The Mema Boy

The Mema Boy
Jabonga Jabonga

Search This Blog

LABELS

Wednesday, January 10, 2024

1.10.2024 dear diary,

 

1.10.2024
dear diary,
ITO yung kagandahan pag tapos na holiday season at work season na. Pinakaleast favorite month ko talaga yung December. Kasi pag december medyo broke ako.. puro holiday, puro gastos, bigayan ng 13th month pay at xmas bonus sa mga cowokers mo. then wala masyado production yung mga valued industrial soldering clients, at usually nasa holiday din yung Accounting staff so walang collection.. so medyo broke tayo pag december, hahaha
AT bilang Single, ramdam mo pa yung sobrang lungkot pag december dahil nga wala ka kayakap ng xmas, new year, magisa ka lang, wala kang kasamang bebe... hehehe. So ramdam na ramdam mo pag naghost ka..
So NOW january na, though bayaran naman ng mga permit at taxes, favorite month ko to kasi madaming work.. at pag madaming work, Actually tambak ang work.. Pag madami kang work hindi mo ramdam yung nagoghost ka or naiindyan ka..
Today nga, naghost na naman ako actually, pero instead na mabrokenhearted... parang natuwa pako at nagpasalamatt, Hays Thank you Lord naghost ako... nakakapagfocus ako sa delivery.. naaaayos ko ang buhay ko..
Kaya lang at the end of the day, napakalungkot parin, syempre at the end of the day, medyo naghahanap tayo ng bebe time.. hahaha.
now unti unti nako nakakabayad ng utang na personal. So kanina, nabayaran ko na yung isang kasama ko dati, nafully paid ko na uttang ko sa kanya, So now , sa Nanay ko nalang ako me utang personally, hahaha, Aside syempre sa mga bank loan na oks naman , in good standing parin.
yung buhay talaga ng tao is up & down, up & down,, down parin ako now, pero masasabi ko na nabuelo na pa up na ulet, pag na sa up na ulet, pipilitin ko ulet mag invest ng maginvest at magtago ng kung ano yung maitatago.
Kasi buti nalang financially literate ako, nung panahon na nadown talaga ako, ang sumalba sa akin yung mga naitago kong mga small investments na hindi ko naman pinapansin dati or ginagalaw.. Laking help to be honest..
yun lang diary, mabuhay ka!

No comments:

Post a Comment

hi there, thank you for reading our blog, have a nice day ahead!

Sponsor

Sponsor
Soldering, ESD safe items, Measuring Tools, Magnifier, Microscope