA IBABAON NG BIR AT LGU.. LUGI NA NGA EH.. WALA NA NGANG PERA.. LALO KA PA TATAGAIN SA PENALTY PENALTY AT GASTOS, PAPAHIRAPAN KA PA MAKAPAG START ULET..
IMAGINE MO KUNG ILANG BUSINESS ANG NAGSARA LAST PANDEMIC NA KAPAREHO KO ANG SITUATION??
madugong labanan to.. kaya hindi ko na malaman gagawin ng nakaraan, nagpalamig muna.. 1 week nanood ng netflix. sobrang taba ko na lalo..
Nahihiya na tuloy ako makipagmeet sa mga plano kong ligawan... hahahaha. papayat siguro muna.. nagbike ako around the village ng 5km, dapat 10km target ko but it rains..
so now, oks nako tapos na mukmok.. aksyon na dapat.. nagreready na ng mga documents needed...work work wwork...
working at saturday night..
medyo dati, treatment ko sa small business is prang hobby hobby lang. so register lang ng register ng business.. pero ang hirap pala magclose , langya.
para kang nagpakasal.. ang hirap at magastos ang annulment.. hahaha
pero sa tingin ko, after this, tingin ko kaya ko na harapin lahat ng problema ng 1 small business. need ko na talaga iembrace tong lifestyle nato as small businessman, kasi dati prang hobby hobby lang..
need ko lakasan ang loob ko na kayanin to.. yung quality ng items na binebenta namin is very high quality at competitive price. mga clients na naghahanap, so me market talaga, masusurvive ko to sa tulong ni Lord.. Amen
No comments:
Post a Comment
hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!